CHAPTER 35 : PLAN.

578 26 1
                                    

-+

CHAPTER 35 : PLAN.

KAHIT ANO PA ANG MANGYARI tutuloy ako at iiwan ang lugar na'to. Kahit makapatay pa ako ng tao makaalis lang sa lugar na ito. Kung kailangang gapangin ko ang daan papunta kay Rainku gagawin ko. Napagdesisyonan ko nang kausapin si Dad. Alam kong naiintindihan niya ako. Alam kong nararamdaman niya kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Mahirap ipilit ang sarili sa isang taong di mo mahal. Hindi mo mararamdaman yung saya gaya ng nararamdaman mo kapag kasama mo yung taong mahal mo. Laging may kulang. Para bang nasira ang isang bagay na mahalaga sayo.

"Dad!" Nagulat si Dad nang bigla akong pumasok sakanyang kwarto. Hawak-hawak niya ang litrato ng isang babae. Parang madaming problemang dinadala.

Ibinaba niya ang litrato at sumenyas sa akin na pumasok sa loob at umupo sa tabi niya. Biglang napalitan ang kanyang kalungkutan ng pekeng ngiti. Nagpapanggap siyang masaya kahit na alam niya sa kaloob-looban niyang mahirap at masakit.

"Masaya ka bang nakikita akong ganito hah? Ipinagpipilitan mo ang anak mo sa isang taong di niya mahal." Diniretso ko na siya. Dito rin naman hahantong ang usapan. Gusto ko nang makakawala sa lugar na ito. Ayoko nang makita ang mga tao sa paligid ko. Ang gusto ko'y normal na buhay. Yung gigising sa umaga na masaya ka at wala kang ibang iniisip na problema. Nahihirapan na ako. Aanhin ko naman ang yaman ng pamilya kung di naman ako masaya. Makikipagpatayan ako para kay Rainku. Makuha lang ulit siya pabalik.

"Ipagpipilitan mo ang gusto mo? Ryu, gusto mo ba talagang mawala kaming lahat sayo?" Umiling ako at tinakpan ang tenga.

"Dad, bakit hindi tayo lumaban? Nung naglayas ka ba dati naisip mo na pwedeng ikamatay ito ng angkan mo? Diba hindi! Nabubuhay kasi kayo sa takot!" Napaface palm si Dad. Hindi niya alam ang gagawin. Sinubukan niyang tumayo at magpabalik-balik. Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto.

"Dad, pleaassee.." lumuhod ako sa harapan niya. Tinignan ko direkta ang mga mata niya.

Lumuhod din siya sa harap ko at bigla akong niyakap.

"Gagawin mo muna lahat ng sasabihin ko sayo. Matapos nun ay malaya ka na." Nabuhayan ako sa sinabi ni Dad. Parang nagliwanag ang paligid.

"Makinig ka Rainku. Pakinggan mo lahat ng sasabihin ko. Tandaan mo at wag na wag kang gagawa ng mali dahil isang mali ay ikamamatay nating lahat." Naupo kami ni Dad ulit. Seryoso na naman ang kanyang boses. Biglaan akong kinabahan parang isang napakalaking bagay ang ipapagawa sa akin ni Dad.

"Bibigyan kita ng isang linggo para lumabas. Bago dumating ang huwebes dapat nasigurado mo nang malaki na ang tiwala sayo ni Camille, Dapat ay maipakita mo sa pamilya niyang mahal mo ang kanilang anak." Ang tagapagmana ng kabilang angkan. Pero bakit? "Bago dumating ang sabado dapat ay hawak ko na si Camille. Ang bangkay ni Camille. Gagawin natin siyang pain sa kanilang pamilya. At ikaw Ryu.... ang papatay sakanya." Natigilan ako at mas lalo pang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Alam ko na kung anung katapusan nito. Maraming buhay ang mawawala sa gagawin namin. Ba-b-bakit ako?

"Papatayin ko si Camille?" Tinignan ako direkta sa mata ni Dad. Sinasabi ng mata niya na Oo, yun ang dapat.

"Kung inaakala mong mabait at mukhang inosente ang batang si Camille nagkakamali ka. Sadista siya gaya ng kanyang pamilya. Matinik siya at nagiisip Ryu. Wag kang maniniwala sa mga kwento niya." A-ano? Kabaliktaran ba talaga ang nakita kong Camille? Hindi ba ang tunay na Camille ang nakita ko? Nagsisinungaling ba ang mata tingin niya at ngiti? Pero imposible naman yata yun. Siya ang nagpayo sa akin na balikan si Rainku.

"Ryu," Hindi ako makaimik. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kung sino ang nagsisinungaling at nagsasabi ng tama. Imposible namang magsinungaling sa akin si Dad. Pero nakakapagtaka kasi ang kanyang mga sinasabi.

"Ryu, mamili ka.. Si Rainku o si Camille?" B-bakit niya ako pinapipili? Nararamdaman ko na mabait si Camille, pero mas pipiliin ko si Rain.. ang taong mahal ko. P-pero? mukhang hindi ko yata kayang pumatay ng tao.

Makakaya kong manakot. Pero hindi ang tuluyan sila. Makakaya kong tutukan sila pero di ang patayin sila.

"Ryu?" Nakatungo lang ako. Hindi matanggal ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko. Natatakot ako. Habang si Dad ay naghihintay ng sagot ko.

MARCAUX! MAGISIP KA! Mamili ka. Papakasalan mo si Camille o papatayin si Camille.

"At pagkatapos kong patayin si Camille?" tumayo siya at hinawakan ang dragon na pinaglalagyan ng samurai.

"Isusunod mo ang kanyang ina. Ako na ang bahala sakanyang ama." Nakatalikod sa akin si Dad. Hinatak niya ang samurai sa bibig ng dragon. Humarap sa akin at nginitian ako. Naglakad papalapit sa akin at lumuhod.

"Ryu, sayo ako umaasa." Kinuha niya ang aking kamay at binuksan. Nilagay niya ang isang kutsilyo na may ukit ng dragon sa hawakan nito. Sinarado niya ang aking kamay at tinapik ang aking braso. Hindi na ako nakapagsalita. Tumayo nalang ako at nagdirediretsong naglakad papunta sa aking kwarto. Hawak-hawak ko ang kutsilyo. Tinititigan ko ito at di ko mapigilan ang maluha.

"Para sayo Rainku.. Makakaya ko ito."

Naupo ako sa aking higaan at sumandal sa headboard nito. Nagiisip ako ng magandang plano kung paano mapapadali ang aking trabaho ng walang nakakahalata. Dapat mailabas ko si Camille sa kanilang mansyon. Kung sa bahay ng Yagashita ko gagawin ang plano tiyak mahuhuli ako at di na makakalabas ng buhay. Kung ilalabas ko naman ang kanilang anak dapat makuha ko muna ang loob ng kanilang pamilya. Dapat makuha ko muna ang tiwala ng kanyang magulang. May apat na araw pa ako para makuha ang loob ng pamilya. at bukas ang unang araw para simulan ang lahat.

Marcaux, isang linggo lang ito. Kayang-kaya ito! Pagkatapos nito... babalik na ulit ang buhay ko sa normal.

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon