-+
CHAPTER 17 : REMEMBERING THE PAST.
MALAMBING NA GOOD MORNING ANG NARINIG KO MULA KAY MARCAUX. Abot tenga ang kanyang ngiti at ang kanyang kamay ay walang sawa sa paghawak sa aking mga kamay.
SABADO, ang plano ko para sa araw na ito'y nakadetalye na. Ang oras at lugar ay nakaayos na sa aking memorya. Sa park ang punta ko ngayon, kay dad pagkatapos. At ilalabas ko si Eito sa mga susunod na oras. Sila muna ang uunahin ko. Minsan ko nalang sila kung makita. Mas mabuting sakanila ko ituon ang weekends. Tutal naman ang weekdays na mas mahaba ay sa aking mga kamag-aral.
"Anung balak mo Raiku?" Nakahiga sa dibdib ko si Marcaux.
"Uuwi muna ako kay dad. Sa dad mo. Gusto mong sumama?" Naisip ko nga. Bakit hindi ko siya ipakilala kay Eito. Tutal naman alam ni Eito ang lihim ko.
"Wag na. Hindi rin naman nila ko makikilala. Dalhin mo nalang ako, pagtayo na." Binatukan ko siya. Ang lakas ng loob hah.
"Aba! Hindi purkit binibigay ko na ang gusto mo may posibilidad na maging tayo. Tandaan mo Marcaux, Iba na ang katayuan ko. Lalaki na ako. Hindi na madaling gumawa ng galaw ngayon."
Umupo siya sa tabi ko. "Ayos lang. Kahit na hindi maging tayo. Basta alam kong akin ka. Okay na." Lakas talaga ng fighting spirit nito eh nuh?
"Tigil-tigilan mo nga muna ko dyan." Binato ko ang unan sakanya at tumayo na sa pagkakahiga. Parang lumungkot na naman ang mukha ng bipolar na kasama ko. Pero hindi ko na inintindi yun. Ang nasa isip ko ngayon ay ang pagliliwaliw. Mas maganda kung mas maaga ko aalis.
SA PAGALIS KO, isang mainit na yakap ang natanggap ko kay Marcaux. Bakit kaya ganun? Masyado na kaming kampante sa isat-isa? Wala nang ilangan. Nagagawa ko na rin siyang sapakin at batukan. Pero sana naman. Wag muna siyang umasa. Hindi ko pa alam ang mga bagay na dapat kong gawin. Nalilito pa ko.
Nadaanan ko rin si Mr. Sy, ang usiserong principal na nakakaalam ng lihim ko. Naghello siya sa akin at binulungan akong mag-ingat. Hindi ko pa naikukwento sakanya ang nangyari sa amin ni Marcaux at ang pagtatapat niya sa akin. Baka ikagulat kasi ni Mr. Sy iyon at sabihing tama ang kanyang conclusion.
Nagpaalam din ako kanila Yvan at sa grupo. Humingi ako ng tawad sa hindi pagsama sakanila. Gusto pa ngang sumama sa akin ni Domino, magtanan na raw kami! Biro ng baliw na yun. Anu namang trip niya ngayun? Nung mga nakaraang araw puros pick-up lines at jokes siya sa akin. Ngayon tanan naman? Loko yun ah! Pero sabi ko sakanya next time nalang. Importante kasi ang pupuntahan ko. At ayokong makagulo sa kanilang napagusapang group trip.
PAPUNTA AKO NGAYON SA Wallace Park. Ang park na dating tagpuan namin ni Krin. Pupunta ako hindi para abangan kung pupunta si Krin. Pupunta ako ngayon dun para magpaalam na sa aking memorya. Ang memorya ni Allyna. Nagcommute lang ako papunta dun. May kalayuan at katagalan ang byahe pero ayos lang worth it naman.

BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasyA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...