CHAPTER 27 : ANOTHER MESS!

626 26 2
                                    

-+

CHAPTER 27 : ANOTHER MESS!

Nagising ako sa ingay ni Marcaux. Sigaw siya ng sigaw. Nakakarindi. Ang sakit pa naman ng ulo ko parang hang-over.

"Marcaux, wag kang--" natulala ako ng makita kong nasa harapan ko si Kent, Domino at ang KATAWAN KO!

BAKIT NASA HARAPAN KO ANG AKING KATAWAN? ANONG NANGYARI?

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh !!!!!" Kaninong katawan na naman ito?

Napatayo ako at tumingin sa salamin. Ang katawan ni Marcaux ang aking gamit. Sino ang nasa katawan ko?

"Anung nangyari?" Nagtatakang tanong ni Kent. Teka bakit nandito si Kent?

"Kent?" Napaface palm si Kent.

"Hindi yan si Kent. Si Domino yan." Hah? Si Domino napunta sa katawan ni Kent?

"Sino ang napunta sa katawan ni Domino?" Nagkatinginan sila.

"Si Marcaux ang nasa katawan ni Domino." Kung ganoon? Si Kent ang nasa katawan ko.

Bakit?

Naupo si Kent. "Kagabi, nakatingin lang ako sa buwan habang kumakanta. Tapos bigla nalang akong nawalan ng malay. Pagkagising ko nasa iba na akong katawan." Kung ganon, nakatingin din siya sa buwan ng mga oras na iyon?

Hmp! Pasaway ka sir Sy! Mas lalo lang naging kumplikado ang lahat!

RAINKU --> MARCAUX --> DOMINO --> KENT --> RAINKU.

Isinulat ko sa harap ni Mr. Sy ang mga nangyaring pagpapalitan ng katawan. Ang pinangako niya sa aking solusyon ay naging panibagong problema.

"Calm down." Pinaupo ako ni Mr. Sy at naglabas din siya ng sariling papel.

"Marcaux--ah I mean Rain.. makinig ka muna sa akin.." naupo ako at nakinig sa kanyang mga sinasabi kahit na ang utak ko ay kumokontra sakanya.

"The spell will not work unless the participants are in love." Heh?

"Tagalugin po niyo. Hindi ko po maintindihan." Pa-english english pa kasi eh.

"Napunta ka sa katawan ni Marcaux dahil mahal mo siya." Ganun ba yun?

"Eh Sir, si Marcaux po bakit napunta sa katawan ni Domino?" Oh crap! Mahal niya si Domino?

Napangiti si Mr. Sy.. "Mali ang nasa isip mo Rain. Mangyayari ang spell hindi lang dahil mahal mo ang isang tao. Nangyayari din ito kapag may matinding galit ang participants." Spell? Is he a witch?

"Sir, kayo po bang may kagagawan ng spell?" Yun totoo, sumpa ata ito eh. Pinaganda mo lang ang term!

"Maybe." He gave me a weird look. Parang wala siyang alam sa mga nangyari. Para bang isa lang siya sa mga normal na tao.

"Sir, kelan naman po kami makakabalik sa aming katawan?" He smile at me.

"Sa tamang panahon." What? Paano kapag hindi dumating yun? Bagong katawan na naman? Bagong adjustments?

"Sir?" Kinukulit ko si Sir. Alam kong siya ang may kagagawan nito. Alam kong siya ang dahilan kung bakit nagkaloko-loko na naman kami.

"Rain, hindi ko alam." Sinuot na ni Mr. Sy ang kanyang salamin. Naglabas siya ng gabundok na paperworks at ginawa itong boundery para matakpan ang aking mukha.

Psh! Anong gagawin ko? This school is CRAZY !!

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon