CHAPTER 12 : RAINKU FUKUNAGA.

1K 38 1
                                    

 -+

 CHAPTER 12 : RAINKU FUKUNAGA.

 ISANG LALAKI ANG TUMAYO SA HARAPAN KO. Malamang si Marcaux iyon. Pero ano naman kayang kailangan niya? Magagalit kaya siya, dahil sa maingay na tunog na nagawa ko? O makikipagkilala?

 Itinaas ko ang ulo ko. Umupo naman siya sa harapan ko. Yung upong hindi sumasayad ang pwetan sa lapag ng kwarto.

 "Siguro naman kilala mo na ako." Tanong ni Marcaux. Pero wala manlang emosyon ang mukha.

 "O-oh-OO." Nag-aalangan kong sagot.

 "Hindi naman mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga eh, kung sino ka nga bang talaga?" Naglapit ang kanyang kilay. At parang isang malaking question mark ang nabuo ng kanyang mukha.

 "Ahh-ako?" Nag-nod siya.

Tumayo siya. At unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa aking kaliwang tenga. "Kilala ko ang katawang nasa harapan ko ngayon. Ikaw kilala mo ba?" Tinayuan ako ng balahibo sa kapal ng boses niya. Natakot ako sa mga binitiwan niyang salita. Pakiramdam ko, alam niya kung sino ang tunay na ako.

 "Hah?" Kunwari'y hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.

 "Raiku, alam mo ang mga sinasabi ko. Alam mo sa sarili mo. Mag-ingat ka lang hah. Baka mahuli ka." B-bakit alam niya ang... si Dad at Eito lang ang tumatawag sa akin ng Raiku.

 Tumayo siya ng tuwid at ginulo ang buhok ko. Naglakad papunta sa kanyang higaan at diretso akong tinititigan.

 Tumalikod ako. Nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hinala ko, may alam siya sa mga nangyayari sa akin ngayon.

 Tumayo ako, at didiretso na palabas.

 "Teka, san ka pupunta?"

 "Magpapahangin lang." Nakatalikod pa rin ang pagsagot ko sakanya. Habang hawak ko ang door knob.

 "Sasama ako." Binitiwan ko agad ang door knob at naupo ulit sa higaan ko. Mas lumakas ang tibok ng dibdib ko. Kaya nga sana ako lalabas para gumaan ang pakiramdam. Pero kung sasamd siya. Mananatili nalang ako dito. Ganun din naman.

 "Pwede bang wag mo akong titigan?" Kahit nakatalikod ako. Nararamdaman kong diretso pa rin sa akin ang kanyang tingin.

 "Kala ko ba lalabas tayo?"

 "Wag nalang." Nangangatog kong sagot.

 "Natatakot ka ba?" Hindi ako sumagot. Nahahalata niyang natatakot ako. Mas nagkakaroon siya ng lakas ng loob.

 Namamawis na ako kahit may kalamigan. Namumutla at parang may kung ano sa kalamnan ko na gustong kumawala. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

 "Sige, gumalaw ka. Didiretso ang kutsilyo diyan.. diyan diretso sa puso mo." Pumikit nalang ako. Hindi ako makagalaw. Mahigpit ang yakap niya. Habang ang kaliwa niyang kamay na may hawak na kutsilyo ay pataas ng pataas sa leeg ko.

 "Wag Marcaux." Habang nakapikit ako'y nagmamakaawa ako sakanya. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang luha dahil sa takot.

 "Bakit naman? Nag-eenjoy ka na ba sa masayang buhay? Masaya bang maging Fukunaga? Hah? Masaya ba?!" Ang tono ng kanyang boses ay parang nakikipagusap sa bata. Nananakot na parang nang-iinis. At medyo sumikip ang hawak niya sa akin.

 "Marcaux, please, wag!" Pagmamakaawa ko pa rin.

 "Hayaan mo. Hindi kita tutuluyan ngayon. Ayoko namang makita ang dati kong katawan na nahihirapan." Lumapit siya sa aking tenga at bumulong. "Papatayin kita kapag wala ka nang alam. Yung tipong magugulat ka nalang. Wala ka na pala sa mundo." Unti-unti siyang lumayo sa akin at naupo na sakanyang higaan.

 Dumilat at napayuko nalang ako. Ibinuhos ang lahat ng takot sa iyak. Napuno ang loob ko. Pakiramdam ko talaga kanina, katapusan ko na.

 Naglakad siya sa gilid ko at naramdaman kong nakatayo siya sa harapan ko kaya nagmadali akong kumilos papunta sa gilid ng kwarto at nagtakip ng mukha. Natakot na ako sa kanya at parang automatic na ang katawan kong umiwas.

 Naramdaman ko ang paglakad niya papalapit sa akin. Tinabihan niya ako at tinanggal ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha.

 Dumilat ako. Pinunasan niya ng hawak niyang panyo ang mukha kong basang-basa ng luha.

 "Ayoko ng umiiyak. At isa pa, ayokong nakikita ang dati kong mukha na gusgusin dahil sa luha." Matapos niya akong punasan ng luha'y bigla siyang yumakap. Hinanap ko naman ang kutsilyo na hawak niya kanina. Baka kasi itutok niya ulit sa akin iyon.

 "Pasensya na hah. Kailangan ko lang talagang bawiin ang mga bagay na para sa akin." Kumalas siya sa pagkakayakap at dumiretso palabas ng kwarto.

 Tumayo naman agad ako para tignan sa salamin kung may saksak ako ng kutsilyo.

 WALA! BUHAY PA AKO!

 WALA AKONG SAKSAK.

 Buo pa ako at waldng tumagas na dugo.

 Nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

 "Papatayin kita kapag wala ka nang alam. Yung tipong magugulat ka nalang. Wala ka na pala sa mundo." Parang silang plaka na paulit-ulit na nagpa-play sa utak ko ang mga sinabi niya kanina.

 Nanlambot tuloy ako. Parang natatakot na ako sa mga mangyayari. Mukang dito na ako aabutan. Mapapadali ata ang pagpunta ko sa kabilang mundo. Magiging isang palaboy na kaluluwa ulit ako.

 -+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon