CHAPTER 22 : TO REGAIN TRUST, AGAIN.

712 29 0
                                    

-+

CHAPTER 22 : TO REGAIN TRUST, AGAIN.

"DOMINO." Tumakbo ako para maabutan siya. Hindi manlang siya lumingon, nagdirediretso pa rin siya sa paglalakad. Nakatungo siya at parang nanlulumo. Nang naabutan ko'y hinawakan ko ang kanyang braso para humarap siya sa akin. "Pumikit ka." Inilipat ko ang mga kamay ko sakanyang pisngi at hinalikan ang kanyang labi.

His lips was gentle. Lumalaban siya ng halik sa akin. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking bewang. Sumisikip ito habang tumatagal. Parang naninigas siya. Nanlalamig at hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Gumagapang ang mga daliri ni Domino. At nasa dibdib ko na ito. Ibinaba ko ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi at itinulak siya ng kaunti.

"Nakikiliti ako."

"Im sorry." Bumulong siya at sinunggaban ako ng halik. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Nanlalamig siya at namamawis. Maya-maya pa'y bimitaw na siya sa paghalik.

"Why?" Nagtatakang tanong niya

"Anong why?"

"Why did you do that?" Huh?

"That what?"

"Why did you kiss me?"

"Hindi ba nirequest mo? Are you insane?" Namula ang mukha ni Domino.

"Hindi ko naman aakalaing gagawin mo yun."

"Gusto ko kasing pagkatiwalaan mo ulit si Yvan. Hindi ba yun ang kapalit?" Tumalikod ako at napansin kong nasa likod pala si Marcaux. Biglaan siyang nagtago. Malamang nakita niya ang lahat. Ang mga halik na natanggap ko galing kay Domino.

"Domino," namumula pa rin siya. And I think, he's day dreaming!

"HEY DOMINO?!" Nanlaki ang mga mata niya.

"A-ano yun?"

"Friendly kiss lang yun. No strings attached." Tumalikod na ulit ako at naglakad palayo. Mga ilang steps pa lang ang nailalakad ko'y bigla na niya akong niyakap patalikod. "Salamat." Bumulong siya at lumayo.

"Ipangako mong makikipagbati ka kay Yvan."

"Mmmh! I will." Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang makaabot ako ng kwarto.

Walang tao sa kwarto. Wala si Marcaux. Malamang nag-eemote yun. Lalo na't nakita niya ang mga ginawa namin ni Domino kani-kanina lang. 100% sure ako! Nagselos yun. Eh bakit ba? Ano ko ba siya? I can do what I want to do.

Naupo ako sa sofa. Naramdaman kong parang may naipit akong matigas na bagay. Tumayo ulit ako at hinanap ang matigas na bagay. Naalala kong inipit ko pala kanina sa likuran ko ang Diary ni Domino. Buti nalang hindi nalaglag. Umupo ulit ako. At isa-isa kong binuksan ang mga pahina ng notebook.

June XX, 2OXX

Holy crap! Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon? Whenever Rain is with us, I feel.... hindi ko alam! Parang... I can't explain. My tummy, it growls! Parang may something, butterflies? Dragonfly? Firefly? Crap! Simula nung dumating siya sa school lagi nalang nasa utak ko ang mga ngiti niya. The heck! So gay! He's attractive, sexy and for me his Beautiful. Lalaki siya pero nagagandahan ako sakanya. What the! I am crazy! This can't be.. this can't be! T_T

- D.

June XX, 20XX

OK OK! AAMININ KO NA.

I LIKE HIM! SHEEP!! SO GAY. X_X

Natawa ko sa last note niya. Nakacapital ang mga words at halos 35 ang font ng mga letters. His crazy!

June XX, 2OXX

I LOVE HIM >_

"WHAT!" Napasigaw ako. Bakit kailangan niya pang isulat dito? At bakit kailangan ko pang mabasa? Baliw ba siya? Maling tao ang minahal niya.

Hayy! Domino, you're insane!!

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon