CHAPTER 30 : I WILL.

658 23 3
                                    

-+

CHAPTER 30 : I WILL.

KITANG-KITA NG DALAWANG MATA ko kung paano pagkatiwalaan ni Kent at Domino ang isat-isa. Nag-uusap ang kanilang mga mata at nagsasabi ng mga matatamis na salita. Eventhough they can't say those three words I can say that they truely love and respect each other. Pinaglaban nila ang alam nilang tama. Sinunod nila kung ano ang kanilang nararamdaman. They are pure lovers. I envy them! A lot.

Natatakot akong sundin ang puso ko. Natatakot akong baka isang araw wala na ang taong nasa tabi ko ngayon, si Marcaux. Baka iwan niya ako. Baka magsawa siya sa akin. Baka isang araw ang lahat ng mayron ako'y mawala.. at mawala kasama niya. Ayoko pang mangyari iyon. Hindi ko pa kaya..

Siguro sa ngayon, mananatili muna kami sa ganitong relasyon. I hope he understands. I wish.. at sana hanggang sa makayanan ko nang ipagkatiwala sakanyang ang nararamdaman ko..

Nasa tabi ko pa rin siya.

Umaalalay.

Sumusuporta.

Nakikinig pa rin siya sa bawat kwentong sinasabi ko.

Minamahal niya pa rin ako.

Pinapangiti at walang sawang nagsasabi ng mahal kita.

Alam ko mahirap para sakanya ang maghintay ng sagot kong walang kasiguraduhan. Mahirap din sa parte ko.. nasaktan na rin ako minsan. Ayoko nang maulit pa ang mga sakit na iyon. Ayoko nang mahirapan pa sa mga susunod na mga araw. Tama na minsan nagpakatanga ako. Tama na ang minsang pagkauntog ko..

Marcaux, kayang-kaya kong sabihin sa iyo ang tatlong salita. Pero ang puso ko? Hindi pa pupwede. Maaga pa. Masyado pang bata ang puso at isipan mo. Gusto ko, matutunan mo munang patatagin ang nararamdaman mo. Pasensya na kung kinakailangan ko pang umabot sa puntong papahirapan kita. Pasensya na kung maghihintay ka.

Huminto ako sandali sa isang tabi. Sinandal ko ang aking katawan sa upuan at pinagmasdan ang kalangitan. Malinaw kong nakikita ang kapulahan ng langit. Ang mga ulap na sumusuporta sa paglubog ng araw. Ang mga bundok na walang sawang niyayakap ang pulang araw. Magpapaalam na naman ang araw sa ilang saglit. Darating na naman ang buwan ang dilim. Kasama ang mga bitwing lagi niyang nginingitian.

Humawak ako sa kamay ni Marcaux at sumandal sa kanyang balikat. Sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw. Sabay kaming namamaalam sa liwanag at ngingitian ang dilim.

"Mahal na mahal na mahal kita." Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon naramdaman ko ang kanyang kamay at niyakap ako.

"Mahal na mahal din kita Rainku." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pero parang may biglang kumawala sa akin. Gumaan ang aking pakiramdam. Nawala ang lahat ng takot ko.

"Bakit ka umiiyak?" Pinunasan ni Marcaux ang luha ko. Ang walang tigil na pag-agos ng mga luha ko. Bawat patak ay ginhawa para sa akin.

Sasagutin ko na ba siya?

O

Huwag muna?

Kaya ko na ba?

Humarap ako kay Marcaux at tinignan ang mga mata niya ng diretso. Inosente ang kanyang mga mata. Mga matang nagsasabi ng kanyang nararamdaman. Makakaya kaya akong titigan ng mga matang ito hanggang sa mawala ako sa mundo? Masisigurado ko bang hinding-hindi siya magsasawang titigan ako?

Ang kanyang mga labi. Ang namumula niyang mga labi. Masisigurado ko bang ako lang ang hahalikan ng labing ito? Hanggang kailan niya sasabihing mahal niya ako? Bukas o sa susunod na araw? Hanggang hukay kaya'y iiyak ang kanyang mga mata at sasabihin ng mga labi niyang Mahal na mahal kita.

Pumikit ako at nakiramdam. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Nararamdaman ng aking kamay ang kanyang pagngiti. Unti-unti kong pinaglapit ang aming mga labi. Malambot ito na parang bulak. Kasing tamis ng kanyang unang halik sa akin.

Nakapagdesisyon na ako.

Binuksan ko ang aking mga mata at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Hahayaan ko na ang puso ko ang magdesisyon.

"Marcaux, maipapangako mo bang hindi mo ako sasaktan?" Pinunasan niya ang natitirang luhang pumatak sa aking mata.

"Raiku, hindi ako magaling sa pangakuan pero ang masasabi ko lang-- mananatili ka dito." Kinuha niya ang aking kamay at nilagay sa kanyang dibdib.

"Kapag sinaktan kita Raiku, para ko na ring sinaktan ang puso diyan na tumitibok." Hindi ako makapagsalita. Nabato ako at parang---

OH CRAP! HEAVEN!!

"Rainku?" Hinawakan niya ang aking mukha at parang nagalala.

"Hmm?" Napangiti siya ng nagsalita ako.

"CAN YOU MAKE ME THE HAPPIEST PERSON IN THE WORLD?" Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa aking utak. Parang hindi ko na kaya!

"YES MARCAUX! Pinagkakatiwala ko na iyo ito." Hinawakan ko ang kanyang kamay at nilagay sa aking dibdib. Napangiti siya at niyakap ako.

"Iingatan ko yan." Bulong niya sa akin.

Matapos niya akong yakapin ay humiga siya sa aking balikat at tumingin sa langit. Wala na ang araw. Ang buwan ay nagliliwanag na kasama ang kanyang mga bitwin.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa.

Love, salamat dahil dumating ka sa amin ni Marcaux.

THE END .

-+

P.S !

JOKE LANG ! HINDI PA ENDING.

HAHA!

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon