CHAPTER 6 : IM HOME.

1.3K 40 2
                                    

-*

CHAPTER 6 : IM HOME.

Inikot ko ang silid. Pagkapasok ng pintuan, bubulaga sayo ang isang malaking salamin na nagbibigay liwanag sa kwarto. Sa baba nito may dalawang magkaharap na sofa. Napapagitnaan ito ng mesang gawa sa narra. Sa kaliwang banda naman ay ang higaang family size. Puting puti ang kanyang kama. Habang may puting carpet naman sa ilalim nito. Sa kabilang banda naman ng kwarto, isang malaking library. Oo! Nasa loob ng kanyang kwarto ang library. Puros mga makakapal na libro. Karamihan sa mga libro ay puro filipino writer at ang iba naman ay tungkol sa persian at greeks. Mapapansing mahilig siyang magbasa. Kung iisa-isahin ang bawat libro mapapansin may mga bookmark ito sa gitna. Nakaayos ang libro batay sa gamit. Pero may mga mangilan-ngilan na nakahanay base sa authors. Ang back cover ng libro ay pangalan ng may ari "RAIN ~n_n" at may pirma sa ilalim .

Nakakatuwa ang kwartong ito dahil sa kaayusan at kalinisan. Hindi na nakakagulat dahil makakaya naman nilang magbayad ng katulong. Speaking of maids. Kanina pa ako sa bahay pero ni isa wala pa kong nakikita. Masyado ba silang busy? Nakakapagtaka naman.

Inikot ko pa ang kwarto. At may mga lihim akong natuklasan. Ang pader na malapit sa higaan ay mayroon maliit na kwarto. Aakalain mong sementado ang pader, pero kapag hinawakan mo, magugulat ka at isa pala itong ditiklop na pintuan papasok sa isa pang kwarto. Bubungad sayo ang isang malaking study table na puros bond paper at mga ballpen. Sa tabi ng study table, isang drawer. May kaliitan ito at gawa sa di matukoy na materyales. Hindi ito ordinaryong drawer na plastic na mukang mahal at di gawa ng pinas. Kapag binuksan mo ito bubungad sayo ang mga clear books na may mga lamang bond papers.

"CHAPTER 1 : Absence." Mukang isa siyang writer. Ang ganda ng handwritten niya. Parang calligraphy ng isang babae.

"Ingatan mo at baka mapunit yan."

NYAY !!

Kinagulat ko ang biglang pagsulpot ni Eito.

"Alam mo bang mahal na mahal niya ang pagsusulat? At sana... ingatan mo rin ito gaya ng ingat na ginawa ng kuya ko. Sana mahalin mo ang bagay na minahal niya dati. Writing ang first love niya. Sana ikaw rin." Ngumiti lang ako sakanya. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong interes sa pagsusulat. Ni hindi nga ako mahilig magsulat. Para sa akin mga walang kabuluhang bagay lang iyon.

"Hayaan mo Eito. Pipilitin kong magustuhan ang mga gusto ng kuya mo." Kahit napakahirap. Kailangan kong magbitaw ng isang salitang makakabuti para sa lahat. Kailangan kong buhayin ang kanyang kuya Raiku. Kahit na isang babae ang nasa katawang ito, magpapakalalaki ako. Para sa kaayusan ng lahat.

Inikot ko pa ang silid. Napansin ko rin ang kanyang malaking lalagyan ng damit at sapatos. Nakahanay ang lahat batay sa gamit at pinagkakasunod-sunod ng kulay.

"Parang kwarto ng babae ang kwarto ni kuya noh?" Natawa si Eito. "Napakalinis at sobrang stylish. Personalize pa ang mga gamit. Alam mo bang, siya ang nagtatyagang maglinis ng ng lahat ng ito?"

"Talaga?" Laking gulat ko sa sinabi niya. Masyado naman atang misteryoso ang lalaking yun at siya ang naglilinis ng kanyang kwarto.

"Ayaw niya ng ginagalaw ang mga gamit niya. Masyado siyang maselan pagdating sa mga pansariling gamit. Ayaw na ayaw niyang nililinis ito ni manang."

"Nasan ba ang mga maids niyo?"

"Wala kaming maids. Kami ang kumikilos dito sa bahay. Dahil ayaw ni dad na maging tamad kami. Si manang naman, kada umaga lang ang punta kasama ang dalawa niya pang anak para linisin ang buong bahay. Sa tanghali ay uuwi rin sila." Wow! Ngayon lang ako naka-encounter ng mayamang walang maids. COOL!!

"Maghahapunan na kuya. Nakaugalian na dito sa bahay na maging presentable sa harap ng hapag kainan. Kaya maligo ka na at magpalit ng damit." Tinulak niya ako papuntang comfort room at binato ang twalya sa mukha ko tyaka umalis.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon