CHAPTER 26 : TIE BREAKER

643 27 0
                                    

-+

CHAPTER 26 : TIE BREAKER.

AAAhhh! Naguguluhan na ako!! Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko. Nakakainis!

"Gustong mong mapadali ang lahat?" Napatayo ako ng biglang nagsalita si Mr. Sy. Nakangiti siya at naupo sa bench na nasa harapan ko. Pinagmamasdan niya ang mga halamang nakapalibot sa amin. Ang garden ng school ay mismong siya pa ang nagdesign at namili ng mga bulaklak na itatanim.

"Sir? "

"Napapansin kong naguguluhan kang mamili sakanilang dalawa." Paano niya nalaman?

"Wag mo nang tanungin kung paano ko nalaman." Hah? Tinanong ko ba sakanya yun? Sa sarili ko yun tinanong yun ah!

"Gusto mong makapamili ng mas nararapat para sa iyo?"

"Opo."

"Sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa iyo." Tumayo si Mr. Sy at hinatak ako papunta sakanyang office.

"Sir, ano pong ipapakita niyo sa akin?" Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nabunggo ako sakanyang likuran ng bigla siyang huminto sa harap ng pintuang ngayon ko pa lang nakikita.

Hinatak niya ako sa loob at nilock niya agad ang pinto.

"Wow!" Ang kwarto ay napuno ng mga constellations ng stars. Ang pinagtataka ko, sa bawat constellation may picture ng ilan sa mga estudyante dito sa St. Manuel.

"There you are." Tinuro niya ang Libra at ang aking larawan.

"Lahat ng mga estudyante ng St. Manuel, grumagraduate ng may masayang love life."

"Talaga?"

"At syempre. Sa tulong ko." Si cupid ba siya.

"Rain, sundin mo lang ipagagawa ko sa iyo." Love test ba ito?

"Mamaya ay kabilugan ng buwan. Bago pumatak ang alas nwebe ng gabi. Kinakailangan matitigan ninyong tatlo ang buwan. Huwag papalya. Kapag dalawa lang ang tumingin mamatay ang isa." Ah! Mamamatay?

"Sir, walang biro?"

"Rain, mukha ba akong nagbibiro?"

TUMATAK SA UTAK KO ANG MGA SINABI ni Mr. Sy. Wala naman sigurong mawawala kung gagawin ko ito nang tama. Kaya naisip kong planohin ang lahat. Sinulatan ko sina Domino at Marcaux na pumunta sa park bago magalas nwebe ng gabi. Ang hindi makapunta ay automatic Busted! How rude!

Pero wala na akong choice. Susundin ko nalang ang pinapagawa ni Mr. Sy. Gusto ko rin kasing malaman kung anung mangyayari.

Eksakto alas otso ng gabi. Nasa park na ako at pinapanood ang buwan. Mas malaki ito ngayon. Parang blooming na blooming nga ang buwan eh.

Parang ang tagal ng dalawa ah. Malapit na pumatak ang alas-nwebe.

"Bakit ka nandito?" Narinig ko ang boses ng dalawang baliw. Nagtatalo sila.

"Hoy! Tama na yan!" Amazona lang? Haha! Kailangan kong maging bossy ngayon. Kailangan ko silang mapasunod.

Patuloy pa rin silang nagtatalo tungkol sa mga bagay na hindi ko alam.

"Hoy manahimik nga kayo pareho! Ang ganda-ganda ng gabi. Bilog na bilog ang buwan eh panira kayo.

Nanahimik sila at tinitigan ang buwan. Para silang naamaze at natulala.

Nang tinignan ko ito'y kasabay ng pagtunog ng aking relo. Alas-nwebe na. Tumitig lang ako sa itaas at naghintay ng mga mangyayari.

Habang tumatagal ay parang nanlalabo ang aking paningin. Nahihilo ako at parang bangag. Nanlalambot ang katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang humihiwalay ang aking katawan sa akin.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng aking katawan at naging blanko na aking paningin

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon