CHAPTER 39 : ESCAPE.

537 26 1
                                    

 -+

 CHAPTER 39 : ESCAPE.

 BUONG ARAW LANG AKONG NASA LOOB NG AKING KWARTO. Pinagiisipan ko ang mga sinabi kanina ni Dad.

 "Dalawa nalang, Ryu. Mas mapapadali ang trabaho natin kung pagtutulungan natin ito anak." Ibinalik niya sa aking kamay ang naiwan kong baril sa hotel. Seryoso ang kanyang tingin at pilit na pinatitibay ang aking loob.

 Ang baril na sumisimbolo ng kamatayan. Kaguluhan at kademonyohan. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na hawakan ito. Kailanman hindi ko gagamitin ito. Mas pipilitin ko pang mamatay. Hindi ko gagawin ang plano. Tatakas ako dito. Magpapakalayo-layo kasama ni Raiku. Hindi ko na uulitin ang isang pagkakamaling nagawa ko. Natuto na ako.

 Pinagkasya ko sa isang bagpack ang aking gamit at dahan-dahang lumabas ng aking kwarto. Alas-dos y media na ng madaling araw. Ang oras kung saan kaonti nalang ang mga nagbabantay sa labas. Nakarating ako ng likod bahay. Ang harap at ang likod na gate ay parehong may nagbabantay. Kailan kong gumawa ng paraan para makalabas dito.

 Napansin ko ang agos ng sapa sa likod bahay ay may daan palabas ng ilog. Mapapalayo ang aking daan kung dito ako lalabas. Pero ito nalang ang natitirang daan.

 "Sinong nandiyan?" Napansin ako ng isa sa mga tauhan ni Dad kaya gumapang ako papunta sa bridge. Ang bridge na nagdudugtong sa magkabilang daan. Sakop pa rin ito ng mansyon. Ito ay gawa sa kahoy kaya naman hindi ito maingay kapag nilalakaran. Nang mapansin kong malapit na ang tagapagbantay ay tumalon na ako. Mababaw lang ang tubig kaya madali itong languyin. Pero habang papalapit na ako ng papalapit sa boundery ng mansyon, napapansin kong lumalalim na ito. Kinakailangan ko pang sumisid sa ilalim para makalabas. Maliit lang ang butas nito pero kasya ang aking katawan. Hatak-hatak ang aking bagpack na binalutan ko ng plastic ang loob para di mabasa ang laman.

 Madilim na ang labas ng mansyon. Tahimik na ang paligid at tanging ang kuskusan ng dahon lang ang naririnig. Basang-basa ang aking katawan kaya naisipan kong palitan ang aking damit. Ang labas ng bag ay basang-basa. Maging ang ilang mga gamit sa loob ay nabasa rin. Mabuti nalang at binalot ko ang iba. Nailigtas pa ang ilang mga damit kaya nakapagpalit ako.

 Dumiretso ako sa ospital. Kung saan naroroon si Raiku. Dumaan ulit ako sa likod nito para hindi ako mapansin ng gwardyang nagbabantay. Nakapatay na ang ilaw sa corridor at ang ilang mga kwarto ay nakapatay na rin. Nagmadali akong dumiretso sa kwarto ni Raiku at naabutan ko siyang mahimbing na natutulog.

 Malungkot ang kanyang mukha. Hindi na ito gaya ng dati na nakangiti kahit na natutulog siya. Ginising ko siya gamit ang isang halik sa kanyang labi. Unti-unti naman niyang idinilat ang kanyang mata at gulat na gulat nang makita ako. Niyakap ko siya agad at di ko na naman mapigilan ang aking sarili na mapaluha.

 "Bakit ka nandito?" Bulong niya habang patuloy akong yakap-yakap.

 "Raiku, tatakas tayo." Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ng marinig niya iyon.

 "Magtiwala ka lang sa akin Raiku." Hindi siya makasagot sa akin at nananatili lang na nakatingin sa akin.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon