CHAPTER 15 : PHASES OF VENUS.

1K 33 1
                                    

 -+

 CHAPTER 15 : PHASES OF VENUS.

 GABING-GABI NA. Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

 Sinubukan ko munang maglakad-lakad. Inuna ko ang rooftop ng Freshmen building. May napansin kasi akong kumikinang kaya nacurious ako.

 Sa taas ng rooftop, may isang lalaking nakatayo. Hawak-hawak ang telescope.

 Nilapitan ko ito para alamin kung sino.

 "Bakit gising ka pa?" Si krin. Si Krin pala ang lalaking nakatalikod kanina.

 "Hindi po kasi ako makatulog."

 "Bakit mo naman naisipan dito pumunta?" Mahinahon ang kanyang boses. At kahit na busy siya'y patuloy pa rin siya sa pakikipagusap sa akin.

 "Nacurious po kasi ako sa kumikinang dito sa rooftop." Naupo ako sa tabi.

 "Mahilig ka ba sa stars?" Ang totoo niyan ay oo. Bata pa lang ako, gusto ko na talagang makaakyat sa moon.

 "Hindi naman po masyado." Isang playing safe na sagot.

 "Nakikita mo ba ang constellation na yun?" Tinuro niya ang mga magkakadikit na stars at nakabuo ito ng dipper.

 "Big dipper po." Then a smile just came out in my lips. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko'y kinikilig ako kasi kasama ko siya.

 "Tama! Eh yung malaking yun. Yung hindi kumikinang." Tinaas niya ulit ang mga kamay niya at may tinuro na naman.

 "Ahh.. sa pagkakaalam ko. Hindi yan star. Planet venus yan." This time siya naman ang ngumiti. Kinilig na naman ako. Parang matutunaw ako. Hindi ko nga alam kung paano ko siya natitiis sa araw-araw.

 "Maraming tao ang pinagkakamalan yang star. Siguro dahil sa appearance." Napaisip ako. Parang planet venus rin pala akong pinagkakamalang star. Kasi ang nakikita nila katawan ng lalaki.

 "Pero hindi naman po pupwedeng habang buhay ay pagkakamalan mo na siyang star. May mga bagay na akala natin ay tama, dahil yun ang nakikita. Minsan, we have to use this." I pointed my chest. I mean my heart.

 Natawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Ang lalim ng pinaghuhugutan mo ah. Stars lang ang pinaguusapan napunta na sa heart." Natawa rin ako.

 "Pero, tama ka! May mga chances pa rin na akala ko star si Venus kahit kilala ko siya at alam ko kung ano siya." Parang ako. Hindi mo ako nakikilala kasi lalaki ang appearance ko.

 "May mga bagay talagang nakakaloko noh? Kasi nadadaya ang ating mga mata." Kung pwede ko lang talagang sabihin na ako si Allyna. Kaso hindi. Hindi pwede.

 Napatayo siya sa pagkakaupo at parang nataranta. "Oh! Look! My falling star." Tuwang-tuwa siya.

 "Sir. Nagwiwish ba kayo kapag nakakakita kayo ng falling star?"

 "Oo. Ang weird diba? Alam ko naman hindi fairy ang star para mag-grant ng wish. Pero I still believe."

 "Ano naman pong hiniling niyo." Tumingin siya sa akin. At umupo sa tabi ko.

 "Bakit gusto mo malaman?" I just want to. That's it.

 "Para ako po ang witness kapag natupad ang wish niyo." Ngumiti na naman siya. At hiniga niya ang kanyang katawan.

 "Simple lang. Sana mapatawad ako ng ex ko." Tinamaan ako. As in!

 "Po? Bakit naman? Nangaliwa kayo noh?" Napaupo siya ulit. At parang nagulat sa tanong ko.

 "Hindi ah!! Nangako kasi ako sakanyang babalikan ko siya. Pero hindi nangyari kasi magpapakasal na dapat ako noon."

 "Eh kasi naman. Bakit humanap pa ng iba?"

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon