-*
CHAPTER 5 : AS YOU WISH
Natutuwa ako- sa tuwing kikiligin ang babaeng nurse sa paghawak sa katawan ko. Naiinis naman ako. Sa tuwing pagti-tripan ako ng bading na nurse na nagpapainom ng gamot sa akin.
Totoo pala ang tinuringan ng mga kalalakihan. "Madaling maging lalaki, mahirap magpaka-lalaki." Hindi sa kadahilanang lumalambot sila o anuman. Pero sa dahilang, mas mabigat ang responsibilidad na nakapatong sa kanilang ulo. Mas mabigat ang gawain. Mas mataas ang expectations.
Mahirap! Pero dahil ito ako.. KAKAYANIN KO!!
"Ilang taon na ako Eito?" Eito, ang tawag ng kanyang kuya sakanya. Siya lamang ang tumatawag ng Eito. Habang RAIKU naman ang tawag sa kuya niya.
"17." Bumilang pa siya ng taon at nanigurado.
"Eh, ikaw?"
"14." Maayos na kung sumagot si Eito. Pero minsan hindi maiiwasan ang kalokohan. Magpaglaro ang kapatid ko. Maloko, ika nga. Pasaway at makulit.
"Mabait ba si Raiku?" Ang tinutukoy ko ay ang kuya niya.
"Minsan." Hindi siya nakatingin sa akin. Naglalaro kasi siya ng PSP.
"Minsan? May ugali bang minsan mabait?"
Ibinaba niya ang nilalaro at tumingin sa akin. "Mas gugustuhin mo pang wag nalang siyang makilala." At nagbalik sa paglalaro.
"Ang mangungupahan sa isang bahay ay hindi titirhan o rerentahan ang isang bahay kung wala siyang kasiguraduhan kung ligtas ba ang bahay na kanyang titirhan." Kumunot ang kanyang noo.
"Hah? Bahay at titirhan lang ang naintindihan ko." Sabi na nga ba. Wala siya ideya sa mga pinagsasabi ko.
"Magkwento ka nalang ng tungkol sa kuya mo." Ibinaba niya muli ang hawak, ang kanyang PSP. Naglakad papunta sa higaan ko at tumabi sa akin.
"Sige na nga." He loudly exhales bago magsalita. Mukang may something sa kanyang kuya.
"Kuya Raiku, he is as good as you. May kasungitan nga lang siya. Laging tahimik- parang may laging iniisip. Siya ang tipo ng taong parang walang problema. Hindi mo makikitaan ng pagsimangot, pero nakakapagtaka ang pagsusungit niya. May mga times namang nakakausap siya. Kapag lasing. Tumatawa siya. Yung tawang wala nang bukas. Madaldal kapag lasing. Puros mga karanasan niya. Puros kalokohan niya. Siya yung tipo ng tao na- tumutupad sa pangako. Kapag may hiniling ka sa kanya, wala siyang isasagot na response. Magugulat ka nalang--- nagawa na niya yung hinihiling mo." Napaisip ako. Kakaibang tao pala talaga si Rainku. Masyadong misteryoso. Parang maraming tinatago. Imposible namang wala siyang problema? Oo, siguro. Nasa kanya na lahat. Ang pera, itsura, kakisigan.. eh sa love kaya?
"Wala ba siyang love life?"
"Hmm?..." tumingin si Eito sa ceiling. Marahil ay nag-iisip. "Wala."
"Impossible!"
"Eh sa wala eh. Alam mo bang si dad ang diary ni kuya? At wala pang naikwento si kuya tungkol sa love or crush. Kahit nga ideal girl ay wala." Eh? Really? Nakakapagtaka naman yun?
"Seems legitimate!"
"You see! He's not a typical boy." Nahiga siya sa tabi ko. Nahiya naman ako kaya naupo nalang ako.
"How bout' your father?" Ngumiti siya.
"Otto-san! Si dad, ang pinaka cool na daddy sa lahat. He always visit me in private." Eh?
"In private?" Napatingin ako sakanya. Nahiga ulit ako ng sideways. Kanang body ko ang nakahiga habang nakatingin kay Eito.
"Nung naglayas si kuya ako ang naging spy ni dad kay kuya. Palihim kaming nagkikita ni dad. Haha! Parang abnormal nuh?" Umiling ako. Wala kasi akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasiaA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...