CHAPTER 8 : ALLYNA.

1.3K 33 0
                                    

 -+

 CHAPTER 8 : ALLYNA.

 NAKATULUGAN KO ANG PAGSUSULAT. Halos mapuno ang draft paper ko ng sulat na ginawa ko kagabi. Nakakabuwang ang pagiisip. Mahirap kasing kuhain ang panlasa ng mga magbabasa. At isa pa, unang beses ko lang ito gagawin kaya hindi ako sanay. Pero sabi naman ni Eito hindi naman kailangan madaliin ang lahat. Kailangan ko ring kumuha ng tamang tempo at mood. Siguro ay napressure lang ako ngayon. Lalo na't isang linggo nalang at papasok na ako ng St. Manuel.

 Naalala ko tuloy ang kabataan ko.

 KADA UMAGA SA AMING PAARALAN, naguumpisa ang lahat sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Matapos ang panunumpa at ang pag-awit ng iba pang awitin. Magsisimula na ang katarantaduhan sa aming klase. Si Krin na aking kaklase noon ay madalas mapahiran ng pulbos na chalk. Nakakatuwa ngat hindi siya nagagalit. Sa halip na magusok ang ilong at mag-init ang ulo, hinahabol nalang niya ang aming mga kaklase at kapag naabutay kinikiliti. Kakaibang lalaki talaga si Krin-----

 TEKA!? Bakit ko nga ba siya inaalala?

 ERASE ! ERASE !

 Dapat magfocus ako dito sa sinusulat ko.

 "Gdmtjagmtdgjmapmdagtndgpmmhpmagblahblahblah.." ang pangit! Nakakainis. Bakit ba kasi siya magaling sa pagsusulat? Nakakaingit naman. Samantalang ako walang katalent talent. Kaya nga nagCBA ako eh. (College of Business Administration.) Kasi ang hilig ko lang ay magingay at magbenta ng produkto. Hmp!!

 "Good Morning." EH?

 Napatayo ako sa sobrang gulat. Biglang sumulpot si Dad sa sofa at dumantay.

 "Go-od Morning Dad. Hehe."

 "Parang nakakita ka ng multo ah." Kasi bigla nalang sumusulpot. May pinto naman para kumatok.

 "Ah eh. Kasi Dad bigla nalang kayong nasulpot." Naglakad siya papunta sa harap ng sofa at naupo sa tabi ko.

 "Kelan ka pa naging magugulatin? Dati naman wala kalang imik kapag sumusulpot ako ng biglaan." Hah? Hindi naman kasi tao yung tunay niyong anak. Wala manlang emosyon.

 "Hehe. Ewan ko nga po Dad. Bigla nalang akong naging magugulatin lately." Palusot.com. Napakamot tuloy ako ng ulo.

 "Simula nung umuwi ka para kang bangag." Eh? Napadiretso ako ng tingin kay dad. "Anak, tapatin mo nga ako, nakadrugs ka ba?" Hah? A-ak-ako? Nakadroga?

 "D-dad?"

 Natawa siya. Yung tangang tawa lang. "Kidding aside. HAHAHA!! Yung mukha mo parang gulat na gulat ah. Matulog ka nga sa tamang oras. Ngarag na ngarag ka na." Ganto ba talaga kaabnoy Dad nila? Parang eng-eng lang.

 "HEHEHE!" Tawa nalang din ako.

 "Anyway, ahm... napadaan lang naman ako dahil sa librong ito." Inabot niya ang libro.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon