CHAPTER 3 : AS ONE.

1.7K 59 6
                                    

-*

CHAPTER 3 : AS ONE.

Mga ilang araw na rin ang lumipas. Narito pa rin ako. Pagala - gala sa ospital kung saan ako namatay. Wala pa ring sumusundo sa akin. Nakakainip din pala ang ganitong kalagayan. Hindi ka nakikita ng marami. Hindi ka nila nararamdaman. Wala silang pakielam sayo.

Iniisip kong lumabas sa ospital na ito. Pero parang hindi ko kakayanin. Parang may mga naghihintay sa akin sa labas.

Nasa likuran ko ang emergency room. Pinapanuod ko ang grupo ng mga nurse at doktor na tinatakbo ang isang pasyenteng naghihingalo.

"Raiku, you can make it kuya. I know you can." Nakakalungkot ang sitwayson ng batang kasama niya. Alalang - alala, nasa mukha niya ang takot na baka hindi na magising ang kasama niya.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Alam kong hindi na ko makakasagabal pa sakanila. Alam kong lalagpasan lang nila ako.

Tinatakbo nila ang pasyente. Nang dumaan sila sa akin. Mabigat ang naramdaman ko. Parang hinihila ako. Parang may kung anung materyal ang humihigop sa akin. May magnet sa katawan kong hinihila ako patungo sa isa pang magnet.

Napasama ako sa pagtakbo nila sa Emergency Room. Nananakit ang bawat parte ng katawan ko. Sumasanib ito sa katawang lupa ng taong naghihingalo. Nakikipag isa at katawan niya sa akin. Matapos nun ay parang nakulong ako sakanya.

Pinagkakaguluhan ako ng doktor. Natataranta at namumutla sila. Para bang ngarag na nagdadasal na sanay kayanin ko.

Ang dating pagkamanhid ay nawala. Puros pasakit at kirot ang nadarama ko. Ang sakit ng bawat latay sa katawan, ang sakit ng ulo, naduduwal ako. Hinuhugot ang tiyan ko pataas. Walang katapusang sakit ang nadarama ko hanggang sa makatulog ako.

-*

To be continued.

HI READERS? :D

Napipicture out niyo na po ba ang story?

Iniklian ko lang ang chapter nato para maging exciting. Sana nga maging. Hehe.

Salamat sa pagbabasa.

Sana magustuhan niyo .

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon