CHAPTER 2 : SOUL.

2.1K 68 0
                                    

-*

CHAPTER 2 : SOUL

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Masyadong maliwanag. Masakit sa mata. Wala akong makita.

Pumikit muli ako. Nang nawala na ang puting ilaw tyaka ako dumilat. Nasa ospital na ako. Suot - suot ko na ang hospital gown. Wala na rin ang sakit ng aking katawan. Wala ngang palatandaan ng mga sugat. Wala na ang mga dugo at parang naghilom na ang lahat.

Ilang araw ba akong natulog? Bakit parang nakarecover na ako? Nung maaksidente ako sobrang bigat eh. Pero ngayon ang gaan - gaan.

Tumayo ako sa higaan. Inikot ko ang kwarto ng ospital. Simple lang at puros puti ang kulay.

Inikot ko ang aking mata. Napansin kong puros dugo ang aking hinigaan. Natuyong mga dugo na namuo. Pinaghalong pula at may mga nangingitim ngitim.

Lumapit ako sa higaan. Parang ang higaan ang dumanas ng matinding sakit. Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang lalaking sa tingin koy nurse. Dahil sa kanyang suot. Dala - dala niya ang puting tela.

Lumapit siya sa kama. Natunugan kong papalitan na niya ang kubre dahil inaalis na niya ang kubre kamang may mantsa.

Gumilid muna ako. Ayokong makaistorbo ng trabaho.

Ang kaninang puting tela na hawak niya ang ipanalit. Malinis at maayos ang gawa niya. Parang sanay na sa gawaing iyon.

"Nurse, ilang araw na ako dito?" Ayokong makaistorbo. Pero nandun ang kagustuhan kong malaman ng tinagal ko rito. Nagintay ako ng sagot niya. Wala manlang siyang imik at patuloy na tinitiklop ang may mantsang kubre.

"Nurse?" Medyo nilakihan ko ang aking boses. Baka dahil sa focus sa gawain ay hindi niya ako narinig.

Wala ulit sagot. Nagdire-diretso siya sa paglabas ng kwarto at sinara ang pinto.

"Ang sungit naman nun." Umupo ako sa higaan at tinitigan ang pinto. Baka bumalik siya kasama ang doktor. Baka sakaling sabihin ng doctor ang kalagayan ko.

Nakakabagot. Kaya minabuti kong lumabas ng kwarto. Tahimik pa rin sa labas. Kahit na busy ang lahat ay tahimik pa rin.

"Grabe yung kinamatay nung pasyente sa room 200 noh?" Nagkwekwentuhan ang dalawa sa gilid. May kalakasan din naman kaya narinig ko ang usapan.

Hindi ko na pinansin. Nagdire-diretso ako sa paglalakad.

Napansin ko na naman ang lalaking kaninay sinungitan ako. Kausap niya ang doktor. Kaya lumapit ako. Baka yuon din ang doktor ko.

"Tinanggal ko na po ang kubreng may mantsa." Sabi ng nurse na nagsungit sa akin.

"Eh ang pasyente?"

Tinalikuran ko na sila. Hindi naman ako pinapansin.

"Yung pasyente po dun sa room 200, nailipat na po sa-" Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi. Hindi naman nila ko pinapansin kaya mas mabuting bumalik nalang ako sa kwarto ko.

Binalikan ko ang daang nilakaran ko kanina patungo sa dati kong kwarto. Hahawakan ko na sana ang door knob kaya lang napansin ko ang numerals na nakalagay.

"R0OM 200." Ay! Mali. Hindi ko ito kwarto.

Ito ang kwartong pinaguusapan ng lahat. Ang kwartong may namatay kani - kanina lang kaya imposibleng ako ang nagkakwarto rito.

Ang sinundang kwarto ng 200 marahil ang kwarto ko. Pinihit ko ang door knob. Pero sarado. Bakit kaya?

"Grabe! Nabalitaan mo yung katawan ng babaeng namatay sa 200?"

"Ay! Oo. Nakakapangilabot." Nagkukwentuhan ang dalawang babaeng papalapit sa akin.

Tumigil sila sa harapan ng pintuan na kinatatayuan ko. Naglakad ng onti at binuksan ang pinto.

Nagulat ako sa mga nasaksihan ko. Kumapal ang laman ko sa batok. Nanlambot akot nanghina.

Tumagos ang kamay ng babae sa katawan ko. Dinaanan lang ako ng isa pang babaeng kausap niya. Nanlamig ako. Parang gustong sumabog ng bawat kalamnan ko.

Ayokong isipin pero ... Hindi kaya, ako ang babaeng pinaguusapan nila sa ROOM 200? Namatay kaya ako sa aksidenteng nangyari? Ang pagsabog ng gasoline station. Ang pagkasunog ng kotse at balat ko.

Napaupo ako sa takot. Takot na.. Bakit ang aga ko nawala sa mundong ito?

Hindi ako maniniwala hanggat di ko pa nakikita ang katawan ko. Baka panaginip lang ito. Isang bangungot!

Ang katawan ko?

Napatayo ako. Dumiretso ako ng morgue. Hinanap ko ang katawan ko roon.

Mangingiyak - ngiyak ako sa nakita ko. Nakahiga sa harapan ko ang aking katawan. Ang katawan kong sinunog ng apoy. Ang kaputian ko at kinis ng balat ay nawala. Halos matunaw na ang kalamnan ko. Ang ulo kong halos wala nang buhok. Mukha kong hindi na maipinta ang ekspresyon. Nawala na. Ang kagandahan ng mukha ko. Ang mutyang iningatan ko. Ang babaeng nasa harapan koy di na kawangis ng dating ako.

Paano na ako nito? Hindi na ako makikita pa ni Krin. Hindi ko na masasabing pinapatawad ko na siya. Hindi ko na masasabing mahal na mahal ko pa rin siya. Wala na ang mga tagpong iyon. Ngayon, kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang. HINDI NA AKO MABUBUHAY PA SA MUNDONG ITO. Tapos na ang istorya ko. Tapos na ang maliligayang araw ng buhay ko bilang tao. Pupunta na ako ngayon sa mundong hindi ko pa napupuntahan. Ang sinasabi nilang mundo na wala nang katapusan.

Hihintayin ko na lamang ang puting ilaw na susundo sa akin. Ang puting ilaw na maghahatid sa akin patungo sa kabilang mundo. Pero paano kung ibang ilaw ang makita ko? Alam ko sa sarili kong nagpakabuti ako. Pero paano kung magloko si kamatayan at siya ang sumundo sa akin? Tatanggapin ko pa ba ang alok na iyon? Ang ibang pintuan ng buhay na puros pasakit? Na mas lalo akong mahihirapan at masasaktan.

Nilalakad ko ngayon ang kahabaan ng ospital. Nakikita ko ang bawat kaganapan. Ang hirap ng bawat pasyente. Ang pasakit ng bawat pamilyang mawawalan ng kamag-anak. Ang sakit na nararamdaman ng mga doktor sa tuwing mamamatay ang kanilang pasyente. Ang inis at kalungkutan. Wala namang taong nananatiling buhay. Tanging ang kamatayan lamang. Ang cycle ng buhay ay mananatili. Ako kaya, sino na ako kapag ipinanganak muli?

Sana kapag akoy pinanganak muli. Si Krin ang makatuluyan ko. Siya pa rin ang ibigin ko. Sana kapag pinanganak ulit ako. Hindi pa rin nababago ang dating ako.

-*

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon