CHAPTER 34 : FIFTH HEIR.

663 27 2
                                    

-+

CHAPTER 34 : FIFTH HEIR.

KUNG GANON, si Raiku ay isang babae na napunta sa katawan ko dati. Ibig sabihin nun hindi siya tunay na lalaki. Ang utak at emosyon niya ay babae. Katawan lang ang totoong lalaki. Kamay, paa, mata, ilong --- at pati ang labing NAHALIKAN KO?? OH CRAP! Ganun pa din! Parang humalik pa rin ako ng labi ng lalaki. Kadiri! Kadiri!

"Ryu?" Isang lalaki ang natawag sa TUNAY RAW, na pangalan ko. Pero hindi ko pinapansin.

Waahh! Nakakadiri ako. Nakahalik ako ng lalaki. Natulog ako sa tabi ng isang lalaki! Wahh!

"Ryu!!"

Anong dapat kong gawin? Kakalimutan ko nalang ba ang mga nangyari sa amin? Iisipin ko nalang ba na walang nangyari?

"Ryu!! LISTEN TO ME !!" Napahinto ako at unti-unting tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Nakaluhod kami sa harap ng isang maliit na mesa. Sa loob ng isang kwarto na may kasimplehan ang dating. Ang lalaki ay nakakimono at seryoso ang kanyang mukha.

"Oh?" Natakot ako sa kanyang mukha kaya yun lang ang nasabi ko. Kamukha niya ang lalaking nakikita ko sa salamin tuwing humaharap ako. Kamukha niya ang mukhang hiniram ko at patuloy kong ginagamit. Yun nga lang siya'y masungit. Sobrang sungit!

"Kanina pa ako daldal ng daldal hindi ka naman nakikinig. Ano bang dahilan ng pagtunganga mo?" May kalakihan ang kanyang boses. Purong hapones siya pero diretso ang kanyang dila sa lengwaheng tagalog.

"May sinasabi ka ho ba kanina?" Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi. Unti-unti siyang tumayo at kinuha ang malaking samurai na nakalagay sa bibig ng isang dragon.

"Makikinig ka na ba sa akin ngayon?" Ang talim ng samurai ay nakatusok sa lamesita. Umupo si ulit at sinaksak ang samurai sa mesang nasa gitna. Makinang ito at matalim. Ang hawakan ay may pulang telang nakatali.

"O--opo." Hindi maalis ang tingin ko sa samurai. Ang talim ay nakatingin sa akin. At sa isang iglap ay maaaring hatakin ito ng lalaki at isaksak sa akin ang kahabaan nito. O baka naman pugutan niya ako ng ulo.

"Ryu, ang pagiging pilyo mo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng disgrasya sa ating pamilya. Tatlong buwan na ang nakalilipas, sa araw ng iyong kasal! Anung nangyari at bakit ka umalis?" Ha-hah? Ako kinasal? Kailan?

Teka?? Hmm....

Tatlong buwan?

Tatlong buwan na rin akong nasa katawan na ito. Kung ganun, noong araw ng kasal ako napadpad sa katawan na ito. Kaya pala parang natatandaan ko ang kwarto na ito. Ito ang bahay kung saan ako tumakas 12 linggo na ang nakakalipas.

"Ano kase....???" Kumunot na naman ang kanyang noo at hinatak ang samurai na nakasaksak sa gitna ng mesa.

"Ano na namang palusot ang gagawin mo Ryunji?" Tinutok ni sa aking ilong ang talim ng samurai. Ang mga mata ko'y nanlaki at di ko maialis ang aking tingin sa talim nito.

"Simula ngayon, hindi ka na makakalabas ng bahay. Ang kasal ay isasaayos ko na isang linggo mula ngayon." Hah? Agad-agad? Ikakasal? P-pero?

"Bakit ang bilis?" Nilapit niya pa ng konti ang samurai. Kaya napaatras ako pahiga.

"Kung ayaw mong mamatay ng maaga ang angkan natin, magpapakasal ka!" Eh? Pake ko sa angkan mo? Hindi nga kita kilala!! Idadamay niyo pa ako sa problema ng angkan niyo.

"Eh-- ano?" Napahiga na ako ng inilapit niya pa ang talim sa aking mukha.

"Susunod ka sa akin o-" waaahh! Oh crap! No choice.

"Susunod na ho." Gumilid ako ng kaunti para maiwas sa akin ang talim ng samurai. Ibinalik niya ang samurai sa bibig ng marmol na dragon. Kulay blue ito at nakataas ang mga pakpak na parang sa tenga ng cobrang nanggagalit. Ito rin ang tatak ng pamilya. Ang mga tauhan ng bahay na ito ay may kanya-kanyang samurai at may mga nakataling tela na may burdang dragon. Nakakatakot! Ang hahaba. Sana turuan din ako humawak niya para masaksak ko ang mga tagabantay ko. Mga hayop eh. Lagi nalang nasa likod ko. Ang init-init ng panahon mga naka-silk na kimono mukhang tanga.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon