CHAPTER 42 PART TWO : EXCHANGE.

643 21 3
                                    

-+

CHAPTER 42, PART TWO : EXCHANGE.

ANG INIT. Ang dilim ng paligid. Kahit na nakadilat na ako madilim pa rin. Nararamdaman kong nasa isa akong maliit na box. Ang hirap kumilos at di ako makahinga. Parang sinasakal ako.

Kinapa-kapa ko ang paligid. Masikip at malambot ang paligid. Hirap na hirap na talaga ko. Mamamatay na yata ako dahil sa hirap kong makahinga.

Hilong-hilo na ako nang biglang nagkaroon ng liwanag. Hinahabol ko ang aking hininga at unti-unti kong naaninag ang lalaking nakatayo sa aking harap.

"Hello Allyna?" Nakangiti siya sa akin at may hawak na piko at pala sa magkabilang kamay.

"Mr. Sy?" Yun nalang ang huli kong nasabi at tuluyan nang nawalan ng malay.

Wala akong malay pero nararamdaman kong may bumuhat sa aking katawan. Naglalakad yata siya hanggang sa ihiga niya ako sa kung saan. Tuluyan nang nawala ang aking diwa at nang nagising ako'y nabulaga ako sa aking mga nakita.

Ang kwarto ay nababalot ng puting pintura. Ang ceiling na walang ibang laman kundi mga ilaw. Nang umikot ako'y napansin kong nakahiga pala ako sa isang king sized bed na puting-puti din. Nasa langit na yata ako. Puro puti nalang kasi ang aking nakikita. Ang mga upuan at circular table na kasing taas ng higaan. Pati mga curtains at floor dressing ay puti. Ganito na pala kasosyal sa langit. Kumpleto ang mga gamit.

Nang sumilip ako sa bintana napansin ko ang isang pamilyar ng lugar. Ang harap ng kwarto ay ang building St. Manuel. Paano ko napunta dito?

Bumilik ako sa pagkakaupo sa higaan at nagcrossed arms. Iniisip ko kung paano ako napadpad sa bahay na ito. Nang mahawakan ng aking kamay ang aking dibdib. Nabigla ako. How come na nagkaroon ng boobs ang isang lalaking katulad ko? at bakit skirt ang suot ko. Whats this?

Tinaas ko ang aking damit at humarap sa salamin. Napatakip ako ng mata sa nakikita ko. I have my boobs back and my girly, cute and sexy body! Awesome! Babae na ulit ako!

"Whooooooooooohhhhhh!!!!" Nagtatalon ako sa tuwa habang masayang pinagmamasdan ang nude body ko. Namiss ko to! Naihagis ko ang aking damit palayo na parang isang cow girl. Yeah! Napatalon ako sa kama at gumapang na parang bulate. Yey! Im happy!

Saktong pagtayo ko naman biglang may pumasok na lalaki sa kwarto at pareho kaming nagulat. Napanganga siya at nanlaki ang mga mata. Para siyang nakadrugs na naglalaway. Napahinto sa pagpasok sa kwarto. Nakatingin siya sa aking boobs kaya napatalon ako sa aking higaan at nagtago sa kumot. Waaah!! Bakit ko ba kasi naisipang maghubad? Nakakahiya!

Napatigil ako sa nang bigla kong naalala ang mukha nung lalaki. Kung di ako nagkakamali, Si Krin ang lalaking yun. B-bakit siya nandito? Hindi kaya bahay niya ito?

Tinanggal ko ang kumot sa aking mukha at laking gulat ko nang nasa tabi ko na pala siya.

"Tama nga ako. Your Allyna!" Lumaki ang ngiti niya at hinawakan ang aking buhok. Pinangsuklay ang kanyang kamay at mas lalong napangiti.

Oh shot! Paano ba ako makakaalis dito? I dont want to talk to him right now. Wala ako sa mood.

"Oh hi?" Ngumiti ako at nagtalukbong ulit. Where the heck is my phone? I want to call Marcaux. I need him now!

Pero t-teka!

Kung ako nakabalik na sa dati kong katawan.. siya rin kaya?

Tinanggal ko ulit ang kumot sa aking mukha at nginitian si Krin. Nagtataka siya sa mga kinikilos ko at parang di mapakali. Natatae ba siya?

"C-can I have your phone in a minute? P...pleaaasse.." Nagpuppy eyes ako. Assuming na gagana iyon sakanya. "And please, pakiabot yung damit ko."

Tumingin siya sa floor kung nasaan ang aking damit at tumingin ulit sa akin ng may pagtataka. Inabot niya sa akin ang phone niya at isa-isang pinulot ang damit ko.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon