-+
CHAPTER 46 : PISSED!
KANINA PA AKO KINUKULIT NI RAIKU. Pasaway talaga siya. Paulit-ulit ang tanong niya kung pwede daw na siya nalang ang magpangalan sa baby namin. Nakakabobo. Ewan ko ba. Pana'y din naman ang sabi ko nang oo. Tas maya-maya mangungulit na naman siya. Kung anu-ano kasing mga pangalan ang sinasabi eh.
"Raiku, PEDRING NALANG KAYA!!! Ang gulo mo ehh. Paukit-ulit. Hindi pa nga natin alam kung lalaki o babae to eh. Hayaan mo mamaya kakausapin ko yung fetus mong anak." Sa sobrang inis ko nasigawan ko na siya. Kasi naman kailangan bang ipagpilitan sa akin na dapat lalaki to? Malay ko ba. Gusto ko babae eh. Lalaki? Magulo yun eh. Sigurado akong kapag lalaki magmamana sa katigasan ng ulo nitong si Raiku. Kapag babae, sure na sure akong makukuha niya kagandahan ko. Cute yun!!
Pero habang tumatagal. Parang napapansin kong sumusungit ako. Ewan ko kung bakit pero kapag nakikita ko mukha ni Raiku naaalibadbaran ako. Yung tipong gusto ko siyang sunugin ng buhay. Naiinis na ako bigla sa presence niya. Sa mukha niya, kahit sa boses niya. Wala pa siyang ginagawa parang sasabog na ako. Nung nakaraang araw nga pinalayas ko siya ng bahay eh. Pinagimpake ko.
"ANG PANGET MOOH!! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO! Wag ka munang umuwi ng bahay pwede ba? Dalhin mo gamit mo. WAG KA MUNANG MAGPAKITA! Naiimbyerna ko sa mukha mo." Kinuha ko yung gamit niya sa walk-in closet at hinagis sa maleta. Siya naman patuloy lang sa pagbalik ng mga gamit niya sa hanger.
"WAG KANG LUMAPIT SA AKIN! Ang baho ng pabango mo." Sa sobrang pagkaalibadbad ko sinarhan ko siya sa walk-in closet. Buraot! Ano ba namang mukha ang meron siya. Pati pabango. Dati gustong-gusto ko amoy niya..ewan ko bakit ganito ko ngayon.
"Loves naman. Ano bang problema mo?" Kumulo ang dugo ko nang nagsalita siya. Nakakagigil.
"Hindi ko rin alam. Basta pwede ba! Wag kang maingay. Nakakaalibadbad." Nang nanahimik siya para bang gumaan ang pakiramdam ko. Kaya lang parang nakakawawa ko naman yata si Raiku. Ehh kasi. Buraot talaga siya. Mukha siyang unggoy sa paningin ko.
Sinimulaan ko nang idial ang number ni Kent at nung nagring agad niya naman itong sinagot. "Kent... favor naman." Nakatitig lang ako sa pinto ng walk-in closet habang nakatakip ang ilong. Naaamoy ko kasi pabango ni Raiku eh.
"Ano yun Allyna?" Alam na rin ni Domino at Kent na normal na ang lahat sa amin ni Raiku. Na nakabalik na kami sa dating katawan at may baby na kami. Tuwang-tuwa nga sila eh. Akala mo sila yung ama ng pinagbubuntis ko. Jusko naman kasi. Kahit naman anong gawin nila di sila makakabuo. Pareho silang lalaki eh. Kahit dasalan pa nila lahat ng santo.
"Please paki-kidnap na muna si Raiku. Please lang. Naiinis kasi ako sakanya. Sa buong pagkatao niya." Natawa naman si Kent sa sinabi ko. Maging si Domino ay narinig kong humahalakhak. Anong problema nitong dalawang to? Naglalandian na naman siguro.
"Bakit ka naman naiinis sakanya?...Dom, teka lang may kausap ako sa phone..HAHAHA..Time first!" Sabi na ehh! Naglalandian na naman tong dalawa. Mukang nakaistorbo pa ako. Walangya naman kasi. Bakit kapag tumatawag ako sakanila lagi nalang naghahagikgikan? Laging nagjajack en poy ang dalawang mokong.
"Ewan ko. Mainitin ang ulo ko pagdating sakanya. Kapag nakikita ko siya umiinit dugo ko, sa amoy niya, sa lahat!" Napansin kong nanahimik silang dalawa sa kabilang linya. Malamang ay tumigil na sa paghaharutan.
"Ken-ken, sabihin mo kay Allyna...naglilihi lang siya kaya ganun." Narinig ko ang boses ni Domino sa di kalayuan. Naglillihi? Talaga? Ganun ba yun? Akala ko kasi sa pagkain lang pupwedeng maglihi ang isang buntis. Pati rin pala sa tao.
"Ohh.. narinig mo yun. Natural lang na maburaot ka sa kanya. Allyna, masanay ka na. Tyaka try mong ipaunawa kay Raiku yung nangyayari sayo. Baka mamiss-interpret niya at pagsimulan pa ng away niyo." May point si Kent. Sa totoo lang naaawa nga ko kay Raiku. Kahit na baliw-baliwan ako ngayon nagagawa niya pa rin akong intindihin.
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasyA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...
