-+
CHAPTER 37 : FIRST AND LAST
KAHIT NA PINIGILAN AKO ni Raiku na gawin ito, itutuloy ko pa rin ito. Para sakanya naman ito. Para din sa ikagiginhawa ng aming buhay.
"Flowers for you." Nginitian ako ni Camille at pinaupo ako sa sofa kaharap niya. Napansin ko ang kakaiba niyang ngiti. Umaabot ng tenga ang labi. Maging ang kanyang magulang ay nagulat sa aking pagbisita pero tuwang-tuwa sa akin. Akala nila nililigawan ko ang kanilang anak. Inaasahan nilang papakasalan ko ang kanilang anak. Inaasahan nilang magkakaanak kami ni Camille at mamumuhay ng masaya? Sinong abnormal ang maloloko nila? Kahit pa maganda ang kanilang anak hinding-hindi ko mamahalin yan.
"Napabisita ka yata?" Napansin kong nagsialisan ang magulang ni Camille sa gilid namin. Maging ang mga bantay niya ay nawala na rin.
Nginitian ko siya. Kunwari'y masayang-masaya ako.
"Naisip ko kasi-- Ang pangit naman kung diretso kasal na tayo. Mas maganda siguro kung gagawin natin sa pormal na paraan." Napansin kong kinilig si Camille. Panimula pa lang to. Wala pa yan sa totoong pakay ko. Kailangan pala ng matitinding diskartihan dito? Hindi pa naman ako magaling mambola. Lalo na at wala pakong karanasan sa mga malalanding babae.
"Eh paano yung boyfriend mo?" Pagtatanong niya habang nakatingin sa bulaklak. Mahilig talaga siyang maglaro ng bulaklak. Kinakawawa niya at kinakalbo. Ang mahal pa naman niyan! Paglalaruan niya lang?! Psh! Kung si Raiku lang ang binigyan ko niyan malamang tuwang-tuwa na ako sa sobrang halik niya sa akin.
Nagulat ako sa tanong niya.
"Eh-ano.. matagal na kaming nagbreak.. ano..kasi" Marcaux, breathe in- breathe out!! kaya ko to!
"Camille, gusto rin namang bumuo ng normal na pamilya." Tumigil siya sa paglalaro ng mga bulaklak at humarap sa akin.
"Really?" May pagaalinlangan sa kanyang mukha. Hindi ko inakalang mahirap pala ito. Akala ko madaling paniwalain ang babaeng to. Hindi pala. Tumabi ako sakanya at hinawakan ang kanyang kamay. Kinikilabutan ako sa totoo lang!
"Hmm.." Um-Oo ako sakanya at ngumiti.
"Gaya ng sabi ko noon, ayoko ng bading." Lintik na to ah! Pasalamat ka at mabait pa ako sayo ngayon. Kunwari'y natawa ako sa sinabi niya. Ngumiti ako at tinignan siya diretso sa aking mata.
"Gusto mo subukan mo pa ko eh." Binitiwan ko ang kanyang kamay at in-unbotton ang ang dalawang butones ng polo ko. Nagulat naman siya. Pero di niya maialis ang kanyang tingin sa dibdib ko. Napalunok siya at unti-unti nang dumulas ang bouquet sakanyang kamay hanggang sa tuluyan na itong nalaglag sa lapag. Sabi na nga ba! May kalandian din ang babaeng to. Alam ko na ang kanyang kahinaan.
Nang inilapit ko ang aking mukha sakanya parang naalimpungatan siya. Tumingin siya sa lapag at agad na kinuha ang bulaklak na nalaglag. Di mapakali sa kanyang kinauupuan at parang may bulate sa tiyan. Lumipat siya sa sofa sa harap ko at doon naupo.
"Ano-eh- gusto mo nang drink o kaya ano-- kahit anung gusto mo?" Natataranta siya.
"Kukuha lang ako hah." Kahit na hindi pa ako nakakasagot kung anong gusto ko umalis na agad siya.
"Hala ka! Nabuang na siya." Hahahaha! Nakuha ko na ang kahinaan niya. Yun lang pala ang hanap niya. Ang katawan ko. Madali nalang pala itong trabahuhin.
Habang wala pa siya ay inikot ko muna ang paligid. May mga larawan ito ng pamilya nila. At bandang ibaba ay may isang malaking isda. Sa bibig nito nakalagay ang pinangangalagaan samurai ng kanilang pamilya. Napansin ko na puros pekeng bulaklak ang nakalagay.
"Tama pala ang sabi ng iyong ama." Napalingon ako ng may biglang nagsalita. Ang ama ni Camille. Ang 3rd Successor ng kanyang pamilya. May kalakihan siya pati ang kanyang boses. Nakasuot siya ng kimono at nakapuso ang kanyang buhok.
"Magandang Tanghali po." Nginitian ko siya at nagbow.
"Tamang-tama pala na ikaw ang napili ko para sa aking anak." Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Pero, anak, isang tip lang.. wag na wag mo siyang bibigyan ng tunay na bulaklak. Kakalbuhin niya lang. Naging manerism niya ang pagkalbo sa mga bulaklak. Kaya nga puros peke ang nandito sa bahay. Sa pagkain naman, may allergies siya sa seafoods." Seafoods pala ah.
"Salamat po." Nakipagshake hands sa akin ang Dad niya. Sakto naman na pagdating niya dala-dala ang dalawang baso na may lamang inumin.
"Maiwan ko na muna kayo." Nagbow ako sa Dad ni Camille at naupo na ulit sa tabi nito.
Nanibago ako sa mga kinikilos ni Camille. Parang nawala ang kanyang hiya at nagdididikit na sa akin. Wala akong ibang ginawa kung di ang kwentuhan siya ng mga kalokohan. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa dumating na ang hapon. Pagod na rin ang ngala-ngala ko kaya naisipan kong baka pupwede na akong umuwi.
"Ah- Camille," humarap siya sa akin ng may di matawarang ngiti sakanyang mukha. Para bang may nangyari sakanya na ikinagalak niya.
"Pupwede ba tayong lumabas bukas?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at nataranta na naman.
"S-sige." Di na naman matawaran ang galak sa mukha niya. Pero nung sasabihin ko nang kinakailangan ko nang umalis ay nalungkot siya. Nawalan ng sigla ang kanyang mukha habang nagpapaalam ako sakanya. Nagpaalam na rin ako sakanyang magulang na ilalabas ko siya bukas.
Napaaga ang plano ko. Nakaset na ang mga bagay na mangyayari para bukas. Lumabas ako ng kanilang bahay ay dumiretso pauwi. Nakapagpareserve na ako ng table sa isang restaurant. Nakapagpareserve na rin ako ng kwarto sa isang hotel.
ALA-UNA NG HAPON KINABUKASAN. Hinanda ko na ang mga gagamitin ko para sa mga mangyayari mamaya. Pumunta na rin ako sa hotel na uuwian namin mamaya. Pumasok ako sa isa sa mga C.R doon. Pasimple kong inalam ang kung may CCTV Camera doon. Nang malaman kong wala ay pumasok ako sa pinakahuling cubicle. Tinanggal ko ang takip ng flush at doon itinago ang kutsilyo at baril na binigay sa akin ni Dad. Matapos kong ayusin ang mga mangyayari mamaya sa hotel ay naghanap ako ng gamot na pangpatulog.
ALAS-SAIS NG GABI, sinundo ko si Camille gamit ang sasakyan ni Dad. Im wearing a pink longsleeves and white coat. Habang si Camille naman ay nakasemiformal. She looks gorgeous in her attire.
Tama yan ..
Para mamamatay siya ng maganda.
I texted Dad .
Here we go Dad.
Ang huling gabi niya.
And I put a big smiley face at the end of the text.
-+
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantastikA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...
