-+
CHAPTER 29 : MY BESTFRIEND.
WHAT A PLEASANT MORNING! Nakabalik na ako sa aking katawan. Naibalik na rin ang lahat sa dati. Si Marcaux, simula noong makabalik siya sa kanyang katawan, natuto na siyang ngumiti. Natuto na siyang kausapin ang mga tao sakanyang paligid. Pwera lang sa pagiging masungit at moody niya. Habang si Kent at Domino naman. Parang nabago ang lahat sa kanila.
TODAY IS SATURDAY. Time to relax and have fun. Ang araw kung saan matatahimik ang buong St. Manuel. Ang araw ng paglabas ng mga estudyante. Marcaux and I decided to sleep in my Dad's house. I mean, his real father's house. Hindi pa rin alam ni Dad ang status ng relasyon ni Marcaux, ang tunay naming status. Ang alam lang niya, magkaibigan kami. Haha! Kaibigang nagawa pa akong pagdiskitahan. He even raped me. What a friend! But then, I love this freak. Napansin kong dumedepende nalang ako lagi sakanya. Gusto ko na lagi ko siyang kasama. Lagi ko nalang nakikita. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang laki ng pinagbago ko. Mas lalo tuloy akong natatakot na baka isang araw, maisip nalang niyang iwan ako.
Simula nang sabihin ko kay Marcaux na hindi ko siya sasagutin hanggat hindi nagkakatuluyan sina Kent at Domino, napapansin kong lagi siyang wala. Nadadatnan ko nalang laging nagtatago sa kung saan. Katulad nung nakaraan Lunes. Gumising ako nang maaga dahil ang sabi niya ay tutulungan niya akong gumawa ng aking compilation para sa grading project namin pero wala naman siya sa kwarto nang umagang yun. Naabutan ko siya doon sa may canteen. Nagtatago at pasimpleng nakatingin kanila Kent. Ang tsismoso! Nakikinig sa usapan ng iba.
"Hoy! Anung ginagawa mo diyan." Ginulat ko si Marcaux. Nasa likod siya nila Kent at Domino. Isang table ang pagitan at pasimpleng nakikinig.
"Psh. Wag kang maingay." Hinatak niya ako agad paupo. Tinakpan niya ang aking bibig at pinagpatuloy ang pakikinig sa dalawa.
"Kent, you know how much I care for you and you know much I trusted you since we're kids. Hindi ko alam noon na kakaiba na pala ang nararamdaman ko sayo. Akala ko pakiramdam lang ng isang kaibigan. Im sorry." Nakasilip kami ni Marcaux mula sa likod ng dalawa. Hawak ni Domino ang kamay ni Kent. Pinipindot-pindot niya ito nagsasalita.
"Wag kang malikot." Bulong ko kay Marcaux. Ang likot kasi ng mga kamay. Parang tanga lang! Kapag kami nahuli dito. Psh!
"You dont have to say sorry. Wala rin naman akong kaalam-alam na may nararamdaman ka na pala---" pinigil ni Domino ng kanyang hintuturo ang pagsasalita ni Kent.
"Ssshh! Kent, alam mo naman na hindi rin pupwede. You know my Dad. Kent, ikakasal na ako after I graduate." Naihilamos ni Kent ang kanyang kamay.
"Domino, do you love her?" Makikita sa mga mata ni Kent ang pagkalungkot.
"No. But Dad won't let me love someone else." Sinandal ni Domino ang kanyang ulo sa balikat ni Kent. I hear them crying.
"Domino, ngayon pa ba kung kailan nagugustuhan na kita." Hinahaplos ni Kent ang ulo ni Domino. Kinocomfort niya ito para tumigil na sa pagluha.
"Hoy! Marcaux, ang likot mo. Kinikilig ka ata eh." Parang eng-eng naman to. Nakakainis! Di ko tuloy sila marinig ng malinaw.
"Stop crying. Kung tayo in the end, destiny will let us meet." Yumakap si Kent kay Domino. Ayie! Ang sweet. Uwaahh! Kinikilig ako.
Napansin kong tumayo na sina Kent. Kaya nagmadali akong hatakin si Marcaux. Kaso tumama ang kanyang tuhod sa mesa kaya nagkaroon ng ingay. Dahilan para mapansin kami ng dalawa.
Hinatak ko si Marcaux payuko at nagpretend na may hinahanap. "Nakita mo na? Nandyan lang yun!" Sinigaw ko para marinig nila Domino na busy kami.
"Ano ba hinahanap natin?" Nakayuko lang si Marcaux at nagtatakang nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3668367-288-k427232.jpg)
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
Viễn tưởngA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...