-+
CHAPTER 20 : THE TRUTH ABOUT DARE.
PAPASOK NA SANA KAMI NI MARCAUX SA KWARTO. Kaso napansin kong papalapit sa amin si Kent. Gegewang-gewang papunta sa kinatatayuan namin. Napahinto si Marcaux at tumingin sa akin na parang natatawa. Ano ba kasing trip nito ni Kent? Bakit parang lasing siyang maglakad?
"Rain, tawag ka ni.... ni ano," Amoy alak si Kent. Natatawa habang nagsasalita at kumakamot ng ulo. "Ni....sino nga ba yun?" Tumuro siya sa malayo. "Si...ayun! Si Domino. Tawag ka. Samahan mo daw kami magenjoy. Lasing na talaga ko. Nakakalimutan ko na pangalan nila eh." Nag-iinuman sila? Pwede ba yun sa loob ng campus?
"Eh, Kent, di ako nainom." Nauna nang pumasok si Marcaux. "Pleash!" Lumuhod si Kent. "Hala! Tumayo ka nga diyan." Hinawakan ko siya sa braso at itinayo. Napilitan tuloy akong sumama sa kanya. Dumiretso kami sa room ni Kent at Yvan.
Pagkapasok sa kwarto. Naabutan ko ang buong grupo na nagtatawanan habang sumasayaw si Marion sa gitna. Napapaikutan siya ng mga mokong. Nandito rin si Kuya Quantum. Ang SSG PRESIDENT. "Pwede bang mag-inuman dito sa loob ng school?" Tanong ko kay Kent habang nakatayo kami at tawa ng tawa. "Oo naman. Basta wag lang gagawa ng gulo. Nagpapaalam naman si Boss P. Q kay Sir. Sy eh. Boss P. Q ang tawag nila kay Kuya Quantum. Niyaya kami ni Yvan umupo. Pinatabi nila ako kay Domino. Napapagitnaan ako ni Yvan at Domino. Nakaindian seat kami, gumawa ng bilog at napapagitnaan ang isang bote na babasagin. Kapag natapat ang bote sayo pipili ka kung left o right. Ang katabi mo ang pipili kung ang gagawin mo. Either truth or consequence. O kaya naman, isang shot na di ko kilalang alcohol. Pinaikot ni Marion ang bote dahil siya ang huling gumawa ng dare.
Umiikot ang bote sa gitna namin. Mabilis, hanggang sa pabagal ng pabagal.... umikot kay Kuya Quantum, Yvan, sa akin at ---- huminto kay Domino. Nagpalakpakan ang lahat. Habang sumigaw naman si Marion ng "HAHA! LAGOT KA! ALAM NA ANG MANGYAYARI." Anong mangyayari? Tyaka teka.. napapansin ko tong si Marion na makulit ngayon. Madaldal at tawa ng tawa. Samantalang dati naman, tahimik lang. Pangiti-ngiti. Pero ngayon... siya bato? Kabaliktaran kasi eh. Iba talaga ang nagagawa ng alak oh.
"Left or Right?" Tanong ni Yhan. "Eh," nagaalangan si Domino sumagot. "Right." Ang nasa kanan niya ay si Xand. "Good Choice." Sigaw ni Xand. Tatawa-tawa itong sinasabi ang Dare. "Dom, oh, sabihin mo na kay Rain ang dapat mo nang sabihin." Eh? Anung dapat sabihin? Nalilito na ako ah.
Nanahimik ang lahat. Si Domino ay humarap sa akin. Namumula na ang kanyang mukha sa sobrang pagkalasing. "Rain?" Naging seryoso ang mukha ni Domino. "Ano," pumikit si Domino at patuloy na nagsalita. "I like you so much Rain." Nakapikit pa rin siya at nakatitig ang iba sa akin hinihintay ang reaksyon ko.
I like you so much Rain.
I like you so much Rain.
I like you so much Rain.
Paulit-ulit ang boses niya sa utak ko. Nagbubuffer kasi ito. Parang huminto ang lahat. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Domino. "Not as a friend." Pagtutuloy niya at unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya.
"Inom nalang! Inom nalang!" Binigyan ako ni Xand ng Alcohol na nasa Shot glass na may katangkaran. Tinungga ko ang baso at nilunok agad ang laman. Oh my! Gumuguhit! Masakit at parang hinahati ang pharynx ko. May pagkamapait na matamis ang lasa. Ganito ba talaga ang lasa nito? Buti natitiis nilang uminom ng ganitong klaseng inumin. Bukod sa mapakla. Ambaho pa! Ang sakit sa ilong jusme! "Ayos ka lang Rain?" Tanong ni Xand. Nagnod ako. Medyo nanghina ako dun ah. Ngayon lang kasi ako nakatikim ng alcohol. "Rain?" Tumingin naman ako kay Domino. "Ang tapang ng iniinom niyo." Ngumiti ako kay Domino. Yung mga ngiting parang walang nangyari kanina. "Rain, totoo yung mga sinabi ko kanina." Natulala ako. Ano ba naman to? Matapos si Marcaux.. ikaw naman hah Domino? Pinaglalaruan niyo ba ako? "Pass! Hindi na kaya lasing na ako." Biglang sumigaw si Marion at umurong palayo. Tinangihan niya ang inaalok na basong may lamang alcohol. Parang bangag na si Marion. Malakas na talaga ang tama niya. Sumandal siya sa dingding at pumikit. Tumingin muli ako kay Domino. "Lasing ka lang." Inipit ko ng dalawang daliri ang kanyang ilong at inikot ang tingin. Mga nakatungo na sila ang iba'y naghihilik na. "Rain, lasing man ako o hindi iisa lang ang sasabihin ko sayo. Gusto kita.." tumayo na ako. Hindi na magandang joke to ah. "Hindi pwede Domino." Sinubukan ding tumayo ni Domino pero hindi na niya kaya ang katawan niya. "Wala kong pake! Gusto kita. Hindi ko nga alam kung bakit nagagandahan ako sayo eh. I just can't resist your charm." Tumalikod na ako at hindi pinansin si Domino. Joke lang to! Joke lang. Naglalaro lang siya. Alam kong naglalaro lang. Habang naglalakad ako papunta sa aking kwarto. Hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ni Domino kani-kanina lang. Ano bang mayroon sa akin? Bakit nagkakaganyan ang mga lalaking nakapaligid sa akin? Alam ba nilang babae ako? O sadyang nagiba lang talaga ang mga taste ng mga kalalakihan ngayon?
Hawak ko na ang door knob ng aking kwarto. Papasok na sana ako sa loob, natigilan ako ng biglang hinatak ni Domino ang kamay ko. "Rain, sandali lang." Saktong pagharap ko, bigla nalang akong hinalikan ni Domino.
"Boogsh!" Biglang bumagsak sa sahig si Domino at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya sinuntok ni Marcaux.
"Bakit mo ginawa yun?" Lumuhod ako para tignan kung gising pa si Domino. "Eh bigla ka nalang hinahalikan eh." Sinimangutan ko siya. "Tsk! Kapag bigla mo ba akong hinahalikan sinusuntok ba kita?" Tinignan ko siya ng masama. Pumasok siya ng kwarto ng padabog. Aba walangya! Habang si Domino naman wala pa ring malay. "Hoy Marcaux! Tulungan mo ako." Binuksan ni Marcaux ang pinto. Tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Kinaladkad niya ang katawan ni Domino papasok ng kwarto at padabog na sinarahan ako ng pinto. "Ang walangya! Hoy! Paano ko?" Katok ako ng katok pero hindi niya pa rin binubuksan. "Hoy!" Nakatayo akong sumandal sa pinto sakto namang binuksan ito ni Marcaux. Kaya naout of balance ako at natumba sa sahig. "Pasok na!" Galit ba siya sa akin? Pinabayaan lang niyang ganun ang posisyon ko. Hindi manlang ako tinulungang tumayo at dumiretso na sa kwarto. Walangya talaga.
Unti-unti akong tumayo. Parang nabugbog ang likod ko sa sakit. Ang walang malay na si Domino naman ay nasa sofa. Namumula ang kanang pisngi. Ang parting nasuntok ni Marcaux. Tsk! Ano bang problema nun? Bigla nalang nagsungit. Nagseselos ba siya? Ang drama ah. "Ikaw naman kasi bakit mo ako hinalikan bigla?" Kinakausap ko si Domino kahit na walang malay. Pinupunasan ko ng basang towel ang kanyang namumulang pisngi. Sana huwag magpasa. Baka mapatay si Marcaux nila Yvan. Lalo na si Kuya Quantum.
"Oh great!" Matutulog na sana ako. Kaso nilock ni Marcaux ang pinto ng kwarto. Paano ako makakatulog ng maayos? Sa sofa? Nakaupo? Tsk! Tsk! Nakakainis ka Marcaux! May Bipolar ka talaga. BALIW!!! "Nakakainis talaga kayong mga lalaki. Mga walangya!"
NGAYONG GABI, magtatyaga akong matulog ng nakaupo sa sofa. Oh great!!
-+
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasyA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...