CHAPTER 42 : EXCHANGE.

559 23 1
                                    

-+

CHAPTER 42 : EXCHANGE.

ANG SAKIT NG ULO KO. Parang inipit ng isang malaking bato. Ang init din ng katawan ko. Sinisilaban ata ako ng apoy. Napadami ang inom ko kagabi.

Ang naaalala ko lang ay naglaro kami kagabi ng truth or dare. Pero bago mo sagutin ang tanong kinakailangan mo munang istraight shot ang liquor at magtatanggal ng isang damit.

Inubos ko ang laman ng basong nasa harapan ko. Pagkatapos ay tinanggal ang aking shirt. Ang shirt nalang kasi at boxers kasama ang undies ang natitira sa akin.

"Truth or Dare?" Nang mga oras na yun marami-rami na rin akong nainom. Nakalimang shot na ako ng matamang na alak. Mabuti nga at may boxers pa ako. Samantalang si Kent, undies nalang. Si Domino naman unan nalang ang tanging nakatakip. Si Raiku naman ay Shirt nalang. Walang boxer o undies. Syempre hindi ko pinayagang sumali ang kapatid ko. Baka bumangon kasi si Dad at patayin ako sa takot kapag pinagstrip ko si Keito. Pinatulog ko siya ng maaga at ginamit namin ang guest room.

"Dare!" Sinigaw ko ang aking sagot. Sobrang lasing na talaga ko. Nahihilo. Hindi ko na alam kung tama ba ang aking pinagagawa. Basta ang alam ko, I want to end up all this.

"Ok! Here's your consequence--" Napahinto sa pagsasalita si Kent at nagisip. Namumula na ang kanyang balat at pagewang-gewang na rin siya sa aking harap. Nakasandal siya sa dibdib ni Domino habang yakap-yakap niya ito.

"Sayawan mo ng sexy dance si Rain. Haha! Tama! Sayawan mo siya." Inunahan ni Domino si Kent. Matindi pala malasing si Domino. Tawa ito ng tawa kahit na walang dahilan. Si Kent naman ay parang clown at may pagka-aggresive. Sinasapian ng pagkaharot.

Tumayo ako at humarap kay Raiku. Bangag na siya at namumula na rin. Bumabagsak na ang talukap ng kanyang mata. Antok na antok na siya pero pinipilit niya lang na gisingin ang sarili.

"Tama na! Tulog na tayo." Sigaw ni Raiku nang may panglalata. Bigla niyang hinatak pababa ang natatanging suot ko at binuhat ako papuntang higaan. Tawa ng tawa si Domino habang si Kent naman sigaw ng sigaw.

"Anlakelakelakelakelakelakeeh!" Nakaturo si Kent sa pagkalalaki ko at tawa ng tawa ang adik habang buhat ako ni Raiku.

Hiniga ako ng maayos ni Raiku. Maya-maya ay pumatong siya sa aking katawan at natulog sa aking dibdib. Matapos nun ay wala na akong maalala.

Sa pagkakatanda ko, ito ang guest room at ito ang dapat tinutulugan ni Kent at Domino. Nasaan kaya sila natulog?

Ngayon lang ako dumilat. Tanging unan nalang ang aking yakap at kumot na nakabalot sa akin. Wala na si Raiku sa tabi ko. Siguro maaga siyang nagising at naisipang magluto. Pagbangon ko, naalala kong wala nga pala akong damit. Kaya napaupo ako at binalot ulit ang kumot sa akin. Inikot ko muna ang aking paningin. Nahagip ng mata ko ang dalawang lovey dubbies. Nakakumot sila at wala parehong shirt. Sa sofa sila natulog ng magkayakap. Pinagkasya nila ang sarili sa sofa. Pero hindi mo sila makikitaan ng hirap sa pagtulog. Mukha ngang masarap at mahimbing ang kanilang tulog eh.

Napansin ko rin ang damit ko na nakakalat sa lapag. Kaya inabot ko ito at agad na nagbihis. Dumiretso ako ng kusina para tignan kung nandun si Raiku. Pero imbes na siya ang makita ko ay si Keito ang nandun. Lumalamon.

"Kuya Raiku, bakit mo suot ang damit ni Kuya Domino?" Tama ba ang pagkadinig ko? Raiku ang tawag sa akin ni Keito? Sa akin ba siya nakatingin? O baka kausap niya si Raiku?

Naghilamos ako ng mukha at naupo sa isang upuan malapit kay Keito.

"Kuya Raiku? Hello?! Kanina pa kita kinakausap. Bangag ka ba?" Tinitigan ko si Keito. Sa akin talaga siya nakatingin eh. Sigurado talaga ko! Ako ang kausap niya. Pero bakit Raiku ang tawag niya sa akin. Si Domino ito!

"Keito, bakit ba kasi Raiku ang tawag mo sa akin?" Napahawak sa noo si Keito at huminga ng malalim.

"Bangag ka na talaga. Malamang ikaw si Raiku." Tumayo na si Keito at nilayasan ako. Walangyang bata yun ah. Ginanun ako?!

Napatayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Raiku. Wala siya doon. Walang tao sa kwarto. Maayos pa nga ang higaan parang wala nga atang gumamit nito.

Napalingon ako sa salamin at nagulantang ako sa nakita ko. Napatalon ako sa gulat at hindi ko malaman ang nararamdaman ko.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!" Bumalik na ako sa aking katawan. Yes! yes!!

Eh si Raiku kaya? aah mali. Dapat pala allyna na ang itawag ko sakanya. Siguro ... bumalik na rin siya sa katawan niya . Ano na kayang itsura niya ngayon?! Naeexite na talaga kong makita siya. Gusto kong makita ang babaeng version ng mahal ko.

Pero --- teka!

Matagal nang nakalibing ang katawan ni Allyna . Sa sobrang tagal nun.. Siguro inaagnas na yun ngayon o baka naman... buto nalang ang kanyang katawan.

Hindi ito maaari!

Hindi pa patay si Allyna!

Buhay pa siya. Magkikita pa kami. Buhay pa siya.

-- To be continued ...

-+

AUTHORS NOTE :

MAY PART TWO PA PO ANG CHAPTER NA ITO.

---

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon