CHAPTER 45 : THE NEWS.

568 20 1
                                    

-+

CHAPTER 45 : THE NEWS.

NATIGIL ANG AMING PAGCECELBRATE. Dahil sa pagaalala ni Raiku sa akin. Napagdesisyunan naming pumunta sa doktor para magpatingin. Mahigpit ang pagkakahawak ni Raku sa kamay ko. Napansin kong kanina pa siya namumutla dahil sa kaba. Di siya mapakali at panay ang tanong kung ayos lang ako. Mga limang minuto na ring kaming nag-iintay para sa resulta ng mga ginawang tests sa akin.

Nang bumalik na ang doktor nagsimula nang kumabog ang aking dibdib. Biglang nanginig ang aking katawan. Umupo na ang doktor at napansin kong si Raiku naman ang tumayo.

"Sa labas na muna ako magiintay." Bulong ni Raiku sa akin at dumiretso na palabas. Nakikita ko sa mukha niya ang sobrang pagkatakot. Natatakot siyang marinig ang kung ano mang balita.

Sa pagsarado ng pinto ay nagkatinginan kami ng doktor.

"Ms. Allyna..." Binuksan niya ang folder na naglalaman ng aking tests results. AYAN NAAAAAAAHHHH!!! Jusko, sana negative, sana, sana, sana, san--

"Negative po ang lumabas sa mga tests results niyo. Wala po kayong sakit--" YYYYYYEEESSSS!!! Kaso- eh bakit?

"D-dok, bakit po...?" Binigay niya sa akin ang mga results at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Yun na nga po ang sasabihin ko Ms. Allyna... Your two weeks pregnant." PREGNAAAANT ??????? Tama ba ang narinig ko?!

"Buntis ako dok? talaga?!" nagnod si Dok nang may ngiti sakanyang labi. Parang mas natuwa pa siya sa akin ah. Yun totoo, ikaw ang ina?

"AAAAAAAAaAAAAAAAAAAAAAAaaaHHHhhhh!!!!!-----" Napahinto ako sa pagsigaw ng takpan ni Dok ang aking bibig.

"Ms. Allyna, wag pong masyadong maingay." Nakalimutan ko sa sobrang saya. May magandang regalo na ako kay Raiku. may baby na kami ng mahal kong Raiku.

"Sorry dok. Natuwa lang ako." Natawa din ang doktor pero halatadong nagpipigil.

"Congratulations, Ms. Allyna." Tumayo ako at nakipagkamay kay Dok. Tuwang-Tuwa akong lumabas sa kwarto ng doktor dala-dala ang katibayan na mommy na ako. At daddy na si Raiku.

Nakita ko si Raiku na nakaupo sa bench sa harap ng pinto. Nakayuko siya at walang sigla ang mukha. Nang mapansin niya ako'y bigla siyang tumayo. Malungkot ang kanyang mukha at nang hinawakan niya ang aking kamay ay naramdaman ko ang kanyang panlalamig.

"Anong sabi?" Ang tinutukoy niya ay ang results na galing sa doktor. Napatalon ako sakanya at yumakap nang mahigpit. Bigla nalang akong napaluha sa sobrang saya.

Nang narinig ni Raiku ang pagiyak ko'y hinagod niya ang aking likod at yumakap din ng mahigpit.

"Allyna, ayos lang yan. Hahanap ako nang paraan para gumaling ang sakit mo. Wag ka nang umiyak. Sasamahan kita. Lagi akong nandito para sayo. Di kita iiwan." Napahinto ang pagmomoment ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung matatouch ako sa sinabi niya o matatawa.

"May sakit? Sinong may sakit?" Tanong ko kay Raiku matapos kumalas sa pagkakayakap. Nagtataka na tuloy ang kanyang mukha at tinitigan ako nang mata sa mata.

"Allyna, amnesia yata ang sakit mo." Niyakap niya ako ng mahigpit at siya naman ang naiyak. Ang loko. Akala niya talaga may sakit ako. Kung totoo sigurong may sakit ako ang swerte ko pa rin. Kasi, nagkaroon ako ng mapagmahal at maalagang honey.

Binatukan ko siya kaya napabitaw siya sa pagkakayakap at hinimas ang parteng nasaktan.

"Loko ka. Wala akong sakit." Pinunasan ko ang kanyang luha at hinalikan siya sa pisngi.

"Eh bakit ka umiyak?" May pagtatakang tanong niya sa akin. Napangiti ako at binulungan siya.

"Daddy ka na." Hindi siya kumibo at nakatinginlang sa akin.

"Daddy?" Ang shunga naman neto eh. Ang hina nang utak.

"Buntis ako Raiku." Bulong ko sakanya. Napansin ko naman na nagliwanag ang kanyang mukha at humaba ang ngiti. Di matawaran ang kasiyahan ng mokong.

"DAAADDDYYYY NAKO!!!! MAY BABY NA KAAAMI!!! DAA--"

"Ms. Allyna. Pakihinaan po ang boses." Napahinto si Raiku ng sumilip sa pinto ang doktor at sinaway ako. Ako talaga ang sinaway di ang lokong to!!

"Ang ingay mo kasi eh.." Napangiti siya sa akin at binuhat ako. Pana'y ang halik sa aking pisngi.

"Oh.. Paano ba yan? Tuloy ang celebration." binaba niya ako at hinawakan ang aking tiyan.

"Baby.. Hello sayo? Wag ka malikot hah. Baka masaktan si mommy." Lumuhod siya at parang batang nakikipagusap sa kapwa bata. Maloko talaga to.

"Fetus pa yan. Ano ka ba. Wala pang alam sa mundo yan." Tinayo ko siya at hinatak na palabas ng ospital. Ang ingay-ingay namin. Mamaya kaladkarin kami ng guard palabas.

Pero, masayang-masaya ko. Lalo na nung makita ko ang reaksyon ni Raiku. Tuwang-tuwa siya. Ngayon ko lang nakita ang ngiting tagumpay niya. Parang nakahinga siya ng maluwag. Kaya lang, hindi pa rin maalis sa isip ko ang maaring mangyari. Paano na ang baby namin? Kung maging lalaki ako, paano ang bagbubuntis ko?

-+

AUTHORs NOTE ::

Di na naubusan ng problema ang istoryang ito. Nako nako!!

BABY ??

Meaning ... new character?

at dahil new character ..

kailangan ng name ??

hmmm ....

Salamat po sa bagbabasa ..

CORRECTIONS, SUGGESTIONS, COMMENTS AND VOTES ARE WELL APPRECIATED.

LOVE YOU READERS .

-- HALOofTHUNDER.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon