CHAPTER 24 : RED.

805 31 3
                                        

-+

CHAPTER 24 : RED.

Nasa punto ako ngayon ng pagpili sa dalawang taong naging parte na ng aking buhay.

Its hard to choose. Pareho silang mahalaga sa akin. Si Marcaux? Oo may kasungitan, matampuhin, weird, unexplainable ang ugali kung minsan, pervert, bipolar, pero ewan ko kung bakit nababaitan ako sakanya. He's sweet, kahit na may pagkamean. Kakaiba yung mga ngiti niya. Naaakit ako. Pero hindi eh! Kasi kung physical lang ang nagugustuhan ko sakanya hindi to love. YES! HINDI TO LOVE.

Eh si Domino? Ang lakas ng appeal niya. Ang hot! Nakakakilig yung boses niya. Mabait, ma--- ma- ma- ano pa ba? Hays! Siguro kailangan ko pa talaga siyang kilalanin. Before I choose, dapat siguro kilalanin ko muna.

Ready na ba talaga ko? Kasi natatakot talaga ko. What if---

Kapag pinili ko si Domino? Tapos iwanan niya ko? Paano?

Eh kung si Marcaux? Paano kung katawan lang ang habol niya sa akin?

Eh paano kung, naging masaya nga ako sa pinili ko. - kung yung ibang tao naman ang tumutol? Kung hindi magwork ang relationship namin?

Si Dad? Si Keito? Susuportahan kaya nila ko? Paano kung hindi?

"HAAAYY!" Ilang araw ko nang problema to. Ilang gabi na rin ako dito sa rooftop ng class building. Lagi nalang pagkutitap ng bituin ang nakikita ko.

"Mukang problemado ka?" Eh? Napatayo ako dahil sa gulat ng biglang dumating si Krin, ah I mean si Sir.

"Hindi Sir." Umupo ako ng maayos sa lapag. Tinabihan naman ako ni Sir at tinapik ako sa balikat.

"Nakakunot ang noo mo at kanina naririnig kong bumubulong ka. Yun ba ang walang problema?" Kanina pa ba siya dito? Pinapanood niya ata ako eh.

"Wala to sir." Humiga si Sir. diretso ang kanyang tingin sa mga bituin at kasabay nitong kumikislap din ang kanyang mga mata.

"Im your Homeroom teacher. It is my job to help my students." Psh! Makulit na nilalang!

Fine!

Humiga na rin ako. Pero hindi sa tabi niya. Dumistansya siyempre ako.

"Sir, kapag may dalawang taong nagtapat sayo na gusto ka nila. Anong gagawin mo?" Natagalan ang kanyang sagot. Nagkaroon ng katahimikan. Parang nagiisip talaga siya.

"Ang gagawin ko," yan na! Tapos na siguro siya magisip.

"Pakikingan ko." Hah? Ang tagal niya nagisip tapos ganun lang ang sagot niya? Loko pala to eh!

"Sir, niloloko mo ata ako eh." Natawa pa siya sa kalokohan niya. Seryoso ang sagot na kailangan ko.

"Joke lang." Baliw! Tumayo na ako agad. Lolokohin lang ako nito. Puro kalokohan lang ang isasagot nito.

"Uy! Teka." Hahakbang na sana ako kaso biglang niyang hinawakan ang dulo ng pants ko. Nahila niya ito....

Eh wala pa naman akong sinturon.

Bumaba hanggang hips ko ang pantalon. Parang tumigil ang mundo ko. Noong una'y pinakikiramdaman ko muna kung nalalag nga. Hanggang sa napansin ko nalang na nasa tuhod ko na ang pants. Oh God! Ang underwear ko kumakaway na !

"Ay! Sorry sorry!" Tinaas ko agad ang pantalon. Buti nalang gabi na. Kung umaga malamang nakita na niya ang underwear ko. Walangyang teacher to.

"Sorry." Psh!

"Aalis ka kasi agad eh." At ako pa ang may kasalanan? Huhubaran mo nalang din ako dito pa sa public place. Buti nalang walang ibang tao. Nakakahiya kung magkataong makita nila ang awkward posisyon natin.

Tales : He was Once a WomanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon