CHAPTER 25 : HARANA.

733 26 0
                                    

-+

CHAPTER 25 : HARANA.

NAGISING AKO NG KATABI PA RIN SI MARCAUX. Namulat ako ng may ngiti siya sa kanyang labi.

"Good Morning." Pagbati ni Marcaux.

"Good Morning." Tumayo siya sa pagkakahiga matapos ko siyang ngitian. May kinuha siyang tray sa mesa at ilapag niya ito sa aking higaan.

"Breakfast in bed." Umupo ako at tinignan ang kanyang mga inihanda. Hindi ko kilala ang mga pagkaing ito ang alam ko lang eh masarap kaya kinain ko agad.

"Sabayan mo ako." Hinatak ko siya paupo ng aking higaan at pinilit kumain. Ang unang subo ng hinain niya ay sakanya. Nararamdaman ko ang kasiyahan niya. Para bang kuntento na siya sa ganitong set up namin. Sa harap ng marami'y parang isang normal na magkaklase. Pero sa likod nila'y may relasyon kaming hindi ko maipaliwanag kung ano.

"Raiku, I love you." Eh? Matapos niyang ilagay ang aming pinagkainan sa table. Bumalik siya sa aking higaan at hinawakan ang aking dalawang kamay. Hinawakan niya ito ng mahigpit at ninakawan ako ng halik.

"Rain ano----" Nanigas bigla ang aking katawan. Nanlaki ang mga mata ni Marcaux. Unti-unti niyang binitiwan ang aking kamay at tinignan kung sino ang nagsalita.

"YVAN!" Napatayo ako bigla nang makita ko si Yvan sa aming harapan. Nabato siya sa kinatatayuan ng makita ang nakaw na halik ni Marcaux. Walang suot na pambaba si Marcaux. Tanging ang longsleeves na puti ang bumabalot sa kanyang pantaas. Kitang-kita ni Yvan ang aming hubad na baba. Lalo na ako! Tanging maiksing shirt lang ang suot.

Natarantang magbihis si Marcaux. Habang ako'y natulala at kinakabahan. Hinagis ni Marcaux ang bathrobe sa akin at dali-daling sinara ang pinto nang sa ganoon ay hindi makalabas si Yvan sa aming kwarto. Pinaupo ko si Yvan at binigyan ng tubig. Tulala pa rin siya at gulat na gulat sakanyang mga nakita. Namumutla siya at parang hirap magsalita.

Napa face-palm ako. Ano na lamang ang sasabihin ng grupo kung malamang may nangyari sa amin ni Marcaux. Ano na lamang ang papasok sa isip ni Domino? Na pinaasa ko lang siya. Na ginawa ko siyang tanga.

Nakakahiya ako.

"Rain," napalunok si Yvan.

"Sasabihin ko lang sanang manuod ka ng laban mamaya ni Domino." Pautal-utal kung magsalita si Yvan. Natakot siya sakanyang mga nasaksihan.

OO NGA PALA! Ngayon gaganapin ang BATTLE OF THE BANDS.

Hinawakan ko si Yvan sa magkabilang braso. "Please Yvan. Wag mo munang sasabihin kay Domino ang mga nakita mo. Pagkatapos nalang ng laban." Nararamdaman kong hindi kakayanin ni Domino ang balitang ito. Maaapektuhan ang kanyang pagkanta kung malalaman niya ito agad.

"Rain, ... tapatin mo nga ako.. may relasyon na ba kayo ni Marcaux?" Binitiwan ko ang kanyang braso. Hindi ko alam ang aking isasagot. Iisipin niyang nagsisinungaling ako kung sasabihin kong wala.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kon--"

"Wala?" Naunahan niya ako. Parang nalito tuloy siya sa mga pangyayari.

"Nirerespeto kita Rain at kaibigan ko naman si Domino. Siguro mas magandang sa iyo manggagaling---"

"Salamat!" Tuwang-tuwa kong niyakap si Yvan.

"Wag mong papatagalin Rain. Kung mahal mo talaga si Marcaux, sabihin mo nang maaga kay Domino. Mas masasaktan lang siya kung itatago mo pa ng matagal." Binitiwan ko si Yvan at nagnod. Salamat at naiintindihan niya ako. May kabutihan rin pala ang abnormal na Yvan.

"Pero Rain," dumikit si Yvan sa akin at bumulong

"Hmm ?"

"Magaling ba si Marcaux?" Eh? Tadong to! Tama ba namang itanong yun. Ang tinutukoy niya ay kung magaling makipaglaro sa kama si Marcaux.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon