Epilogue

1.1K 32 12
                                    

-+

LAST CHAPTER : PAST .

Nasa rooftop kami ni Marcaux. Nakahiga sa isang comforter habang nakatingin sa langit. We can see the bright stars and the half moon smiling. Nakaunan ako sa braso ni Marcaux habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kabila kong kamay. Nararamdaman ko na malaki ang ngiti niya habang nagbibilang ng mga bituin.

"Hindi ko akalaing dadarating tayo sa ganitong sitwasyon. Yung magkakaroon ng anak. Magsasama sa isang bahay at gigising na ang unang makikita ko ay ang mukha mong nakangiti. Dati ang gusto ko lang ay makita kang nakangiti nang dahil sa akin. Dahil sa pagaakalang hindi mo ako magugustuhan." Umupo ako at tumingin sa kanyang mukha.

"Sinungaling. Hindi ka ganon. Nirape mo pa nga ako eh." Natawa naman siya at hinatak ako pahiga sa kanyang dibdib. Nararamdaman ko ang bawat tibok ng puso niya. Kasabay ng bawat tibok ay ang pagbabalik ko sa nakaraan. Marcaux, nagawa mo akong baguhin. Nagawa mo akong patatagin. Tinuruan mo akong tumayo ng tuwid. Nang walang takot sa sarili. Tinuro mo sa akin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ginawa mo ang lahat para sa akin. Ilang beses mo na ring sinalba ang buhay ko. Ikaw ang tumayong armor at shield ng katawan ko. Kahit na madalas kitang awayin at sigawan nanatili ka pa rin sa tabi ko. Hindi ka nagalinlangang mahalin ako kahit na mapababae o lalaki ako. Nandiyan ka lagi. Naaalala ko pa nga noong tinulak kita palayo dahil sa pinaglilihian kita. Kinulong kita sa walk-in closet, sa cr, sa kwarto para lang di ko makita yang pagmumuka mo. Kahit na minimake-upan kita at tinithread lock ang buhok nagagawa mo pa ring gumala sa mall kasama ako. Hindi ka nahihiya kahit na mukha kang clown sa mata nang iba. Dahil ang dahilan mo ay, lahat gagawin mo mapasaya lang ako.

Naalala ko nung binato kita ng injection, noong manganganak na ako. Dahil inuna mo pa ang business natin. Nung lumapit ka hinataw kita ng dextrose sa mukha, pero imbis na mainis ay nagawa mo pa akong halikan sa noo at tulungan sa panganganak.

"Pero alam mo, wala akong pinagsisihan. Lahat ng desisyon na ginawa ko ay ikinasaya ko." Nginitian niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Dapat lang noh! Subukan mo lang magsisi ililibing kita nang buhay." Natawa siya sa sinabi ko. Nararamdaman ko na namang gumagapang ang kanyang kamay sa loob ng aking shirt.

"Gawa tayo ng pangalawa." Pagaaya niya sa akin. Malokong to. At dito pa talaga sa rooftop ah? Walang pinipiling lugar?

"Kung pupwede nga lang masundan si Echo eh. Tyaka HOY! Ang hirap manganak noh. Ikaw kaya? Gusto mo itry? Aba! Halos mabaliw ako sa sakit nung cenisarean ako." Nararamdaman ko ang kamay niya sa aking dibdib. Naghahanap na naman ng kiliti ang loko. Kahit anong gawin niya, wala akong kiliti.

"Salamat ah." Nakita ko na naman yang killer smile niya at ever famous word niyang salamat.

"For what?" Nagtataka kong tanong habang nakikipaghilaan sa kamay niya. Kung saan-saan na kasi nakakaabot. Ang likot talaga ng kamay ng mokong nato.

"Sa lahat... ANOBA? WAGKANGMALIKOT!" Bigla siyang natawa sa pinaggagawa ko kaya tumaas ang boses niya. Kasi pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa loob ng shirt ko. Siya pa yung may ganang magalit ah.

"Loko ka. At ikaw pa yung nagagalit ah?" Heto ang dahilan kaya di kami nakakapagusap ng maayos. Ang malikot niyang kamay, magaslaw niyang paa, maging ang labi niya gumagapang.

"Isa lang kasi." Hinatak ko palabas ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Daddy?" Napahinto sa pangungulit si Marcaux ng marinig niya ang boses ni Echo. Napangiti ako nang lumapit sa tabi ko si Echo at yumakap. Inunan ni Marcaux ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa amin ni baby.

"Bakit gising ka pa?" Pagtatanong ko kay Echo at nalipat naman ang mata ko nang makita ko ang mukha ni Marcaux na nanghihinayang. Kanina nga dumating si Echo, yung tipong - SAYANG BAKIT SIYA DUMATING? YUN NA YUN EH! - ang expression niya.

"Si kuya Keito kasi eh." Tinignan ko nang masama si Marcaux. Kahit kelan talaga maloko yang kapatid niya. Kung hindi hahagisan ipis si Echo, guguluhin sa pagtulog. Manang-mana sa abnormal niyang kuya.

"Pagpasensyahan mo na yung kuya Keito mo-" Tinakpan ko ang bibig ni Marcaux at tumayo habang buhat si Echo. Pagtatangol na naman niya yung bipolar niyang kapatid.

"Daddy Rai, si daddy Marc?" Tinuro ni Echo si Marcaux na nakasunod sa amin. Ewan ko ba Marcaux's boy to si Echo eh. Gustong-gusto niya yung mukha nung tatay niyang panget.

"Halika nga baby." Kinarga ni Marcaux si Echo mula sa akin at pinatulog sa kanyang balikat. Hindi makakatulog ang batang yan ng kapag hindi niyakap ng tatay niyang bipolar.

"Oh, kita mo? Ako ang gusto. Sungit mo kasi." Bulong sa akin ni Marcaux. Ang cute-cute nilang mag-ama. Parang pinagbiyak na inidoro. Three years old pa lang si Echo pero lumalabas na ang mukha ni Marcaux. Akala ko talaga ako yung kamukha pero nung lumalaki parang ang bilis ng pagbabago.

"Pero, seryoso. Salamat sa lahat. Sa pagaalaga sa akin, sa anak natin, sa pagtatyaga sa kakulitan ko. Sa pilit na pagintindi sa mga kasalanan ko sayo. Alam mo, ang natutunan ko sayo, kapag nagmamahal ka, dapat ay magtiwala ka. Kahit na ilang beses pa siyang magkamali, matuto kang magpatawad." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I love you Marcaux. Salamat din." Nginitian ako ng matamis ni Marcaux at hinalikan sa noo.

I am thankful to have him as a husband and a father to my child. I love him so much more than anything else. Ngayon, naniniwala na ako sa second chance. Totoo pala na kapag nasaktan ay paniguradong may magandang kapalit. Siguro kaya ako nasaktan noon ay para makita at makilala si Marcaux. Kaya siguro ako naging lalaki. Akala ko noon wala nag pagasa. Akala ko noon katapusan na ng mundo ko. Hindi pala. Maling tao lang pala ang minahal ko kaya ako nasaktan. Mali lang pala ang pinili ko kaya ako iniwan. Tama lang pala ang desisyon ko na magpakatatag. Dahil kung naging malambot ako? Hindi siguro ako sasaya. Gaya nang sayang nararamdaman ko ngayon. No Regrets.

END

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon