CHAPTER 21 : TO REGAIN TRUST.

777 33 1
                                    

-+

CHAPTER 21 : TO REGAIN TRUST.

NAGISING AKO SA KWARTO NG IBA. "WHAH! Bakit kayo mga nakatingin sa akin?" Nakahiga din ako sa kama ng iba. At sila Yvan ay nakapaikot. Parang kanina pa ako pinanunuod habang tulog ako. Nakangiti sila ng nagising ako. "Maayos ba tulog mo? Tanong ni Yhan-yhan. "Maayos naman. Teka bakit ba ako nandito? Tyaka bakit niyo ako pinapanuod matulog?" Nagtawanan silang lahat. "Hmm... nagising si Domino sa loob ng room niyo ni Marcaux. Napansin niya raw na nahihirapan kang matulog sa sofa, nakalock din ang door papunta sa higaan mo kaya naisipan niyang dalhin ka rito." Pagkukwento ni Xand. "Eh?" "Sabi rin ni Domino, parang anghel ka raw na natutulog kaya tinitignan namin kung totoo." Mga baliw!

Inikot ko ang tingin ko. Hinahanap ko kung nasaan si domino. Pero wala sa loob ng kwarto. "Hinahanap mo ba si Domino? Gumising siya ng maaga para magpractice. May gaganapin kasing battle of the bands mamaya. Sumali ang DNA." Napansin siguro ni Yvan na hinahanap ko si Domino. "Sige, mauna na kami. Kailangan din naming magpractice. Baka magalit yung bokalista namin." Nagpaalam na sila Xand, ang mga kasamahan ni Domino sa banda. Umalis na rin si Kuya Quantum. Kaya ang natira nalang ay ako at si Kent. "Ganun ba talaga ang karoom-mate mo? Kapag trip niyang sarahan ka ng pinto gagawin niya?" Hays! Oo nga pala ang walangya. "May topak lang yun. Pero mabait naman." Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nagseselos si Marcaux kaya sinarhan niya ako ng pinto. Napilitan tuloy akong matulog sa study area. "Aah! Alam ko na! Sadyang ilag lang talaga siya sa mga tao." Umiling ako. "Di lang talaga maganda ang mood niya." Tumayo ako sa higaan. "Yvan," "hmm?" Umupo ako sa sofa katabi ni Yvan. "Si Domino," ngumiti si Yvan at tinapik ako sa braso. "Totoo ba talaga yung mga sinabi niya?" Mas lalong lumaki ang ngiti ni Yvan. "Sabi na nga ba, tama ang hula kong yan ang itatanong mo." Tumayo siya at may kinuhang libro sa study table ni Domino. "Basahin mo yang diary ni Domino. Diyan mo malalaman ang sagot." Inabot ni sa akin ang kulay itim na notebook na inakala kong libro. Makapal ito at hindi pangkaraniwan ang papel na ginamit. "Hindi namin tinututulan ang mga gustong mangyari ni Domino. Naniniwala kami sakanya. Kilalang-kilala na namin si Domino. Bata pa lang kami ay nalululong na yan sa pagkanta at paghawak ng gitara. Yun ang gusto ng magulang niya para sakanya. Siguro panahon naman ngayon para masunod ang gusto niya.. Rain, pagisipan mo naman. First love ka ni Domino at ayaw naman naming sa unang beses, masaktan siya." Nakatingin pa rin siya ng diretso sa akin. "Yvan, malaking pabor ang hinihingi mo sa akin. Tyaka, Bakit ako?" Tumayo ako at tumalikod kay Yvan. "Rain, sa dami ng pabor na hinihingi ko sakanya at sa dami ng mga pangakong tinupad niya para sa akin. Siguro naman panahon na para bayaran ko siya." Hindi ganun kadali. Mahirap! Oo, nandun na tayo. Noon palang, magkakasama na kayo. Kahit na hindi kayo magkakasing-edad nagkakaintindihan kayo. May mutualism ang samahan niyo. Pero may mali eh. Bakit ako pa yung kailangang ibigay para lang masuklian mo yung ginawa niya sayo. "Eh kung kayo nalang kayang dalawa? Tutal kayo naman ang nagkakaintindihan eh." Humarap ako sakanya. Nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nainis ata siya. "JUST KIDDING!" Tinawanan ko siya. Yung tipong parang joke lang talaga ang sinabi ko sakanya. Kahit na panama ito sakanya. "Loko!" Ngumiti siya. Nakahinga ako ng maluwag. "Unang-una, ikaw ang gusto hindi ako. Pangalawa, we're just friends. Kaya wag mo akong idamay diyan." Tsk! Ewan ko sayo!

"Yvan, let's put it this way, kunyari ako si Domino at ikaw ay ako" humawak ako sa magkabilang braso niya. "Kapag sinabihan ka nang .... I like you more than a friend--"

"Eh-ehem! Nakakaistorbo ata ako." Tumingin kami ni Yvan sa nagsalita. Si Domino. "Continue! Bakit kayo tumigil?" Tumalikod si Domino at naglakad. "MANG-aagaw!" Sinigaw niya bago siya lumabas ng pinto.

"Its not what you think." Tinanggal ni Yvan ang mga kamay ko sa braso niya at hinabol si Domino palabas. "The heck!" May ginawa ba akong mali? Tinetesting ko lang naman kung anung magiging reaksyon ni Yvan kapag kunwari sinabihan ko siya ng I like you hah. "Hmp!" Naglakad ako palabas. Hinanap ko sila Domino. Baka magsuntukan kasi yung dalawa.

"Mang-aagaw ka kasi!"

"Mali nga ang iniisip mo Domino."

"Nakita ng mga mata ko Yvan. Kitang-kita kong sinasabihan ka ni Rain ng I like you chu chu chuh!" Narinig ko silang sumisigaw malapit sa stairs kaya tumakbo ako papunta dun.

"Maniwala ka naman sa akin Domino."

"No! Liar!" Tumakbo si Domino papunta sa direksyon ko. Kaya nagkabungguan kami. Napahinto siya sa harap ko. Parang nanlulumo siya. Pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. "Excuse me." Hinawi niya ang katawan ko at dumaan sa gilid ko. "Domino," nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi manlang ako nilingon.

Hinabol ko siya at inabot ang kanyang braso. "WHAT?" Hindi ko siya sinagot. Niyakap ko nalang siya. "Trust Yvan. He's not lying." Tinanggal niya ang mga braso kong nakapulupot sakanya. "Kiss me, then I will trust Yvan again." Natulala ako. Seryoso? Hahalikan ko siya. Oh my! This sucks!

"Hindi mo kaya?" Binaba niya ang mga kamay ko at lumakad palayo sa akin. Sheep! Am I going to do it? Or not?

HECK!

..to be continued.

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon