CHAPTER 31 : SEEING HIM DOWN.

629 27 3
                                    

-+

CHAPTER 31 : SEEING HIM DOWN.

AFTER WATCHING THE NIGHT SKY. We decided to drive straight into my Dad's house. Madilim na ang daan. Tanging ang mga ilaw na nanggagaling sa aming sasakyan ang nagbibigay ng liwanag. Nakangiti parin si Marcaux. Abot tenga ang kanyang ngiti dahil sa kasiyahan. Siguro dahil pinagkatiwala ko na sakanya ang bagay na aking pinahahalagahan. Masaya siyang nakatitig sa akin habang nagdadrive.

"Ngiti ka nang ngiti dyan!" Natatawa kong sabi sakanya habang nagdadrive. Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil nasa highway kami ngayon.

"Eh bakit ba?" Nginitian ko rin siya. Pero sandaling sulyap lang.

"Nadidistract ako." Pagrereklamo ko pero ang totoo niyan kinikilig ako.

"Ang cute mo kasi." At sinabayan na naman niya ng isang killer smile.

Itinabi ko muna ang aming sinasakyan at saka ko siya kinausap.

"Ngayon mo pa talaga ko naisipang pagtripan ah." Pinipisil-pisil ko ang kanyang pisngi. Malambot na parang isang unan pa puros hangin ang laman.

"RAIKU!" Natigilan siya at nanlaki ang kanyang mata. Tinuro niya ang isang malaking truck sa aming harapan.

Nataranta ko. Dahil sobrang bilis na ng mga pangyayari. Bago ko pa man maistart ang makina ay sumalubong na ang liwanag sa aming sinasakyan. Sobrang liwanag! Parang sinusundo na kami ng langit. Napalitan ang saya ko ng lungkot. Fast forward na sumalpak ang truck sa amin. Bumaligdad ang aming sasakyan dahil sa impact. Ang public taxi na nasa aming likuran ay bumangga sa likod. Nakaladkad paabante ang ibabaw ng aming sinasakyan. Naipit ng upuan ang katawan ni Marcaux. Malabo na ang aking paningin pero kitang-kita ko ang mga dugong tumutulo sakanyang noo. Ang kamay niya nakahawak sa aking kamay habang ang inosente niyang mata ay nakatitig lang sa akin. Kitang-kita ko ang sakit na dinanas niya. Samahan pa ng sakit ng aking dibdib. Dahil sa pagkapipi ng aming sinasakyan at salamin ay tumama sa aking dibdib at binti. Makirot at hindi ako makagalaw. Ang kamay ko ay puros bubog at tanging dugo ang aking nakikita. Natigil ang aking mundo dahil sa pagliyab ng aming paligid. Nagliwanag ang lahat. Mainit at nakakatakot. Ito na yata ang katapusan ng aking buhay. Ito na yata ang huling pagkakataong maibibigay sa akin ng langit. Maya-maya siguro ay liwanag na aking makikita at lalakad na ako papunta sa kinalalagyan ng mga namatay.

Sana hanggang doon ay makasama ko siya. Sana hanggang sa langit ay makilala niya ako. Doon namin ipagpapatuloy ang naudlot naming tadhana.

Kahit masakit at mahapdi, pinilit kong hawakan ng mahigpit ang kamay ni Marcaux. Magpapaalam muna na ako sayo. Magkita nalang tayo kung saan man tayo padpadin ng tadhana. Salamat Marcaux. Hanggang sa muli. Paalam.

-+

AUTHOR'S NOTE :

Supposed to be this chapter is for Tales II (tale of the two man) Pero naisip kong ituloy nalang. Chapter 32 will be Marcaux's Point of View. May mga papasok pong mga new characters. Maraming characters :D.

HAPPY READING !

- HALO

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon