CHAPTER 49 : IM A DADDY OR A MOMMY ?

934 20 2
                                    

-+

CHAPTER 49 : IM A DADDY OR A MOMMY ?

HI BABY ECHO. Ako to.. si Mommy ... ay mali .. si Daddy pala..

Eh ano ba talaga? Mommy o daddy?

Lalaki na ako .. so dapat daddy ..

pero ...

"Hmm.. Keito, ano sa tingin mo ang dapat itawag sa akin ni baby Echo? Mommy o Daddy?" Malaki ang ngiti ko habang nakatingin sa aking Echo. Tinatanong ko naman si Keito kung anong magandang itawag sa akin.

"Dummy. Pinaghalong mommy at daddy." Tinignan ko naman ng masama si Keito at pinandilatan ng mata. Eh walangya pala eto eh. Dummy ang ipapatawag sa akin. Hindi ako stupid!

"Hoy. May kasalanan pa kayo sa akin ng kuya mo ah. Lumayas kayo sa harap ko. At sabihin mo sa kuya mo. Hindi niya mahahawakan ang anak KO." Malumanay pa rin ang boses ko kahit na nagagalit na. Mga bwisit talaga. Walangya. Kung di lang masakit yung tahi ko natadyakan ko na ang magkapatid na to eh.

"Loves naman.. pahawak naman kay baby." Tinignan ko siya ng masama yung tingin na WHO THE HELL ARE YOU? Para matakot siya. Ang walangya. Matapos akong mahirapan magisa papunta dito sa ospital, bigla nalang magsosorry na parang ang babaw ng kasalanan.

"Hindi ikaw ang ama nito. Ginawa ko itong magisa. Ako ang nanay, ako rin ang tatay." Lumapit siya sa akin pero iniwas ko ang bata sakanya. Naiinis kasi ako. Inuuna pa niya yung ibang bagay keysa sa pamilya niya.

"Sorry na loves." Umupo siya sa harap ko pero pilit akong tumayo kahit na masakit ang tahi ko.

nang dumating ang nurse. Nagulat ito dahil nakita niyang nakaupo si Marcaux sa kama habang ako naman ay nakatayo.

"Daddy, bakit naman po kayo ang nakahiga? Hindi pa po magaling ang tahi ni mommy.'' Pake mo bang nurse ka. Isa ka pa. Iniwan mo lang ako sa front desk eh. Sa pagaakalang baliw ako.

"Daddy!" I corrected the nurse with a HELL YOU look.

"Sorry po. Daddy pala." Tumayo si Marcaux at inalalayan ako ng nurse na humiga.

"Kaya ko nang magisa. Kinaya ko ngang makapasok sa emergency room ng walang tulong mo eh." Napayuko ang nurse sa sinnabi ko. Parang napahiya siya, maging si Marcaux at Keito. Naiinis ako sakanila. Ano ba naman kasi yung mga ginagawa nila noong kailangan ko ng tulong? Mga bwiset.

"Daddy, kukunin ko na po si baby." Ibinigay ko sakanya si Echo ng may masamang titig. Ingatan mo yang anak ko. Mapapatay kita kapag nagalusan yan.

Nakatingin lang ako sa nurse habang nilalabas niya ang baby KO. Mahirap na baka kidnapin niya. Kamukha pa naman yan ni Raiku. Syempre, dahil nasa katawan ako ni Raiku. Ako ang pinagmanahan.

"Wala na si Echo. Lumayas ka na sa harapan ko. Alam ko naman na yung bata lang yung pinunta mo dito eh." Humiga na ako ng maayos at nagtalukbong. Ayoko na muna siyang makita. Stress ako ngayon. Nakarinig ako ng may lumabas sa kwarto kaya binaba ko na ang kumot ko. Nang umikot ako'y bumulaga ang mukha ni Marcaux sa akin. Si Keito lang pala ang lumabas.

"Loves, kausapin mo naman ako." Tinalikuran ko siya at pumikit.

"Loves ... please.. kahit saglit lang kausapin mo naman ako." Humarap ako sakanya at tinignan siya ng masama. I hate him. Pero nangingibabaw ang pagmamahal ko sakanya.

"Sige magsalita ka." Medyo masungit ang boses ko pero maamo pa rin ang mukha ni Marcaux. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Medyo naiiyak naman siya kaya nadadala na rin ako. Wag mo akong iyakan ng ganyan Marcaux.

"Raiku, alam ko wala ako nung araw na kinailangan mo ako. Pero please naman. Hindi madaling iwan yung board meeting. Alam mo namang para sainyo rin ni baby kaya ako nagsisikap. Alam kong nahirapan ka. Alam ko yung mga ginawa nila. Kaya nga muntik ko na silang idemanda eh. Pero wag ka namang magtanim ng galit sa akin. May anak na tayo, ngayon ka pa ba magsusungit? Ano nalang ang kakalakihan ni Echo? Yung lagi tayong nagaaway?" Humawak siya ng mahigpit sa isa ko pang kamay. Naiyak naman ako dahil sa sinabi niya. Sinimulan niya kasi ng iyak kaya nadamay ako.

Nang yumakap siya sa akin. Wala na akong nagawa. Para bang may nagtulak sa akin na patawarin nalang siya at yakapin din. Tama nga naman siya. Walang mangyayaring maganda kung lagi nalang akong galit sakanya. Paano nalang ang anak namin?

Medyo yumuko siya at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos ay pinunasan niya ang luha ko ng may ngiti na sakanyang labi. Nakakainis! Bakit nanlalambot ako pagdating sakanya. Kung di lang talaga kita mahal ng sobra-sobra.

"Hoy! Anong gagawin mo?" Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hahalikan ako sa labi.

"Hahalikan ka." Nilayo ko naman ang mukha niya sa akin dahil naramdaman kong namula ako.

"Baka may pumasok na nurse at makita tayo." Pagdadahilan ko.

"Wala akong pake!" Bigla nalang siyang humawak sa batok ko at inlapit ang labi ko sa labi niya. Hindi ko na magawang itulak ang mukha niya dahil hawak niya ang magkabilang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kanyang halik. Ilang buwan na rin siyang nagpupumilit halikan ako. Hindi ako pumapayag dahil sa nabuburaot ako sa amoy niya. Simula noong naglihi ako nabahuan na ako sa pabango niya kaya pabango ko ang binubuhos ko sa damit niya. Panglalaki naman yun kaya no worries.

"Oh! Oh!" Bigla nalang niyang hinawakan ang pants ko. At kapag ginagawa niya yun alam ko na ang kakahantungan kaya pinigilan ko ang kanyang kamay. Loko talaga tong lalaking to. Kahit saan naisipan kapag tinamaan ng kalibugan bigla-bigla nalang magaaya. Hindi manlang niya naisip na nasa ospital kami. Kakapanganak ko pa nga lang eh. Pero nakakalungkot lang kasi hindi na namin madadagdagan ang aming babies. Nagiisang anak lang tuloy.

"Isa lang." Pagmamakaawa niya sa akin habang nakayakap ako sakanya at nakadikit sa kanyang dibdib ang aking mukha.

"Hinde. Nasa ospital tayo. Pagalingin mo naman muna ako." Hinawakan ko ang pisngi niya at nakipag-nose-to-nose sakanya.

"Promise?" Nagnod ako at nagsimula na naman siya sa paghalik sa aking labi.

Talaga to. Sana lang wag na siyang magbago. Patuloy pa rin niyang pagtyagaan ang nakakainis na ugali ko.

-+

Promise epilogue na talaga yung susunod ...

Parang ayoko kasing i-end ang story ko. Mamimiss ko tong mga characters ko ..

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon