CHAPTER 7 : STILL AMMAGIRL

1.3K 38 0
                                    

-+

CHAPTER 7 : STILL AMMAGIRL

"But dad?" Eh! Ba yan! Ang hirap naman niya pilitin. Ayoko nga sa school na yun. Puros barako yung nandun.

"Mag-aaral ka ba o hindi?"

"Mag-aaral po."

"Oh edi, magtyaga ka." He smiled at me. Parang eng-eng naman to eh! Tsk.

Ayaw niya ko payagang magpalit ng school. Nagtataka nga siya kung paano ko nalaman ang St. Manuel.

"Do you wish to visit--" St. Manuel.

"Ayoko dad." Ano pa nga bang makikita ko dun? Just like any other schools. May teacher, board and chalks. What else? Hays!!

"Ahh .... dad, may I go out?"

"Wag ka lang magpapagabi."

"Hmm!" -yes. Napangiti ako at lumabas na. Magkocommute nalang ako. Sanay naman ako.

"Kuya, where are you going?" Umiling ako.

"Nah-aah! Hindi ko din alam. I just want to go out." Dumiretso na ako. Ayokong iniintriga ko sa mga gagawin ko. Nasanay kasi akong mag-isa.

I want to visit my nanay. Yung nanay na nagpalaki sa akin. Siya yung nagampon sa akin. Ang laging kasama ko sa lungkot at ligaya. Namimiss ko na kasi siya. Siya lang naman ang lagi kong iniisip. Sana malakas pa siya at walang sakit.

HINDI AKO MAKAKATOK sa pinto. Natulala na ako sa harapan ng dati kong tinitirahan bago pa ang unit ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Makikilala niya pa kaya ako? I want to hug her and thank everything. Pero kahit naman sabihin ko ang katotohanan, ang katotohanang ako si Allyna.. tatawa lang siya. Baka nga hindi niya pa ako pansinin.

"Hijo?" Uhm? Biglang may tumawag sa akin mula sa aking likuran. Hindi agad ako humarap. Nakikilala ko ang boses na yun. Alam kong si nanay iyon.

"Po?" Yun lang ang kaya kong isagot sakanya. Hindi ko naman pwedeng ikwento ang lahat. Wala na aking katawan at mukha. Hindi na ako ang dating allyna. Im a real man now.

"Anong sinadya mo--" kinakabahan ako. Sa sobrang kaba koy hindi ko na naintindihan ang kanyang mga sinabi. Paano ko ba sisimulan?

"Ahm.. alam niyo na po ba na wala na si Allyna?" Lumakad siya papalapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan.

"Kakagaling ko lang sa kanyang puntod. Kaibigan ka ba niya?" Tama! Magpepretend nalang akong kaibigan niya. Kunwari may pinapasabi si Allyna.

"Ahmm... may pinapasabi po kasi siya.." diretso ang tingin ni nanay. Parang inaabangan niya ang bawat sasabihin ko.

"Pumasok ka sa loob. Doon tayo mag-usap." Nauna siya sa loob ng bahay. Mababakas sa kanyang malungkot na tono na nagluluksa pa siya. Nagluluksa pa ang nanay sa pagaakalang ako na si Raiku ngayon ay patay na.

"Pasok ka hijo." Ngumiti lang ako at pumasok na rin. Kamuntikan na nga akong mauntog sa mababang pintuan. Mabuti nalang ay inalalayan niya ako sa pagpasok.

Walang nagbago sa ayos ng bahay. Ang ayos noong huling punta koy ganun pa rin. Pero nananatiling malinis ang bahay. kahit na may kalumaan ay mapapansing naaalagaan ng mabuti.

"Sa tingin ko, isa ka sa mga mabuting kaibigan ni Allyna. Pasensya na at naabala ka pa."

Kung alam mo lang nanay.

Nawala ang aking pagkatulala nang magsalita siya. Nakatingin kasi ako sa aming lumang litrato.

"Nako! Hindi po. Naging mabait naman po sakin si Allyna. Maliit na pabor lang po ito kung titimbangin ang mga nagawa niya sa akin." Kunwari!! Oh my! Kaya ko bang panindigan to?

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon