CHAPTER 43 : JEALOUSY.

643 22 2
                                    

-+

CHAPTER 43 : JEALOUSY .

NAPATALON SI RAIKU NA PARANG BATA. Ang laki ng ngiti sakanyang mata at napatakbo papunta sa akin. Sinalubong ko siya nang isang malaking yakap. Panay ang halik sa aking noo at nagawa pa akong buhatin na parang isang 8 years old na bata.

"Kinabahan talaga ako. Akala ko kung napano ka na." Pasikip nang pasikip ang yakap niya. Walang kupas ang ngiti. Nakakawala talaga ng inis ang mga ngiti ni Raiku.

Inikot niya ako sa ere habang buhat ang aking katawan. Nawala ang ngiti sa aking mukha nang makita ko si Krin, di kalayuan sa amin. Nakatingin lang siya at nanglulumo. Parang nawalan ng isang milyon. Pero sa tuwing maaalala ko ang kanyang ginawa, nawawala ang awa ko sakanya. Galit ang namumuo sa akin.

"Bakit?" Ibinaba ako ni Raiku ng mapansin niya ang pagkalungkot sa mukha ko. Nakatitig lang ako sa direksyon ni Krin kaya napatitig din si Raiku.

Nawala din ang ngiti sa mukha ni Raiku. Nagkatitigan sila ni Krin na parang may sama nang loob sa isat-isa. Alam ni Raiku ang mga pinagdaan ko kay Krin. Alam niyang lahat; Iniwan akong nagiisa para pumunta nang ibang bansa. At pagkatapos ay uuwi nang may masamang balita. Nangako siya sa akin noon. Ang sabi niya'y babalikan niya ako. Ako namang tanga, nagintay. Akala ko babalik. Yun pala babalik at magpapaalam sa akin na ikakasal na siya. Sa akin pa talaga siya nagpaalam ah! Ang kapal ng mukha. Ano ko nanay niya?!

"Allyna, tell me, siya ba ang kaaway mo kanina?" Nagaalangan akong magsalita kay Raiku. Hindi ko kasi alam ang maaari niyang gawin kay Krin. Sa pagkakakilala ko kay Raiku, mabilis siyang nagagalit kapag ang mga taong mahalaga sakanya ang ginagambala. At si Krin? isa siyang tao na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kahit pa ang kapalit ay ang taong mahalaga at pinahalagahan siya. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit ba dati ay minahal ko siya. Oo, maalaga siya, matalino at ibibigay ang mga gusto mo .. pero .. kapag napagsawaan ka na niya .. wala na siyang pakielam sayo.

Tama pala talaga ang sinabi ng iba, "Wag mong asahang hanggang sa huli ay mahal ka ng taong mahal mo, minsan kasi talaga ang taong kaaway mo pa ang nagmamahal sayo." Raiku is a gift from heaven. Siya yung nagalaga sa akin nung mga panahong kailangan ko ng tulong. Pwera nalang kapag ginagahasa ako ng abnormal na yan. Walang awa sa katawan ko.

Nagkaroon ng katahimikan ng lumapit sa amin si Krin. Nakakawa ang kanyang mga mata. Malungkot, walang buhay, patay at aakalain mong dumaranas siya ng matinding sakit.

"Sir?" Humawak sa balikat ni Raiku si Krin. Sa mga mata at pagtungo ng ulo sila nagusap. Parehong seryoso at may kakaiba akong naramdaman. Nagkakaunawaan sila. Sa tingin ko. Nang bitawan ni Krin ang balikat ni Raiku, nagpakita ito ng pekeng ngiti. Humalik sa aking pisngi si Raiku at bumulong,

"Iintayin kita sa sasakyan." Tinignan ko lang si Raiku, naiintindihan ko na ngayon ang kanilang pinagusapan. Kakaiba talaga ang istilo nitong si Krin. Maging si Raiku ay napasunod niya.

"Allyna?" Nagsalita si Krin mula sa aking likod kaya napaharap ako at tinignan siya ng blankong ekspresyon. Krin, ano na naman ba ang sasabihin mo? Tinaasan ko siya ng kilay. Pansin kong pinagpawisan siya bigla kahit na malamig ang hangin. Natatakot ba siya? o kinakabahan? Siya, makakaranas ng ganoong pakiramdam? Eh, sa pagkakatada ko manhid siya. Walang pakielam sa mga taong nasa kanyang paligid. Kaya nga siguro di natuloy ang kasal niya... dahil diyan sa ugali niya.

"Allyna, please..?' Paano kung ayaw kong makipagusap sayo? Naiinis ako sayo! Wala kang kwentang lalaki!!!

"Magsalita ka lang.. pero wag mong asahang sasagot ako. Makikinig lang ako sayo. At kapag hindi nagustuhan ng tenga ko ang sinabi mo? Lalayasan kita. Krin, tandaan mo ito.. Hindi na tayo gaya ng dati. Siguro kaya ako napamahal sayo kasi ikaw lang ang lalaking umiikot sa buhay ko noon. Iba na ngayon Nate. May utak na ako at di na ako tanga gaya ng dati. Ginawa mo akong aso eh. Kapag sinabi mong stay, sinusunod naman kita... hanggang sa napagod na ako kakahintay. Hanggang sa malaman kong wala na pala.. ikakasal ka na . Naghintay lang ako sa wala. Napatawad na kita eh. yun ang alam ko. Pero hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako sa presensya mo. Sana naman maging masaya ka sa kung anong meron ako. Kasi ako? Hinaaan kitang maging masaya nung iniwan mo ako.." Naaalala ko na naman yung mga panahong tanga-tangahan ako. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko. Nagsimula nang lumuha ang mga mata ko. Pilit kong pinipigil ang luha ko sa paglabas pero parang may sarili itong utak at wala nang tigil sa pagluha.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan ng matapos anong magsalita. Ramdam ko na gusto niya akong hawakan o yakapin pero di niya magawa. Nagaalangan siyang kumilos. Maging sa pagsasalita.

"Wala ka bang sasabihin?" Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking dalawang kamay. Tinitigan ko siya ng masama at tumalikod,.

"Allyna?" Hahakbang na dapat ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Alam ko lahat ng hinanakit mo. Nararamdaman ko. Pero sana naman kahit sandali lang, intindihin mo naman lahat ng sasabihin ko. Allyna, kung ang pinagsimulan mo ng galit ay ang kasal na naudlot... sana kalimutan mo ng lahat ng yun. Napilitan akong magpakasal sakanya dahil sa isang kasalanang nadamay ako. Nabuntis ng maaga ang babaeng dapat na ipapakasal sa akin. sa di malamang dalihan... pero isa lang ang pinananindigan ko, siya hindi ang batang dala-dala niya sakanyang tiyan. Akala niya ako ang ama. Yun pala ay yung kaibigan kong ginamit lang siya. Allyna nasaktan din ako. Nasaktan din ako sa kasalanang ginawa ko kung kasalanan man iyon. Hindi ko naman hinihiling na bumalik ka sa akin. Kapatawaran mo lang Allyna. Sana ay mapatawad mo na ako. At kapag nagawa mo iyon magiging masaya na ako at di ko na kayo guguluhin pa. Nakikita kong mahal na mahal mo si Raiku, ganun din naman siya." Pumatak sa mga mata ni Krin ang kanyang mga luha kasabay ng pagtalikod niya sa akin.

Bakit ba pinapanood ko lang siya umalis? Kapatawaran lang naman pala ang kanyang hinihingi.

"Krin!!!" Sinigaw ko ang kanyang pangalan ng sa ganun ay humarap ulit siya sa akin. Kahit na garalgal ang aking boses dahil sa pagiyak.

Lumingon siya sa akin ng may pagtataka. Pinunasan niya ang mga luha sakanyang pisngi at diretsong tumingin sa akin.

"Matagal na naman kitang napatawad eh. Yun nga lang bwinisit mo kasi ako kaninang umaga kaya nainis ako sayo. Hayaan mo. Di naman ako nagtatanim ng galit eh. Kung may hinanakit man ako mawawala rin yun." Pinilit niyang ngumiti kahit na malungkot ang kanyang nararamdaman. Nginitian ko naman siya at tumalikod. Naglakad palayo sakanya.

Mga ilang hakbang ay nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likod. Si Krin, yakap-yakap ako at punong puno ng pasasalamat ang kanyang mga mata. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko. Hanggang sa pakawalan niya ang aking katawan, "Salamat." ang huling sinabi niya bago pa tuluyang umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi naman lungkot o inis, hindi din kaligayahan. O sadyang ... kinakabahan ako kasi nakatingin sa akin ng diretso si Raiku at mukhang nagseselos siya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang si Raiku sa akin at wala man lang kaemo-emosyon. Nagseselos ba talaga siya?

Kung tanungin ko kaya? Baka kasi magalit siya o kaya naman ... magtampo ..

Eh anong gagawin ko ? Makikipag titigan?

"Anong sabi niya sayo?" Mas lalo akong kinabahan ng nagsalita siya.

"Nagsorry siya." Yun nalang ang nasabi ko.

"Tapos?" Ayaw ba niyang ibahin ang aming paguusapan? Bakit yun pa?

"Kinausap ko." Maikli na nanaman ang sinagot ko.

"Ang sinabi mo? I LOVE YOU." Pinagdidiinan niya talaga ang mga salitang yun. Sabi na nga ba. Nagseselos siya.

"Bakit ko naman siya sasabihan noon? Raiku--" Hindi na natapos ang aking sasabihin ng gumapang na ang kanyang kamay papunta sa aking kamay at nagsalita na siya.

"Allyna, ang sitwasyon natin ngayon ay di na tulad ng dati. Kung dati lalaki ka pa hinahayaan kita sa iba, dahil sigurado akong si Domino at mga kababaihan lang ang kalaban ko. Nang nawala sila ... nakahinga ako ng maluwag. Pero ngayon marami na naman akong kaagaw." Natawa ako sa sinabi niya. Paano ba naman kasi ang babaw na dahilan. At bakit naman ako magpapaagaw, Aber!!

"Raiku, appearance lang ang nagbago sa akin. Hindi ang nararamdaman ko. Bakit naman ako sasama sa taong hindi ko mahal?" Nasimula nang mamula ang kanyang mukha. Di na siyamakatingin ng maayos sa akin, di mapakali amg mokong. siguro nahihiya.

Kahit kelan talaga pasaway tong si Raiku Wala namang dapat pagselosan eh.

Pero napatunayan kong mahal na mahal niya talaga ko.

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon