CHAPTER 4 : NEW.

1.9K 57 2
                                    

-*

CHAPTER 4 : NEW.

Bumabalik sa akin ang mga nangyari. Ang aksidenteng karumal - dumal. Ang mabilis kong pagkamatay. Ang mga pangyayari na hindi ko matanggap. Pero sa tingin koy panaginip lang ang lahat. Mukha namang nananatili akong buhay at humihinga. 

"Kuya?" May biglang lumapit sa aking lalaki. Siguroy nasa 12 - 14 taong gulang. Maaliwalas ang mukha niya at mahahalata mong galing sa may kayang pamilya. 

"Sino ka? Hindi ako ang kuya mo." Bakit naman ako tatawaging kuya ng isang bata. Babae ako! 

"Kuya, hindi mo na ba ko natatandaan?" Lumungkot ang kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo at nawalan na nang pag-asa ang kaninang maaliwalas na mukha.

"Hindi ako ang kuya mo. SA GANDA KONG TO?!" Medyo tumaas ang boses ko. Natulala siya sa akin. Tinititigan niya akot biglang tumawa.

"HAHA. Sabi na kuya. Jino-joke mo lang ako HAHA." Medyo naasar ako. Seryoso ang mukha ko tapos sasabihin niya nagjojoke ako? Sa kalagayan kong to? Nananakit ang mga kalamnan ko, magjojoke pa ko? Eh baliw ata itong batang to eh.

"Mukha ba akong nagbibiro? Haissh!" Nagpakita ko ng mukhang naaasar na.

"Kuya, dahil ba sa pagkabagok ng ulo mo nakalimutan mo nang lalaki ka?" Bagok? Nagkaroon ng maraming question mark ang ulo ko.

"Ako nabagok?"

"Kuya, Raiku, di ba nga. Nawalan ng preno ang dinadrive mo?"

"Me-saltik ka ba - Hah? Unang - una, Allyna ang pangalan ko. Pangalawa, babae ako. Pangatlo, sumabog ang Gasoline Station---" Tinalikuran niya ako. Ng batang kausap ko.

Bastos na 'to!! Kinakausap pa kita ah.

Parang may kinuha siyang kung ano at umupo sa tabi ko.

"Oh!" Inaabot niya sa akin ang salamin.

"Anung gagawin ko dito?" 

"Kainin mo." Ay! Walanghiya. Pasalamat ka hindi ko maigalaw ang katawan ko. Kung di nabatukan na kita. 

"Malamang, tignan mo ang sarili mo. Parang taliwas kasi yung sinasabi mo sa nakikita ko." Ewan!

Hinarap niya sa akin ang salamin. May kaliitan pero sapat na para makita ko ang mukha ko.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Napatili ako sa nakita ko. As in tili! Yung tili ng babae, matinis at makabasag pinggan.

Nagpasukan ang mga nurse sa kwarto. Nataranta sila at alalang - alala sa nangyari.

"Anong nangyari?" Pag-aalalang tanong ng nurse na kakapasok lang.

Pinipigilang tumawa ng katabi kong batang lalaki. Namumula na siya. Parang nawindang sa pagtili ko.

"Ahh, nurse, wala po siyang maalala mula nung pagkagising niya." Napangiti siya.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon