-+
CHAPTER 48 : BACK FOR GOOD.
MADILIM ANG PALIGID. Tanging tatlong ilaw lang ang aking naaaninag. Isang ilaw na nakatutok kay Raiku, na nakangiti. Isang ilaw na nakatutok sa baby namin na kamukhang-kamukha ni Raiku. At isa ay ang ilaw na nakatutok sa akin. Sa bawat paggalaw ay sumusunod ang ilaw. Sa bawat hakbang ay unti-unting nawawala ang ngiti nila. Napahinto ako sa paglakad nang may biglang kumapit sa aking braso. Humarap ako sakanya at nakita ko ang katawan ni Marcaux.
"Pumili ka nang isa." Nagtaka ko nang sinabi niya iyon. Seryoso ang kanyang mukha. Bakit ko naman sila pagpipilian? Kung pupwede ko naman silang puntahan.
"I-isa?" Ngumiti si Marcaux at tumango. Ang tatlong ilaw kanina ay naging apat na, nakatutok ang isa kay Marcaux.
"Isa lang Allyna. Kapag pinili mo si Raiku, mawawala ang baby. Kapag ang baby naman, babalik ka ulit sa pagiging lalaki." Muli kong tinignan ang aming baby at si Raiku. Pareho na silang malungkot.
"Bakit isa lang?" Naglakad si Marcaux sa harapan ng aming baby at kinarga ito.
"Allyna, sa buhay hindi pupwedeng sabay. Isa lang ang dapat ipagkaloob sa isang tao. One is enough, two is too much. Nung nabubuhay pa ako. Mahilig akong kumuha ng dalawang bagay. Pero tignan mo naman ngayon? Wala na ako. Hindi masayang namatay dahil mali ang pinili ko. At isa pa Allyna, kapag pumili ka, siguraduhin mong dun ka sasaya. Wag kang pipili ng bagay na gusto mo lang. Magsisisi ka sa huli." Nilapag niya ulit ang baby at unti-unti na siya nawala sa aking paningin. Bakit ganito? Bakit kailangan ko pang pumili? Pupwede namang sabay hindi ba?
Hahakbang na sana ako. Nang biglang lumiwanag ang paligid.
"ANG BABY KO!!" Naalimpungatan ako bigla. Panaginip lang pala. Buti nalang.
Nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Marcaux kaya napaupo ako at napaatras. Nasa kwarto na pala ako. Walang ibang tao. Kaming dalawa lang ni Marcaux.
"Si Raiku??" Nang tanungin ko iyon. Bigla nalang siyang tumayo at may kung anong kinuha mula sa table. Nang bumalik siya ay inabot niya sa akin ang salamin. Nanlumo ako nang makitang nasa katawan na naman ako ni Raiku.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Paano nalang ang baby ko?
Napatingin ako sa aking tiyan at kinapa ito. Parang walang pinagbago. Parang may laman pa rin ang sinapupunan ko. Nakaumbok pa rin ito at may kung anong gumagalaw sa loob.
"Si baby, sumisipa." Kinuha ko ang kamay ni Marcaux at ngumiti. Himala ito. Paano nagawang mabuhay ng anak namin sa tiyan ng lalaki?
Ngumiti naman si Marcaux at niyakap ako sa tuwa. Walang tigil sa pagsipa ang bata sa aking tiyan.. May kalakasan kaya medyo masakit ito.
"Raiku, akala ko hindi ka na magigising pa. Dalawang linggo ka na kasing walangmalay at ang taas pa nang lagnat mo." Bulong ni Marcaux habang mahigpit na yumayakap sa akin. Mabuti nalang at pareho kaming maayos ni Baby.
"Marcaux si baby naiipit." Bigla naman niyang niluwagan ang kaniyang yakap at hinalikan ang aking tiyan. Natatawa naman siya habang ginagawa ito. Hanggang sa magpagulong-gulong na siya kakatawa. Nakakapagtaka. Ano naman kayang tinatawa nito? Samantalang kanina, alalang-alala ang mukha.
"Naisip ko lang, Saan naman kaya lalabas ang bata? HAHAHA!!" Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun. OO nga naman. Pero wala akong paki. Basta buhay ang anak ko. Kahit sa bunganga ko pa lumabas ayos lang. Bahala na yung mga doktor ang mamroblema niyan. Diba baby?
Bwisit kasi! Atat naman. Hindi manlang hinintay makapanganak ako? Kailangan talagang habang nagbubuntis ako. Paano nalang yan? May maniniwala kayang buntis ako kapag sinugod ako sa ospital?
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasyA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...