CHAPTER 28 : FIXING DAMAGES

695 28 0
                                    

-+

CHAPTER 28 : FIXING DAMAGES.

ILANG ARAW NA RIN AKONG NAGHIHINTAY SA MGA MANGYAYARI. Ilang araw na ring nagpapanggap sina Kent at Domino sa harap ng grupo. Maging si Marcaux na nasa katawan ni Domino ay napipilitang makisama sa grupo. Mas madalas na kaming nagaaway dahil sa mga bagay na pinagseselosan niya. Patuloy pa ring dumidikit si Domino sa akin. Pero dahil sa naganap sa aming pagpapalit. Nalaman kong mas may gusto siya kay Kent. Siguro nga hindi niya napapansin dahil natatakpan ng kanilang pagkakaibigan ang kanyang nararamdaman.

Si Kent naman ay napansin kong naiilang sa akin. Simula nang sabihin ko sakanya ang dahilan ng aming pagpapalit ay parang nanlamig siya kay Domino. Matagal na palang may gusto sa akin si Kent. Pero hindi niya magawang makaporma dahil nirerespeto niya ang pagkakaibigan nila. Nalaman din niya ang katotohanang mas mahal siya Domino kaysa sa akin. Noong una'y hindi siya makapaniwala.. akala niya nga isang malaking joke ang lahat pero ang sabi ko'y subukan niyang buksan ang loob niya. Tanggap niya ang katotohanang hanggang magkaibigan lang kami. Hanggang ngayon kasi nalilito pa rin ako at hindi ko alam kung napamahal na ako kay Marcaux.

Nagthird place ang DNA sa Battle of the Bands. Nalaman na rin ng buong school na ako ang sinusuyo ni Domino at isang problema na naman para sa amin.

Boys school ang St. Manuel at dahil puro lalaki ang mga tao dito mali para sa isang estudyante ang bumuo ng relasyon sa kapwa kaklase.

Nakarating din ito sa mga teachers. Ang ibang guro ay nanatiling tahimik habang ang iba naman ay natuwa pa sa mga nangyari. Si Krin, ah este si Sir lagi nalang ako pinagtitripan. Ang akala kasi ng lahat ako si Marcaux at si Kent ay ako kaya si Kent ang nakakatanggap ng matinding pangtitrip.

Sinubukan ko nang kausapin si Marcaux sa mga gusto niyang mangyari sa amin. Wala naman akong nakuhang matinong sagot. Lagi nalang niyang sinasabing huwag namin intindihin ang mga tao. Hanggang ngayon pinapahirapan ko pa rin si Marcaux. Pinagtitripan ko lang naman siya kung susuko. Pero matibay ang loko.

Si Kent ang kasama ko ngayon sa kwarto. Si Domino naman at Marcaux ang magkasama. Ang panakot ko sakanila'y "Hanggat hindi sila nagbabati, hindi siya makakapasok sa kwarto namin." Nabawasan na ang kanyang kasungitan yun nga lang seloso pa rin at moody.

Simula nang magpalit ang aming katawan si na ako kinakausap ni Mr. Sy. Nginingitian niya lang ako. Ano namang meaning ng ngiting yun? Nangiinis ba siya?

Lumipas pa ang ilang araw. Nahuli ng grupo na ninakawan ako ng halik ni Marcaux. Pero dahil nasa katawan ako ni Marcaux at ang tunay na Marcaux ay nasa katawan ni Domino, inakala nilang may relasyon si Marcaux at Domino. HAHA! Hindi sila makaget over. Lalong lalo na si Marcaux na napalapit na rin sa grupo ay nabubuwang na sa pangungulit nila Kuya Quantum.

Sinubukan naming ipaliwanag sakanila ang pagpapalit na nangyayari sa amin. Pero hindi sila naniwala. Ang akala nila'y nagkaisa kaming gumawa ng isang malaking joke.

Sa tingin ko napabuti ang mga nangyari sa amin. Nagkabati rin si Marcaux at Domino. Pero may mga oras na nagaaway talaga sila. Nasabi ko na rin kay Domino ang dahilan ng aming pagpapalit. Pinaliwanag ko sakanyang hindi ako ang dapat niyang suyuin kundi si Kent. Simula nun ay parang banggag na siya. Ang layo lagi ng iniisip. Kung minsan, nakatingin lang siya kay Kent at nakangiti.

Lumipas pa ang mga araw. Sa palagay ko'y lumipas na ang mga usap usapan tungkol sa amin ni Domino. Malinaw na rin sa grupo na si Kent ang gusto ni Domino at ako para sa mahal kong Marcaux. Oo! Mahal kong Marcaux. Pero hindi pa kami. Wag muna. Baka kasi ibakuran ako ng bipolar na ito eh.

Ang lahat ng mga magugulong bagay ay nasa ayos na. Ngayon ang kabilugan ng buwan ay nararamdaman ko ang pagbabalik namin sa normal.

-+

AUTHOR'S NOTE ::

READERS, salamat po sa walang sawang paghihintay sa mga updates ng tales. Salamat din po sa pagbabasa ng mga kalokohan ko. Kahit na hindi ko sineryoso ang bawat chapters nito naniwala pa rin po kayo.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon