CHAPTER 47 : MAYBE THE END?

564 20 1
                                    

-+

CHAPTER 47 : MAYBE THE END?

KAWAWA NAMAN ANG BABY NAMIN. Kung kelan pa siya dumating dun pa nagkaroon ng patong-patong na problema. Naiistress na ang daddy Raiku mo, baby. Kasi naman nagsimula nang lumubha ang sakit ni Mr. Sy. Ibig sabihin din noon, may 100% na bumalik ako sa pagiging Raiku at siya bilang Marcaux. Actually, ang katawan ni Marcaux ay pinafreeze ni Mr. Sy dahil alam na niyang mangyayari ito. Patay na kasi ang totoong may-ari ng katawan kaya wala nang pwedeng magalaga sa katawang yun. Kapag nagkataong namatay si Mr. Sy.. Habang buhay na kami ni Raiku na babalik sa dati. Magiging lalaki na ulit ako.

Alam mo baby, di ko naman problema ang katawan na yun eh. Maging lalaki o babae ako ayos lang. Kaso, iniisip ka namin baby. Paano ka mabubuhay? Wala namang vagina ang lalaki. Hindi naman ako papayag na mawala ka. Naghirap ang daddy mo sa paggawa sayo. Katakot takot na pagpipilit ang ginawa niya sa akin. Alam mo ba nung unang beses na nalaman kong mommy na ako, sobrang natuwa ako. Nakita ko kasi ang mga ngiti sa daddy mo. Oo, napapatawa ko siya.. Pero ibang-iba yung saya niya nung ibinalita kita. Halos tumambling na siya sa sobrang saya. Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan maging matibay. Ikaw nalang ang katibayan na kahit minsan ay naging babae ako. Kailangan kang mabuhay. Maaasahan ko ba baby na magpapakatibay ka?

Naramdaman ko ang pagsipa ng baby ko. Ilang buwan na rin ang lumipas. At sa ilang buwan na yun? Walang sinayang na panahon si Raiku. Inayos niya ang aming kasal. Ang sabi ko nga sakanya, simple nalang eh. Pero ewan ko ba. Ayaw niyang pumayag. Baka huling kasal na raw namin ito bilang lalakit babae kaya lulubusin na niya. Nakakalungkot. Si Keito lang ang nandito. Sayang at wala na ang tinurin kong pangalawang ama. Sayang din at di ko manlang naimbita ang pamilya na nagampon sa akin. Ang alam kasi nila ay patay na ako. Sayang. Ang dami kong pinagsisisihan. Sana, bago ako mabigyan ng pangalawang buhay naisip ko silang pasalamatan. Yakapin at sabihan nang "Kahit kailan di ko kayo malilimutan." Pero ganoon talaga ang buhay. Kailangan kong tanggapin ang nilalakaran kong kapalaran.

At ngayon.. Ang paglalakad sa gitna ng simbahan, papunta sa altar at kay Raiku. Dala-dala ang malaki kong ngiti. Habang pinapanood ako ng mga tao. Dapat manatili akong masaya. Ayokong umiyak sa araw ng kasal ko. Sayang effort nung make-up artist. Mahal ang bayad. Sayang din ang mga puting rosas na nasa gilid ng aking nilalakaran. Ang halimuyak na dala ng tagumpay. Ang ngiti sa labi ni Raiku. Ang tindig niyang di matawaran.

Sa paghawak niya sa aking kamay. Dama ko ang kanyang panlalamig, kaba, at pag-ibig niya para sa akin. Salamat at sa pangalawang buhay ko ay nakatagpo ako ng isang tulad niya. Masasabi kong masarap magmahal ng abnormal.. May magpapatawa sayo, papakilig, magpapaiyak, at may iiwan sayong mga salita na sakanya mo lang maririnig.

Isang matamis na "I do." ang narinig ko mula sakanya. Tanda na hindi siya nagaalinlangan. Totoo at di na magbabago pa ang kanyang nararamdaman. Salamat. Hindi lang dahil binigyan mo ako ng pagasa. Pero dahil binigyan mo nang katuparan ang pangarap ko na magkaroon ng isang matatag at buong pamilya. Wag na wag kang magbabago Raiku.

Natapos ang seremonya ang simpleng handaan ay inayos nalang namin sa bahay. Tutal kaunti lang naman ang bisita. Mga katrabaho ni Raiku sa kanyang kompanya at ang kabatch namin noon sa St. Manuel. Sayang at wala si Mr. Sy. Gustong-gusto pa naman niyang makita ang kasal ko.

"Hello?" Sinagot ko ang tawag mula kay Mr. Sy. Parang kani-kani lang iniisip ko siya. Ngayon tumatawag na agad.

"Im happy for you Allyna." Masayang bati niya sa akin kahit na hirap iyang magsalita dahil sa kanyang pagubo.

"Salamat din po at Welcome." Kahit na wala siya sa harap ko napapangiti ako. Kung sana lang, nakikita niya ang ngiti ko ngayon.

"Allyna, gusto ko lang ipaalala.. Hindi na ako magtatagal. Ihanda mo na ang sarili mo para sa muling pagbabago ng iyong katawan." Nawala ang ngiti ko sa sinabing yun ni Mr. Sy. Hindi na ba talaga niya kaya? Bawal bang magextend? Isang buwan nalang at manganganak na ako. Sana naman kayanin niya muna.

"Sir naman. Kaya mo pa yan. Masamang damo ka diba?" Natawa si Sir sa sinabi ko. Alam kong napapaluha na siya. Ang malokong principal ng St. Manuel na minahal ko na rin.

"Ang totoo niyan Allyna, kahit gaano pa ako magpakatatag kung oras ko na talaga, wala na akong magagawa." Napaluha ako ng mawala ang kuneksyon namin ni Mr. Sy. Naghalong kaba, lungkot, takot ang nararamdaman ko. Wala na siya. Siguro ngayon ay patungo na siya ng langit.

Unti-unti nang nanlabo ang aking paningin. Para bang nanlambot ang katawan ko at di na makatayo ng maayos. Nagsimula na akong maghabol ng hininga at mawalan ng malay.

Ang huling natatandaan ko sa mga nangyari ay ang mga sigaw ng mga taong nakapaligid sa akin. At ang pagsalo sa katawan ko ni Raiku.

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon