CHAPTER 13 : KNIFE.

1K 35 0
                                    

AUTHOR'S NOTE :

This Chapter contains sensuality. 13 is not suitable for all readers.

-+

CHAPTER 13 : KNIFE.

KAKAGAT NA ANG DILIM. Mag-isa pa rin ako sa kwarto. San na kaya nagpunta si Marcaux? Hindi kaya, nag-iisip siya ng paraan kung paano ako papatayin?

Hindi na talaga mawala sa utak ko ang mga nangyari. Hindi ko akalaing dito, sa St. Manuel, mangyayari ang kinakatakutan ko. Hindi ko rin naman akalain magiging marahas ang pagkawala ko.

At isa pang pinagtatakahan ko. Ang ugaling pinakita ng totoong Rainku. Bakit parang may Bipolar ang taong yun? May saltik na at lutang ang utak. Parang taliwas ang lahat ng inakala ko tungkol sakanya. Ang alam ko talaga, isang matino at kagalang-galang ang tunay na Rainku. Masungit pero may kabaitan. Kanina, lahat ng pinakita niya, taliwas eh. Ugaling exconvict. Wala manlang pasentabi. Yung iba nga makikipagkilala muna at makikipagkaibigan bago nila patayin. Eh siya? Walangyaan! Diretsahang sinabing papatayin niya ako.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Naisipan kong magshower muna. Nang sa ganun ay, mahimasmasan ang utak ko.

SA BATHROOM, Habang nagtatanggal ako ng damit. May biglaang pumasok sa pintuan. Kinikilabutan na naman ako. Kaya nagmadali akong isuot ang bathrobe.

Si Marcaux ang pumasok. Nakalimutan ko palang ilock ang pintuan ng Bathroom. Malungkot siyang tumingin sa akin. Halatadong problemado ang mukha. Maya-maya pa'y naglakad papunta sa bowl at sumuka. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan. Natatakot akong gumawa ng aking galaw. Lasing si Marcaux. Naamoy ko ang pinaghalong amoy ng pabango at inuming may katapangan.

Paano naman kaya siya nakalabas? Hindi bat pinagbabawal ang paglabas ng walang paalam? Kung hindi man siya lumabas. Paano siya nakapagpuslit ng mga inumin. Pinagbabawal ang alcohol at cigarettes dito sa school. San naman kaya galing ang taong ito? Ano naman kayang trip niya kaya siya uminom. Hindi kaya, uminom siya para magkaroon ng lakas ng loob na patayin ako? Wag naman sana. Wag ngayon.

Napaatras ako ng kaunti. Napatingin naman siya sa akin kaya natakot na naman ako.

"Raiku?" Tumayo siya. Humakbang papunta sa akin. Pero isang hakbang pa lang ay bumagsak na siya. Maya-maya'y tumayo ulit. Nakatingin pa rin sa akin. Hahakbang pa ulit sana, kaya lang hindi na kinaya ng nanlalambot na ang katawan niya. Kamuntikan na siyang bumagsak sa lapag. Mabuti nalang ay nasalo ko.

"Tuh-lung-ngan moh ngah ako pumunta rohon." Tiniro niya ang faucet ng hindi nakatingin. Nakasandal ang katawan niya sa akin. Inalalayan ko naman siya. Mga ilang hakbang at nasa faucet na siya. Nasa likod niya lang ako. Hawak-hawak niya ang braso ko. Madiin ang kanyang pagkakahawak. Parang sa katawan ko siya nakadepende.

Bumitaw siya at humarap sa faucet. Kamuntikan na siyang matumba mabuti nalang nahawakan ko agad siya sa beywang. Marami ata ang nainom ng taong to kaya hindi na niya kinaya. Naghihilamos siya ng mukha habang hawak ko ang kanyang bewang. Nagawa pa ngang magtooth-brush ng loko.

"Ayos ka lang ba diyan?" Pagtatanong niya. Habang nakasalpak ang brush sa kanyang bibig. Ako pa talaga ang tinanong kung ayos lang talaga ko. Ehh siya kaya? Ayos lang!?

Matapos yun. Humarap siya sa akin. Magkasingtangkaran lang kami. Binitiwan ko ang kanyang bewang pero humawak siya sa mga balikat ko. Diretso na ang kanyang tingin. Nakakatakot na ulit. Parang may masama na naman siyang intensyon.

"Ganyan pala ako matakot? Natutuwa naman ako at nakikita ko ang dating katawan ko ngayon." Bumababa ang kamay niya patungo sa braso ko. Humakbang naman ako ng isa patalikod dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon