-+
CHAPTER 41 : BOTH OF US.
I MISSED ST. MANUEL SO MUCH. Lalo na ang grupo na pinakilala sa akin ni Raiku. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng mga kaibigang mapagkukwentuhan ng mga karanasan ko. Nagkaron ako ng mga kaibigang handang makinig sa akin at kaya akong patawanin.
Nagpapasalamat ako sa tadhana dahil nakilala ko si Raiku. Kahit na dumanas ako ng mga pasakit at kalungkutan, hindi siya nawala sa tabi ko. Ilang beses na niyang tinangka akong iwan. Pero di niya magawa. Patuloy pa rin siya sa pagsasabi sa akin ng mga salitang nagpapaligaya sa akin. Kasama ko siya lagi sa hirap at kahit na minsan lang namin maranasan ang kasiyahan patuloy pa rin kaming nagtutulungan.
Kapag nakikita ko si Raiku na masaya, sumasaya na rin ako. Kapag malungkot siya doble din ang sakit na bumabalik sa akin. Siguro nga yun ang naibibigay ng love. Love is undefined. Timeless, rude but sweet. Kailangan mo munang maranasan ang lahat ng pain bago ka sumaya. Kailangan mo munang dumaan sa napakaraming challenges bago ka magtagumpay. Ika nga nila, kailangan mo munang mahakbangan ang unang palapag bago ang ikalawa. Ang mga taong sumusubok masaktan lang ang nakakaranas ng totoong pagmamahal. Kung mahina ka, magdurusa ka lagi dahil sa kahinaan mo.
Once there was a man who couldnt find the meaning of love. Nang nakilala niya ang isang taong sumusubok sa kalakasan niya, natakot siya. Pero patuloy pa ring lumaban. Hanggang sa napagtagumpayan niya ang taong sumusubok sakanya. Ang premyo pala ay love at happiness. Kaso hindi nagtatagal yun. May hangganan ang lahat. May expiration date, ending. Nasayo nalang kung paano mo pahahabain ang happily ever after niyo. Totoong parang fairytale ang buhay. May knight, may magic at may love.
Dahil sa prinsesa ko nagbago ang buhay ko. How I wish na isa na talaga siyang prinsesa. Hindi na isang barakong lalaki na mas cute, hunk, gwapo at mas makalaglag underwear pa sa akin. Nakakahiya mang aminin pero-- oo. Mahal na mahal ko siya. Naniniwala naman akong mahal niya rin ako. Love is trust diba? Hanggat naniniwala ka, mangyayari iyon.
"Marcaux, look! I m finished writing my first story." Tuwang-tuwa si Raiku na ipakita sa akin ang kanyang first novel. Nagtatatalon siya sa tuwa at halos umabot ang ngiti sa tenga.
"Hmm? Eh saan naman yan tungkol?" Binaba ko ang notebook na binabasa ko at tumingin nang nakangiti kay Raiku.
"Tungkol sa atin." Really? Nagning-ning ang mata ko at binasa ko ang istorya.
"Great!" Yakap-yakap ako ni Raiku habang binabasa ko ang sinulat niya. Nakangiti kami pareho at hawak-hawak niya ang aking kamay.
Akala ko katulad din kami ng ibang fairytales. Natatapos ang lahat kapag happily ever after na. Yun pala..
Mahaba-haba pa ang aming storya...
Nakita naming umalis ng St. Manuel si kuya Quantum. Grumaduate siya ng may flying colors. Valedictorian ang aming kuya. After two years naman sumunod ang malokong si Marcaux, Xand at si Yhan-yhan. Ang huling tugtog ng DNA band. Ang farewell ng kanilang banda. Matapos naman ang isang taon.
Nakangiti kami ni Raiku na gagraduate. Kasabay namin si Kent at Marion. Ang matalino kong Honey Pie na si Rainku ay Honorable Mention. At syempre ang matalino at gwapong-gwapo niyang husband, ako yun, ay salutatorian. Akala ko nga pagkatapos ng graduation iiwan na namin ang St. Manuel. Yun pala hindi pa. May isang bagay pa kaming dapat gawin. May isang bagay pang dapat mangyari.
Oo. Totoo nga na lahat ng estudyanteng nakakagraduate sa St. Manuel ay masaya. Bukod sa kaligayahang binibigay ng diploma ay nagagawa din ng St. Manuel na ibigay ang nakatadhana sa amin. Siguro dahil mayron kaming baliw at matulungin Dr. Sy na Principal ng school. Sabihin nalang natin na isa siyang magician na nagpapaligaya ng mga estudyante dito sa school.
![](https://img.wattpad.com/cover/3668367-288-k427232.jpg)
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasyA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...