-+
CHAPTER 19 : CUTS LIKE A KNIFE.
ISANG LALAKI ANG NAKAHAWAK SA AKING MGA KAMAY. Naabutan ko nalang ang aking sariling nakahiga sa isang madilim na damuhan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Tinaas niya ang magkabila kong kamay. Madiin ang kanyang pagkakahawak. Ang mga hita ko'y inipit niya ng kanyang katawan. Pinusasan niya ang magkabila kong kamay at nanatiling mas mataas sa aking ulunan. Humigpit ang hawak ng kanyang kamay sa kaliwa kong braso. Habang ang isa niyang kamay ay nilagay sa kanyang likuran at maya-maya ay humugot ng matulis na patalim. Kumikinang sa puti ang patalim. Nagbibigay ng kaunting liwanag ang mga talim nito. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo. Inilapit niya ang patalim sa aking leeg at sabay sinabing, "Paalam Allyna!" Nakikilala ko ang boses na iyon! Si Marcaux yun. Ang tunay na Rainku Fukunaga. Siya ang nagdiin ng patalim sa aking leeg at gumuhit ng pahalang. Wala na akong naramdaman. Namanhid ako. Napansin ko na lang ang dugong tumagas mula sa akin. DUGO! DUGO!
"DUGO!!!!!" Napasigaw ako at napatayo sa pagkakahiga. Panaginip lang pala. Salamat! Panaginip lang. Buhay pa ako. Humihinga, walang galos at maayos ang kalagayan. Huminga ako ng malalim. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Parang nawalan ako panandalian ng hininga.
"Ayos ka lang?" Lumabas ng comfort room si Marcaux. Medyo basa pa ang buhok at tanging twalya lang ang nagtatakip sakanyang katawan. "Ayos lang." Medyo kinakabahan kong sagot. "Namumutla ka ah. May sakit ka ba?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang leeg ko. *PAALAM ALLYNA!* Sa paghawak niyang yun, nagflashback ang panaginip ko kaya hindi ko sinasadyang mapalo ng malakas ang kanyang kamay at maihagis palayo sa akin. Umatras ako ng kaunti at kinilabutan. Nanlamig ang buo kong katawan. Sa pagaakala kong papatayin ako ni Marcaux, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Bakit Raiku?" Tinago niya sa likod ang kanyang magkabilang kamay. Nagflashback na naman sa utak ko ang pagkuha ng patalim. Kaya napahiga ako at nagtalukbong ng kumot. "Raiku? Raiku?" Naririnig kong parang nagpanic si Marcaux. Naramdaman ko ang pagupo niya sa higaan. Kinapa niya ang magkabila kong braso at tinanggal ang kumot. Nang maaninag ko ang kanyang mukha, hindi ko mapigilang mapaiyak sa takot. Pakiramdam ko ay papatayin ako ni Marcaux. Namaluktot ako. Yakap-yakap ang aking tuhod at patuloy sa pag-iyak.
"Raiku?" Hinagod ni Marcaux ang aking likuran. "WAG MO AKONG HAWAKAN!" Di sinasadyang masigawan ko siya. Buong-buo ang aking boses. Naghalong takot at galit. Tumayo siya sa pagkakaupo. Gulat na gulat at hindi alam ang gagawin. Napaatras siya sa pader at napaupo sa takot. Maya-maya pa'y pumasok si Dad sa kwarto. Parang nagmamadali. Naabutan niya akong umiiyak at si Marcaux naman ay parang tulala at gulat pa rin.
"Anung nangyari Raiku?" Hinihingal si Dad. Malamang ay tumakbo siya papunta sa aking kwarto. Narinig marahil niya ang sigaw ko.
Walang sumagot kay Dad. Kaya lumapit sa akin si Dad at niyakap nalang ako. Without knowing kung ano pa rin ang nangyari. "Shhsss... stop crying."
TANGHALIAN NA.. Mula kanina ay tulala lang ako. Para bang lumilipad ang utak ko. Pakiramdam ko pa rin talaga may papatay sa akin. Nasa sala kami. Si Dad, nakaakbay lang sa akin habang kausap niya si Marcaux. Kinuwento ni Marcaux ang mga nangyari kanina. Nakikinig lang ako at dumidistanya kay Marcaux. Kapag tumitingin siya sa akin ay tinititgan ko siya ng masama. Pakiramdam ko talaga, papatayin ako ng taong to.
"Raiku? Anung problema?" Bulong ni Dad sa akin. Pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa mga kamay ni Marcaux ng masama. "Eito, iwan niyo muna kami ni Raiku." Nagnod si Eito at hinila niya si Marcaux. Napapansin kong nalilito na si Eito sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung anung mga dahilan para magkaganito ako. Miski si Dad. Parang pinagdudahan niya ang kinuwento ni Marcaux.
"Bakit Rainku?" Hinawakan ni Dad ang mukha ko at hinarap ito sakanya. Ngayon ko lang narinig ang pagtawag ni Dad ng buo sa aking pangalan. "Sumagot ka." Hindi ko maintindihan ang reaksyon na yun ni Dad. "Dad, na--naginip po ako." Mas lalong nalito si Dad. "And then?" Kinuwento ko ang buong pangyayari sa panaginip ko. Lahat-lahat. "Dad, natatakot ako." Lumungkot ang itsura ni Dad. "Panaginip lang yan Raiku. Panaginip lang." Nawala ang worries sa mukha ni Dad. Parang sumigla muli ang kanya mukha. Kung alam mo lang Dad. Nagawa na akong takutin ni Marcaux ng patalim. At sa palagay ko, hindi malayong ituloy niya yun ngayon. Maari niya akong patayin kung kelan niya gusto. Mdlamang ay ginamit niya lang ang pakikipagkaibigan at ang nararamdaman niya kunwari nang sa ganun ay mas madali niya akong tapusin.
Tumayo si Dad at hinanap sina Eito. Pakiramdam ko nabunutan na ng tinik si Dad. Ang tinik na nagpalito sakanya. Pero ako, wala pa rin sa huwisyo. Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa akin. Bigla nalang akong kinakabahan ng walang dahilan. Para bang nagkaroon ako ng human phobia.
"Raiku," Nasa kwarto ako at nakatingin sa bintana. Nakatalikod kay Marcaux habang nagsasalita. "Im sorry kung may nagawa man akong masama sayo." "Marcaux, papatayin mo ba ko?" Humarap ako sakanya at sumandal sa bintana. "Raiku, hindi. Hindi ko gagawin yun." Lumapit siya sa akin. "Diyan ka lang. Wag kang lalapit." Tuluyan pa rin siyang lumapit kaya napaupo ako at pumikit. "Raiku, hinding-hindi ko gagawin sa iyo yun." Niyakap niya ako. Nararamdaman ko kahit na nakapikit ako at naninigas na sa takot dahil baka kung ano nang gawin niya. "Marcaux, kung papatayin mo ako. Sana wag mo akong pahirapan. Marcaux, maawa ka. Marcaux wag mo muna akong patayin wag ngayon." Tumulo na naman ang luha ko. Nagmamakaawa sakanya. I dont want to die today. "Raiku, Im not gonna hurt you." "Marcaux, ibibigay ko ang katawan ko wag mo lang akong patayin. Please." Sinimulan kong i-unbotton ang polo ko. Pero pilit niya itong sinasara. "Raiku, calm down. Hindi kita papatayin. Trust me. Hindi." Umupo siya ng maayos at sinandal ang aking katawan sakanya. Hiniga ang aking ulo sa kanyang balikat. Hinahagod niya ang aking likod. Parang isa akong batang pilit niyang pinapatulog. Unti-unti akong napapikit. Marahil siguro sa pagod ng aking mata kakaiyak. Kakaiyak sa takot.
Nagising akong nakahiga na sa aking higaan. Si Marcaux naman ay nasa tabi ko pa rin at pinapanuod ako. "Ayos kana?" Nagnod ako. Niyakap niya ako. At hinawakan ang kamay ko. "Raiku, mauuna akong mawala bago ka. Tandaan mo yan." Tumayo na siya at ngumiti.
Nang hapon na rin na yun. Kinausap ako ni Dad. Tinanong niya kung ayos na ako. Pinayuhang wag matakot kay Marcaux. To trust him again. Nararamdaman niya raw na si Marcaux ay mabuting kaibigan para sa akin. And that night, hinatid na kami pabalik ng St. Manuel.
Ang araw na ito para sa akin ay parang kababalaghan. Parang fairytale ang mga nangyayari sa akin simula nang mabigyan ako ng bagong buhay. Hindi ko alam kung sino ang kalaban ko sa sarili kong storya. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko. Kung minsan, kinakalaban ako ng sarili ko. Minsan naman, gumagawa ako ng mga hakbang na wala akong kamalay-malay kung tama o mali. Araw-araw ay pagsubok. Laging climax ang dumarating. Kailan kaya magwawakas ang storya ko bilang Raiku?
Walang may alam.
-+
AUTHOR's NOTE ::
Medyo malalate na ako magupdate. Marami po kasing schoolworks.
And guys, salamat sa support.
Dont forget to vote. Or leave your comments.
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasíaA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...
