CHAPTER 40 : PAIN.

494 24 2
                                    

 -+

 CHAPTER 40 : PAIN.

 NAILIBING NA SI DAD. Halos maubusan ako ng luha dahil sa walang sawang pag-iyak. Hindi ko mapigilang magalit sa Yagashita ganun din sa Kanagawa. Kahit na napataob na ang kanilang angkan ay may namumuong galit pa rin sa akin. Mahapdi pa rin ang ginawa nila kay Dad. Hindi manlang ako nakapagsorry sakanya. Hindi ko manlang nasabing mahal ko siya. Hindi ko manlang nasabi sakanyang nakita ko na ang taong mamahalin ko.

 Marami akong pinagsisihan. Marami pa akong gustong gawin kasama si Dad. Hindi pa natutupad ang pangarap niya para sa akin.

 "Marcaux?" Raiku wipe off my tears. Humarap siya sa akin ng may punong-puno na pagaalala.

 "Okay lang ako."  Pagsisinungaling ko sakanya. Pero ang totoo niyan. Gigil ako sa galit. Naguusok ako.

 Nakaupo kaming tatlo ni Keito at Raiku sa harap ng puntod ni Dad. Kausap ni Keito ang puntod ni Dad at wala pa ring tigil sa pagiyak. Pilit niyang pinapatayo si Dad sa hukay. Ramdam ko ang galit na namumuo kay Keito. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit nang ganito. Masama ang loob niya kahit na linggo na ang nakakalipas.

 Nakausap namin ang lawyer ni Dad. Ang shares ni Dad sa kompanya ay mapupunta kay Raiku at Keito. Sa pagaakala ng lawyer ni Dad na siya ang tunay na Raiku.

 Si Raiku Fukunaga, ang bagong Vice President ng MAGNIFICO CORP.

 Lumipat na rin kami ng bahay at bumili ng bagong lupa.Bumalik na rin kami ni Raiku sa St. Manuel. Si Keito naman ay ipinasok na rin namin sa isang school for boys.

 Kahit na mahirap ang pagbabagong ito. Kakayanin namin.

 Magsisimula kami ulit ng bagong buhay. Bagong buhay at di na ulit babalikan ang nakaraan. Hindi na mauulit ang mga pangyayaring ito. Pangako.

 Lalo na ngayong ...

 ALAM KO NA LAHAT ANG KATOTOHANAN.

 na ang KANAGAWA ANG NASA LIKOD NG LAHAT.

 Ang inakala kong mapagkakatiwalaan na PAMILYANG KANAGAWA, akala ko pa naman tinurin akong anak ni Juniji. Hindi pala! Ginamit niya lang ako para makuha ang yaman ng Yagashita. Hindi totoo na papatayin nila si Rainku. Hindi totoong masama sila.

 Nakausap ko na ang ina ni Camille. Si Juniji pala ang may kasalanan kung bakit may arrange marriage. Mga tauhan din ni Juniji ang pumupunta sa hospital para sabihin kay Raiku na patay na ako.

 Lahat pala ng mga nangyari sa akin ay dapat isisi kay Juniji. Siya ang may kagagawan ng lahat.

 Siya ang dapat magbayad ng lahat.

 -+

 AUTHORS NOTE :

 PASENSYA NA PO SA SHORT UPDATE ..

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon