CHAPTER 23 : ON THE OTHER SIDE.

752 29 0
                                    

-+

CHAPTER 23 : ON THE OTHER SIDE.

"TUWANG-TUWA KA NAMAN HABANG BINABASA MO YAN?" Out of the blue, bigla nalang nagsalita si Marcaux. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng diary ni Domino. I love its content. Nakakatuwa siya.

"Yup!" Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa binabasa ko.

"Magsama kayo." Natigilan ako sa sinabing yun ni Marcaux.

"OK!" Sinagot ko siya na parang wala lang. Susungitan niya na naman ako? Then fine!

"Wala ka ba talagang pakielam sa nararamdaman ko?" Naisara ko ang notebook na binabasa ko at tumitig ng diretso sakanya.

"Susungitan mo lang naman ako. As expected, nagseselos ka. Wala na namang bago." Nagmadali siyang pumasok sa kwarto at padabog na sinara ang pinto.

"Subukan mong isara yang pintuan. Sa tabi ni Domino ako matutulog." Binuksan niya agad ang pintuan at lumapit siya sa akin.

"What?" Nakakaloko ang mga tingin niyang yun. Parang batang naagawan ng lollipop. "Wag mo akong iwan Raiku." Niyakap niya ako ng mahigpit at pabulong na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. ...

"Raiku?"

"Hmm?"

"I love you." Nakayakap pa rin siya sa akin habang binubulungan ako.

"Raiku?"

"Hmm?"

"I love you."

"Raiku?"

"Hmm?"

"I love you."

Paulit-ulit siya. Parang sirang plaka si Marcaux. Walang tigil.

"Marcaux, you said it a thousand times. Ayos na yun." Pumasok ako ng kwarto. "Raiku, do you feel the same?" Natigilan ako. Parang nasa isang napakahirap na game show ako. Ang hirap sagutin ng tanong na iyon. Pwede bang wag nang sagutin?

"Marcaux, hindi ko pa kaya. Im not yet ready."

"I can wait." Hindi na ako sumagot. Tumayo ako at nagdirediretso palabas ng building. Dumiretso ako sa school garden at doon nagpahangin at liwaliw.

Mabuti pa noong babae pa ako. Maayos ang buhay ko. Masaya ako kahit magisa. Walang mga taong bumubulabog sa akin. Pero simula nang namatay ako't muling nabuhay? Nagulo na ang lahat. Bakit ngayon dumating ang mga bagay na pinangarap ko dati. Kung kailan naman hindi na pwede doon sila dumating. Kung kailan naman masaya na akong magisa at simple ang buhay, doon pa dumating ang mga babago nang buhay ko. Bakit ngayon lang dumating?

"Mr. Fukunaga?" Biglang dumating si Mr. Sy, ang school principal. Nasa kalagitnaan ako ng pageemote ko eh! Hmp!

"Sir? Rainku nalang po." Inalok ko siyang umupo gamit ang hand gestures at naintindihan naman niya. He sits an inch beside me.

"Mukang problemado ang nagiisang prinsesa ng St. Manuel?" Eh?

"Just kidding! I should treat you like a real boy." Nginitian ko siya.

"Anong problema Rain?" He asked me softly.

"Sir. totoo po ang mga sinabi niyo sa aki--"

"The boys love? Haha! Sabi na nga ba. Anung problema dun?" Hindi pa nga ako tapos mukang alam na niya agad ang pinupunto ng sinabi ko.

"Sir, two boys are courting me." Sumimangot ako.

"You're such a pretty boy." The heck! Kanina pa niya ko niloloko ah.

"Sir?"

"Kidding again. Hnm... ano bang masama doon?" I gave him a weird expression.

"Sir, lalaki ako... lalaki NA ako NGAYON." He laugh awkwardly.

"Oh? Masama ba? Kapag ba nagustuhan ka ng dalawang lalaki mamamatay ka? Dont give me such reasons na KASE LALAKI KA NA. Ang tanong dun eh kung may nagugustuhan ka na ba sa dalawa?" Psh! Yung totoo? Principal ba ng school na ito ang kausap ko?

"Sir, hindi ko po alam." He asked me why. And then, kinuwento ko sakanya ang nakaraan ko. Ang storya namin ni Mr. Krin.. at walang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha. Ako pa nga ang nagulat eh. Wala kasi siya reaksyon. Para bang narinig na niya ang kwentong to dati.

"Do you still love him?"

"Hindi na po sir."

"Really?"

"Kapag nakikita ko siya, naiinis pa rin po ako."

"Apektado ka pa rin. Alam mo kailangan mo?"

"Ano po?"

"Love life?" Eh? Ayoko nga muna pumasok sa isang relationship kasi nga magulo pa ang mundo ko ngayon.

"Sir, another joke?"

"Hindi." Mukha ngang seryoso siya. "Rain, pagisipan mo. Kulang ka lang sa inspirasyon." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad. "May meeting pa ko. Rain, see you around." Nagnod ako at tumayo na rin. Pero napaupo ako ng biglaan ng makito ko si Domino.

Anong ginagawa niya dito?

Tumingin ako sa malayo at nagpretend na hindi ko siya nakita.

Pero iniisip ko, BAKIT KAYA SIYA NANDITO?

Naramdaman ko nalang na may kamay na nagtakip sa dalawa kong mga mata. Alam kong kay Domino ang mga kamay na ito. Kaming dalawa lang naman ang tao dito. Wala nang iba.

"Sino to?" Kunwari'y walang alam.

"Hulaan mo." Sweet ang boses niya. Siguro maayos na siya. Nagkaayos na rin kaya sila ni Yvan.

"Domino." Unti-unti niyang binaba ang kanyang kamay. Humarap ako sakanya at napansin kong malaki ang kanyang ngiti.

"Mukang good mood ka na ah. By the way," Inabot ko sakanya ang Diary niya na kanina'y binasa ko ang mga nakasulat. Nagulat siya. Nanlaki ang chinito niyang mata. Naging bilog dahil sa gulat.

"Oh! Crap! Bakit na sa'yo yan?" Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.

"Its okay." Humawak ako sa pisngi niya. "But, Domino, can you wait a little longer?" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I can wait forever." Domino? What if...

forever doesn't exist? How long can the two of you wait?

-+

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon