CHAPTER 32 : DEAD OR ALIVE.

674 29 1
                                    

AUTHORS NOTE :

MARCAUX'S POINT OF VIEW na po ito. Pahinga muna si Rainku!

-+

CHAPTER 32 : DEAD OR ALIVE.

WALA KONG IBANG MAKITA KUNDI ANG KADILIMAN. Naglalakad ako sa gitna ng isang madilim na lugar. Dumilat man o pumikit, parehong kulay lang ang aking nakikita. Walang hangin. Walang maramdamang hanging ang aking balat. Hindi naman mainit o sadyang wala lang akong pandama. Maging ang aking pangamoy. At ang aking mga labi. Hindi ko ito maigalaw. Walang mga boses na lumalabas mula sa akin. Tanging utak lang ang nakakapagisip ng maayos. Pero anong magagawa ko ngayon? Maglakad nalang ng maglakad sa kadiliman. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maging ang tenga ko'y walang marinig.

Sinubukan kong utusan ang aking katawan na tumigil sa paglalakad. Pero hindi ito tumigil. Hindi sumunod ang aking katawan sa naguutos kong utak. Para bang may sariling buhay ang aking katawan. Gumagawa ito ng mga kilos.

Sa patuloy na paglalakad nakadama ako ng kakaibang init. Init na nanggagaling sa aking paanan. Sa aking kinalalakaran. Umaakyat sa aking binti hanggang umabot sa aking mga kamay at kumalat sa buo kong katawan. Ang init! Pasong-paso ako. Unti-unting nagliwanag ang aking paligid. Nagkaroon ng mga sumasayaw na apoy. Nagliliyab ang kinatatayuan ko. Pinapaikutan ako ng matinding init at usok. Parang natutunaw ang aking katawan.

Ang paligid ay unti-unting nagbago. Biglang nagkaroon ng mga taong nagsisitakbuhan dahil sa init ng nanggagaling sa mga nasusunog na pader ang puti ay nagiging pula hanggang sa maging itim. At ang kinauupuan ko, Paano ako napunta sa kinauupuan ko? Kanina lang ay nakatayo ako at naglalakad. Ngayon? Nakaupo na ako sa isang higaang kulay puti. Maging ang aking suot ay puti. Isang hospital gown? Nasaan ba ako? Hospital? Nasa ilalim ng lupa? Nasa langit?

Nasusunog na ang kinauupuan ko. Natutunaw na ang bakal na kinalalagyan ng malambot na higaan na ito. Kinakain na ito ng lupa. Kinakain na ako ng lupa!

Wala na akong magawa. Ang lahat ay nagbabaga na. Wala na akong ibang mapupuntahan kundi ang apoy na ito. Ang apoy na kakain sa aking katawan. Para maging isang abo at mahipan ng hangin sa kung saan.

" Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhaaaaahhhh!!!!" Mangiyak-ngiyak ako sa sakit. Hapdi at sakit ng katawan ang aking nararamdaman. Naibuhos ko ang aking lakas para maisigaw ang sakit at unti-unting pinikit ang aking mga mata.

"MARCAUX! MARCAUX!" Bigla akong napadilat. Napaupo ako ng biglaan. Nanginginig at hingal na hingal. Hinahabol ko ang aking hininga. Napahawak ako ng mariin sa unan na kanina'y hinigaan ko. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Nanginginig ang aking tuhod at parang pagod na pagod sa sobrang lakad.

Napahinto ako sandali ng makahinga na ako ng maayos. Nang napagtanto kong panaginip lang ang lahat ay sumakit bigla ang aking ulo. Parang nilalagari. Parang pilit na hinahati. Ang mga tao na nakapalig sa akin ay nagkagulo ng biglaan akong humawak sa aking ulo at magpagulong-gulong sa aking higaan dahil sa sakit. Pinipigilan ako ng mga nurses. Hinawakan nila ang aking katawan at tinusukan ng kung ano. Maya-maya'y nakaramdam ako ng panglalambot. Nangihina ang buo kong katawan at nawala ang sakit na aking iniinda. Ang huli nakita ko ay ang dextrose tube na may kulay pula. Ang dugo ko marahil ay lumabas dahil sa kalikutan. Lumalabo na ang aking paningin hanggang sa wala na akong maalala.

Nagising ako ng may kalmadong katawan. Ang mga tao na nakatayo malapit sa akin ay nakangiti. Hindi ko sila kilala. Ni isa sa kanila ay hindi ko manlang alam ang pangalan. Lumingon ako sa bandang kanan. Sa di kalayuan ay may isang lalaking nakahiga. Hindi ko rin siya kilala. Pero gaya ko ay nababalot ang katawan niya ng benda. Wala siyang malay. Nakahiga na parang nagdaramdam. Nakasimangot siya at napansin ko ang pagtulo ng kanyang luha. Inosente ang kanyang mukha at sa tingin ko, papunta na sa edad na bente. Nasa isang silid kami na puros puti ang makikitang kulay.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon