-+
CHAPTER 36 : FIRST PLAN.
MAAGA AKONG LUMABAS NG MANSYON para pumunta sa ospital. Dala-dala ko ang takot at kaba habang palabas ako ng bahay. Ang kutsilyong binigay sa akin ni Dad ay nakatago sa aking sapatos. Ramdam na ramdam ko ang tulis habang naglalakad ako.
Bumilis ang kaba ko ng maramdaman ko nang malapit na ako sa hospital. Lalo na nang makita ko ang security guard nito. Todo ang dasal ko habang papalapit ng papalapit sa guard. Nang nasa harapan ko na siya ramdam ko na ang aking sikmura na parang babaliktad dahil sa kaba. Pinagpapawisan ako ng malagakit at nararamdaman ko na namumutla na ako.
"Ayos ka lang sir.?" Napatayo ako ng tuwid ng bigla akong kausapin ng guard. Nagtayuan ang aking mga balahibo sa takot at lumagkit ang pawis na tumutulo sa akin.
"O-opo. Hindi lang po ako nakakain ng agahan kaya nanlalambot ako." Nginitian ko siya at sabay nagdire-diretso papasok ng CR. Hiningal ako. Parang sampung kilometro ang tinakbo ko. Nahimasmasan ako ng kaunti pero di pa rin nawawala ang bilis ng tibok ng aking dibdib. Naghilamos ako ng malamig ng tubig at nagpatangal muna ng kaba bago lumabas ng CR. Paglabas ko nang CR dumiretso na ako sa kwarto ni Rainku. Ang kwarto ko dati.
Nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako. Tanging nurse lang ang nakita ko. Tinitiklop niya ang kumot na kakatanggal lang sa kama na dating hinigaan ni Rainku. Wala si Rainku. Wala sila Kent o Domino dito.
"Nurse, y-yung pasyente na dito. Nakalabas na ba ng ospital?" Humarap sa akin yung nurse ng may malungkot na mukha.
"Sir, yung pasyente po dito. Wala na po siya. Kakamatay lang po kani-kanina lang." Nabato ako sa kinatatayuan ko. Nabibingi na ba ako? Tama ba ang narinig ko? Patay na si Rainku? Wala na siya?
"Patay na siya?" Hawak-hawak ng nurse ang mga kubrikama at nagnod sa akin. Napatakbo naman ako sa labas ng kwarto at doon na nagsimulang tumulo ang aking mga luha.
"Sir, yung pasyente po dito. Wala na po siya. Kakamatay lang po kani-kanina lang."
"Sir, yung pasyente po dito. Wala na po siya. Kakamatay lang po kani-kanina lang."
"Sir, yung pasyente po dito. Wala na po siya. Kakamatay lang po kani-kanina lang."
Paulit-ulit na gumugulo sa utak ko ang mga salitang yun. Tuloy-tuloy ang pagagos ng aking luha.
Bakit kailangan siyang mawala?
Bakit hindi niya manlang ako hinintay?
Hindi niya na ba ko mahal? Bakit siya sumuko agad?
Wala nang dahilan para ituloy ko ang planong ito. Para saan pa? Siya lang naman ang iniisip ko kaya ko gagawin ang karahasang ito. Kaya ako papatay dahil mahal ko siya. Pero wala nang saysay yun ngayon. Wala na namang kwenta ang buhay ko.
Napahinto ako ng biglang tumunog ang door knob ng pintong sinasandalan ko. Ngayon ko lang napansin na sa pinto pala ng kabilang kwarto ako nakasandal. Kaya napatayo ako agad at tumalikod. Pinunasan ko agad ang mga luhang pumapatak mula sa aking pisngi.
"Ken-ken, pleeeaaasssee." Napahinto ako sa pagpupunas ng aking luha nang biglang kong narinig ang isang pamilyar na boses. Nanatili akong nakatalikod at patuloy silang pinakinggan.
"A-yo-ko! Dom-dom wag makulit!" Pamilyar din ang boses na yun. Sigurado akong kay Kent ang boses na yun. Dom-dom ang tawag niya kay Domino at Ken-ken naman ang tawag niya rito. Nang nakalayo na sila humarap na ako. Tama nga ako! Sila Kent at Domino iyon.
"Ken-ken, isang gabi lang." Rinig pa rin ang kanilang boses habang naglalandian.
Pero teka! Bakit sa kabilang kwarto sila lumabas at hindi sa kwartong pinasukan ko kanina? At bakit parang masaya sila? Hindi ba namatay nga si Rainku? Bakit masaya pa sila? Sino namang ipinunta nila sa kwartong ito?
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
FantasiA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...