CHAPTER 10 : SILLY!!

1K 34 6
                                    

-+

 CHAPTER 10 : SILLY!!

 MINABUTI KO NANG UMUWI. Tumitindi na rin ang allergies ko. Tiyak kong tatanungin ni dad kung ano-anong pinaggagawa ko at bakit nagka-allergies ako. Ano naman kaya ang isasagot ko? Hindi ko namang pwedeng sabihin na dumalaw ako kay nanay at sa dati kong katawan. Magtataka yun. Baka isipin pa nung gumagawa ako ng paraan para hindi pumasok bukas.

 BUKAS, ang araw ng pagpasok ko sa St. Manuel. Bukas din, ano kaya ang aabutin ko sa mga lalaki sa paaralang yun? Wag sana nila akong ibully. Wag sana nila akong mapagtripan. Maging maayos sana ang buhay ko sa St. Manuel sa loob ng 4 na taong panunuluyan doon.

 "AaahhhcHoo!" Naunahan pa ako ng bahing. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Isang bahing ang pasalubong ko sakanila.

 "Anong nangyari?" pagbulong ni Eito.

 "Nakalimutan kong bawal ako sa bulaklak." napaface palm si Eito. Natatawa tawa rin siya sa katangahan ko.

 "Kukunin ko lang yung gamot. Umiwas ka kay dad. Baka usisain ka nun." nagnod ako at dumiretso na si Eito.

 Dumiretso na ako ng kwarto. Baka kung ano pa ang maitanong ni Dad kapag nagkita kami.

 "hayy!" Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa.

 "Kumain ka na ba?" napatayo ako sa gulat. Nasa loob pala ng kwarto ko si Dad. Buti at napigilan ko ang sarili ko sa pagtili. Naudlot din ang malatsunami kong pagbahing.

 "Dad naman! Bigla ka nalang nagsasalita." natawa siya.

 "Chineck ko lang kung naayos mo na ang mga gamit para sa pagpasok mo bukas." Umupo ako sa tabi ni Dad.

 "AaahchoOO!" Nagbahingan kami ni Dad. At tumingin siya sa akin na para bang may malaking question mark.

 "San ka galing? Bakit amoy bulaklak--aaChoow!" Patay! Malakas pala ang pang-amoy ni Dad. Ano naman kayang idadahilan ko?

 "Ano kase.... ahh dad, kanina, may nakita kasi kong sobrang gandang bulaklak. Eh, ano... hindi ko napigilan. Hinawakan ko." Kumunot ang ulo ni Dad.

 "Kelan ka pa nahilig sa mga bulaklak?" Hah? Hindi ba ko mahilig?

 "Eh? Kaylangan kasi. May bago kong sinusulat." Ngumiti ako. Yung pekeng ngiting parang tanga lang. Hindi ko na kasi talaga alam ang isasagot ko.

 "Maginternet ka nalang. Kesa hinahawakan mo pa sila. Alam mo namang I HATE ALLERGIES. Lalo na kapag nagkakaron ka. Namamaga ilong mo kakabahing." Eh? Ako! Ampanget naman nun.

 "OP-Choow!" Walang katapusang bahing. Pati si Dad, nadamay ko pa. Katangahan ko kasi. Nakalimutan ko pa.

 After that conversation, sinabihan ako ni Dad na matulog na. Pero hindi ko magawa. Para kasing kinakabahan ako para bukas. Ang dami-daming mga lumilipad sa utak ko. First time ko kasing magschool sa private. At take note, puro boys pa. Jusko! Baka malaman nilang babae ako. Or worst, baka mapagkamalan nila kong bading! Uwah! Nakakahiya.

 "TIK TOK TIK TOK!" Patuloy ang pagtakbo ng orasan. Habang ako naman ay nakatulala at hirap makatulog. Parang may something kasi sa school na yun! Nakakainis!

 I CAN'T SLEEP!

 "12345678910111213141516... ay mali!! 123456..." nakursunadan kong magbilang ng langgam sa kisame. Nakakainis kasi. Mukha akong tanga.

 Nagdesisyon akong tumayo at dumiretso sa PC ko.

 GOOGLE.COM

  ST. MANUEL -> search.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon