Chapter 13

274K 8.4K 3K
                                    

Mutual

"Great job, my boys." Blaze Reifler, the proud father congratulates his triplets. Kahit gumawa ng eksena sa court si Blake ay nanalo rin ang basketball team. Ang banda naman nila Blare ay napansin ng isang malaking record label company at siyempre pasok sa next game ang soccer team nila Blade.

The triplets are good at whatever they do, lalo na kapag mahal nila ang ginagawa, asahan mo na laging panalo. It's really a good first day of Sports festival for everyone.

Except for me, Blake's sudden action earlier confuses me. I still likes him-- no, I still loves him, kinilig ako sa isipin na naghihintay pala ito ng cheer mula sa akin pero may parte sa isipan niya ang disappointed dahil hindi man lang ito kayang sabihin sa maayos na paraan.

"Do you want to celebrate in our home? Magpapaluto ako, what do you wanna eat?" Amanda Reifler, the sweet mother asked us. Bukod sa pagiging maalaga ni Tita Amanda ay lagi kaming welcome sa bahay nila, madalas iyong tambayan ng tropa namin kaya napilitan si tito Blaze nila na magpagawa ng Clubhouse para sa tatlong anak na lalaki, hindi raw kasi nito masolo ang misis dahil laging nay mga tao sa bahay nila.

"It's fine mom, My band will celebrate at 3 kings." Bumeso si Blare sa ina, hindi pa tapos ang battle of the bands at may gig pa sila kinabukasan pero ang magandang balita ay may record label na nakapanood sa performance nila kanina kaya naman malaki ang posibilidad na ma-discover pa lalo ang banda nila.

Walang halong bola, talagang magagaling sila, syempre proud ako sa kakambal ko. He's really passionate about music since then.

"My soccer team, also." Si Blade 'yon, hinalikan niya rin ang ina habang naka-akbay kay Donna.

"Ikaw, Blake? Sabihin niyo agad para makapag-handa tayo." Pasimple kong nilingon si Blake, he's standing behind me. Halos mapasinghap pa ako nang mapansin na sobrang lapit pala ng pagitan naming dalawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at humakbang palayo sa kanya. Goodness, I am out of breath!

My heart keeps on beating differently, iba talaga ang epekto niya sa akin, konting lapit lang ay nagwawala na agad ang sistema ko.

"Where do you want us to celebrate?" Narinig kong tanong ni Blake, hindi ko pinansin ito dahil abala ako sa pagpapakalma sa sarili.

"Bakit si Margaux ang tinatanong mo? Siya ba ang naglaro ng basketb--" nilingon ko si Kirby. Hindi pa ito tapos magreklamo ay binara na agad ito ni Blake.

"Shut up, man." Saad ni Blake, muli ay dumako ang tingin ko sa kanya, nagulat pa ako dahil sa akin pala siya nakatingin. Doon ko lang napagtanto na ako pala ang tinatanong niya.

"Saan mo gusto, Margaux?" Malalim ang titig niya sa akin, his green eyes were so deep that I can drown anytime. Para akong lutang dahil wala akong alam sa nangyayari.

"Huh?" Iyon lamang ang nasabi ko, bakit ako siya ang tinatanong ng mokong, e hindi naman ako ang teammate at hindi ako ang nag-panalo sa laro.

"I'm asking you, where do you want us to go?" Tiningan ko siy, hindi ako nakapaniwala na ako ang pinapagdesisyon niya at kailan pa ba naging importante ang opinyon ko para sa kanya? Inikot ko ang tingin sa paligid, ang basketball team, banda, soccer team at ang magulang ng triplets ay inaabangan ang sagot ko.

'ba teka, question and answer ba 'to sa Miss Universe? Nakaka-pressure!  Idagdag pa ang kakaibang ekspresyon ni Blake habang nakatitig sa akin.

"Sa 3 kings na lang." Mahina kong bulong, Nakakahiya naman kasi na mas piliin ko na sa bahay mag-celebrate kung mas marami ang pupunta sa 3 kings building.

"Okay, that's it. Gusto niyo ba na magpadala ako ng pagkain?" Muling tanong ng tita Amanda  nang naglalakad na kami papunta sa parking lot ng University.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon