Good Game
“What?!” I looked at Blake questionably. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan para pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko sa klase ng pagtitig niya sa akin.
I can feel his hot stares at me, tagos sa kaluluwa ang mga titig na ibinibigay niya. I am not comfortable with it! Naiilang kasi ako sa klase ng tingin niya dahil naninibago ako sa pakikitungo niya sa akin.
Simula nang huminto ang sasakyan niya dahil sa red lights ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan ako na para bang any moment ay tatakasan ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ganito siya tumingin pero mas hindi ko alam kung bakit naiilang ako, hindi nga kami nag-uusap buong biyahe dahil ayaw ko siyang kausapin, mahirap na at baka maging marupok ako. Pinilit kong libangin ang sarili sa pagmamasid ng mga tanawin sa labas ng bintana.
I don’t even know why I don’t have the guts to talk to him, samantalang dati naman ay lagi ko siyang kinukulit at ipinagpipilitan ko ang sarili ko kahit na alam ko namang wala siyang pakialam sa akin.
I think it’s maybe because of what happened the other day, nakasagutan ko si Blake at naglabas ako ng sama ng loob sa kanya; or maybe because I am just doing what Blare said, I am just playing hard.
“We all know you have a great body, Miss,” he said using his baritone and ever arrogant husky voice. I didn’t bother to face him, kunwari ay wala akong naririnig.
I can feel that Blake didn’t break his stares, mas naramdaman ko pa na bumaba ang pagtitig niya sa katawan ko. I gulped when a familiar sensation travelled all over my body, I can feel myself blushing! Oh gosh! Why is he looking at me that way? And did he just compliment my body?
Pasimple kong kinurot ang sarili kong braso para pakalmahin ang sarili, hinga lang, Margaux! Huwag kang magpapadala sa titig at mga papuri ng mokong na ’yan, tandaan mo na red flag siya! Red flag!
Ipinilig ko ang ulo, para na akong nasisiraan ng bait dahil sa pakikipagtalo sa sarili. Bahagya kong sinulyapan si Blake at halos matumba ako sa upuan nang mahuli ko ang naglalaro niyang ngisi habang nakamasid sa akin.
“So?” That’s all that I managed to say. I looked away and covered my chest, I heard Blake chuckled. Sandali itong lumingon sa kalsada upang tingnan kung umuusad na ba ang mga sasakyan bago muli akong tinapunan ng tingin.
“You don’t have to flaunt it. It’s too revealing,” he casually said while tracing his green eyes on my exposed waist. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit ganitong damit pa ang isinuot ko ngayong araw pero bakit ba ako nagsisisi kung una pa lang ay hindi ko naman alam na bigla siyang susulpot at hihilahin ako sa sasakyan ng kapatid niya.
Huminga ako nang malalim at umupo nang diretso kaya mas lalong umangat ang crop top na suot ko at lumabas ang baywang ko, napangisi ako nang magtagis ang mga bagang niya habang nakasunod ang tingin doon, maglaway ka!
“And why do you care?” pagsusuplada ko bago ipinihit ang ulo paharap sa bintana ng sasakyan. I don’t know why he is looking and talking to me this way all of a sudden.
This is too much to handle dahil dati ay hindi man lang niya ako matapunan ng sandaling tingin samantalang ngayon naman ay siya pa ang kumakausap sa akin at halos hindi rin niya maalis ang mga mata sa pagkakatitig. This guy is unbelievable, ang gulo niya! He’s giving me mixed signals and I hate it.
Umiling siya at tumagilid pa ng upo upang mas matitigan ako nang mabuti, pinilit ko ang sarili na huwag siyang lingunin kahit na nangangati na akong mapagmasdan nang maayos ang kaguwapuhan niya. Ilang minuto akong nakatingin sa labas ng bintana kahit na wala naman akong ibang nakikita kung hindi ang nakahintong mga sasakyan, napanguso ako at nagpasyang lingunin na siya dahil napansin kong hindi na siya nagsalita pa.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)