Break-up
"Good morning, Lovey." Mainit na hininga ang gumising sa 'kin.
Idinilat ko ang isang mata at sumalubong sa akin ang berde niyang mga mata. Malamlam ang mga 'yon at malambing na nakamasid sa akin.
Napakalapit ng mukha niya sa tainga ko, ramdam ko rin ang mainit niyang palad na nakapatong sa lantad kong mga hita.
Pasimple ko iyong tinabig, sumakit na naman ang puso ko nang maalala ang mga nalaman ko kahapon.
Pagkatapos ng mga narinig ko mula kay Kirby ay hindi na ako pumasok pa sa klase, umuwi na lamang ako at nagkulong sa kuwarto.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa namanhid na ako.
Nang pinuntahan ako ni Blake ay pinasabi ko kay Mago na masama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang magpahinga pero ang totoo ay ayaw ko siyang makita.
I spent my night deciding what to do if I confronted him and he did not denied it.
"Blake," bulong ko gamit ang paos na boses. Halos manakit na ang lalamunan ko dahil kagabi pa ako umiiyak.
"Are you feeling well?" Pinaglandas niya ang likod ng mga palad sa aking noo para tingnan kung mainit ba ako.
Bahagya kong tinabig ang kamay niya at agad akong tumayo, walang lingon akong pumasok sa loob ng banyo upang maghilamos.
"Hindi mo sinabi na may sakit ka," bakas ang pagtatampo sa baritono niyang boses.
Hindi ko namalayan na sinundan pala niya ako sa loob ng banyo, nakasandal siya sa hamba ng pintuan at marahan akong pinapanood.
Muli ay hindi ko siya pinansin, nagmistulang hindi ko siya naririnig. I brushed my teeth casually. I heard him sighed deeply, ilang saglit pa ay niyayakap na niya ako mula sa likuran.
"Apat na beses akong pabalik-balik dito kagabi, hindi mo man lang ako kinausap," he sniffed my hair. "I missed you, mahal."
Kumawala ako sa yakap niya nang matapos akong magsipilyo. Naglakad ako palabas ng banyo at nagsimulang ayusin ang kama ko.
Ayaw ko siyang pansinin o kausapin man lang, sobrang sakit kasi sa akin ng mga nalaman ko, gusto kong itanong sa kanya kung totoo ba ang mga sinabi ni Kirby pero natatakot ako.
Natatakot ako sa mga sagot na maririnig ko. Paano kung aminin niya na pinagpustahan lang nila ako? I want to trust him but I can't help myself from doubting him.
My mind is still a mess, I don't want to lose Blake but I won't tolerate what he did either-- if that's the truth.
"A.. are you ignoring me?" His voice sounds sweet as he asked that question while stuttering.
I ignored him again. Pinagpatuloy ko lamang ang pagtutupi sa kumot, nabitawan ko ito nang agawin niya sa akin.
He folded my blanket in a neat way. Siya na rin ang nag-ayos ng kama ko, pinabayaan ko na lamang siya, tumalikod ako sa kanya at akmang lalabas na nang mabilis niya akong pigilan.
Hinawakan ni Blake ang pulso ko at hinila ako palapit sa kanya. I didn't move, I just stand still and let him kissed my head and forehead while he's hugging me tightly.
"Ang bango mo sa umaga," he gently tucked a hair strand behind my ears. "Amoy baby."
Nanatili pa rin akong tahimik at hindi gumagalaw hanggang sa maramdaman ko ang magkabila niyang kamay sa beywang ko.
Tumaas ang mainit niyang palad hanggang sa makapasok na ang mga 'yon sa loob ng sando na suot ko.
Ilang sandali lang ay naihiga na niya ako sa kama ko, pumaibabaw siya sa akin at agad na ibinuka ang magkabila kong mga hita.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)