Chapter 21

296K 7.4K 3.2K
                                    

Officially yours

THIS CHAPTER IS RATED SSPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

"Margaux, gising ka na ba?" Napamulat ang mga mata ko nang may sumigaw sa labas ng kuwarto ko.

Sinundan pa 'yon ng sunod-sunod na katok. Nagmamadali akong tumayo sa kama at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa 'kin Mago, nakatayo siya sa hamba ng pinto habang nakamasid sa 'kin ng diretso.

"Good morning, Mago!" Hinalikan ko ang pisngi n'ya.

"Get ready. Blake's waiting for you," saad n'ya gamit ang inaantok na tono.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya, Blake's here? Sinipat ko ang orasan sa gilid ng kama at alas otso pa lang ng umaga.

"Kanina pa siya?" I asked confusingly.

Pinaningkit ni Mago ang mata habang inaaral ang reaksyon ko. "You don't know that he's going to be here early in the morning?"

"I have no idea, Mago." Nagkibit ako ng balikat.

That's the truth, wala namang binanggit si Blake na pupunta siya sa 'min ngayong araw.

"Ang aga ng manliligaw mo!" Masungit na turan n'ya.

"Ang aga-aga, nagsusungit ka!" Tumawa ako nang malakas na lalong nagpalukot sa mukha n'ya.

"I'll get ready, bababa na rin ako mamaya." I closed the door as soon as I finished saying that.

Nagmamadali akong nagtatakbo sa banyo upang maligo. The butterflies in my belly flew all over me.

The thought of Blake makes me excited all the time.

Ganoon naman lagi ang hatid n'ya sa 'kin pero pakiramdam ko ay mas malala ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Ang totoo n'yan ay mas nahuhulog ako sa kanya kaya pinipilit ko na kontrolin ang sarili kong emosyon kapag kasama siya.

Kung noon ay kaya kong harap-harapan ipakita at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kagusto, ngayon naman ay nawawalan ako ng lakas ng loob na maging kasing pranka tulad nang dati.

Iba na kasi ngayon, ramdam ko na kasi na pareho kami ng nararamdaman.

I’m afraid that when I make it too obvious that our feelings are mutual, the thrill will be gone.

Tumagal din nang kalahating oras ang pagligo at pag-a-ayos ko.

Nang makababa ako sa sala ay naabutan ko si Blake na prenteng nakaupo sa mahabang sofa.

Kausap n'ya si Mamila, mukhang seryoso ang usapan nila dahil hindi man lang nila napansin ang presensya ko.

"Ang aga mo, Blake." Singit ko sa usapan.

Agad kong nakuha ang atensyon n'ya, huminto siya sa pagsasalita at nilingon n'ya ang kinaroroonan ko.

"Good morning, beautiful," he simply whispered.

Halos manlambot ang tuhod ko nang sundan n'ya 'yon ng matamis na ngiti.

"Good morning," I smiled back at him, he just smirks and stared at me.

"Good morning, Mamila!" Tinawid ko ang pagitan namin ni Mamila at hinalikan ko siya sa pisngi.

Malaki ang ngiti n'ya sa 'kin, nagtataka ko siyang minasdan. Good mood yata ang lola ko ngayong araw.

"Sit down, Margaux." She pointed the space besides Blake.

Kahit naman hindi n'ya sabihin ay doon talaga ako u-upo, pasimpleng pinaglandas ni Blake ang kamay sa bewang ko nang tumabi ako sa kanya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon