Chapter 42

265K 6.2K 6.1K
                                    

Son

"Bakit po hindi ka makalakad nang maayos?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng pamangkin kong si Roe. Kunot ang noo ng bata habang pinapanood akong hirap na hirap maglakad.

Tumigil ako sa paglalakad sa loob ng  kusina nila Mago, umupo na lang ako sa dining table upang hindi niya mahalata na nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Ha?" iyon lang ang lumabas sa bibig ko nang lingunin ko siya dahil hindi ko alam ang isasagot sa bata.

Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya na, 'binawi kasi ng tita mo ang anim na taon bago umuwi."

"Awe youw legs huwts?" maging si Lei ay sumulpot sa harapan ko at nagsimula na rin magtanong gamit ang nagtatakang tono.

"At bakit po nakasuot ka ng turtle neck and pajama?" muling tanong ni Roe, nakamasid siya sa suot ko.

"Awe you cold?"segunda ni Lei.

Pinalibutan nila akong dalawa, umakyat si Roe sa upuan katabi ko para maabot ang noo ko, nilagay niya ang likod ng palad niya roon upang tingnan kung mainit ba ako.

"You're not sick naman po," saad ni Monroe at ngumuso kaya maging si Lei ay ginaya ang ginawa niya.

Naglikot ang mga mata ko, puno kasi ng hickeys ang buong katawan ko kaya kahit mainit sa Pinas ay balot na balot ako ngayon.

"A..ano kasi," kinagat ko ang labi at nag-isip ng palusot. "Kinagat kasi ako ng cockroach kaya may sugat si Tita."

Sabay na nanlalaki ang mga mata ng dalawang bata, nagkatinginan muna sila bago ako tingnan gamit ang naaawang mga mata.

Hinawakan ni Monroe ang braso ko. "Don't worry, lovey. Sisipain ko yung cockroach kapag nakita ko yun," maangas na saad ng bata.

Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya na namana kay Kylie. Ang ugali ni Monroe ay nakuha kay Mago, pareho silang protective.

"I will bite the cockwoach po to wevenge you!" Sumingit na naman si Lei sa usapan.

Napailing ako at malakas na tumawa. "No, baby. You can't do that because cockroaches are dirty."

"That's gross, Lei-lei," nakangiwi na saad ni Roe.

Bumalatay ang inis sa mukha ng kambal niya, bago pa sila mag-away ay pumagitna na ako sa kanila.

"Do you want to open my pasalubong from Paris?" masaya kong tanong sa dalawa.

Nagliwanag naman ang mga mukha nila at excited silang nagtatalon. Pinisil ko ang mga pisngi nila bago ko sila giniya patungo sa sala kung nasaan ang mga pasalubong na si Blake ang bumili.

"Ang dami, lovey!"

"Yehey! From Pawis!"

Tumakbo silang dalawa patungo roon, umupo ako sa sala at pinanood ko na lang sila na may ngiti sa labi, ang bibo kasi ng mga pamangkin ko.

Kaninang umaga lang kami naka-uwi ni Blake galing sa Paris, may importante raw siyang dapat ayusin kaya kailangan niya muna akong ihatid.

Nagpahatid na lang ako sa bahay nila Mago dahil gusto ko siyang kausapin tungkol sa sinabi niya kay Blake noon.

Hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod, tinotoo nga ni Blake ang sinabi niya, talagang bumawi siya dahil ilang beses niya akong inangkin.

Paulit-ulit naming ginawa 'yon sa bawat sulok ng hotel room. Sa banyo, sa sala, sa kusina at sa sahig. 

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon