Chapter 17

276K 6.9K 4.3K
                                    

More than just a bet.

"I like to fucking kill you, too!" Napasinghap ako nang bigla na lang matumba sa harapan ko si Blare. Hindi agad ako nakagalaw nang makita ko si Blake na nasa harapan na namin ngayon.

Hinahabol niya ang hininga habang masama ang tingin sa kakambal na nasa sahig at sapo ang sariling mukha. Blake looks so mad, his hands form into a fist as he grabbed Blare's collar.

"Blake!" Pumagitna na ako sa kanilang dalawa nang akmang susuntukin na naman niya ang kakambal. Hinawakan ko ang dibdib ni Blake para pigilan siya, pinipilit ko siyang alisin ang pagkakahawak sa kuwelyo ng polo shirt ni Blare.

"Do not stop him, Margaux." Pinanlakihan ko ng mata si Blare, kahit na pumutok ang gilid ng labi niya ay nakangisi pa rin siya at halatang inaasar ang kapatid.

"Threatened?" Malaki ang ngisi ni Blare at hindi inaalis ang kamay ni Blake na mahigpit ang hawak sa damit niya. Hindi nila be binibitawan ang titig sa isa't isa.

Their green eyes are both dark, they are looking at each other as if the are going to beat each other's core. Kinakabahan ako sa tension na nararamdaman ko. Kinuha ko ang kamay ni Blake at hinawakan 'yon.

"Tama na, Blake." Mahina kong bulong sa kanya, natatakot kasi ako na magkasakitan silang dalawa. Pinutol ni Blake ang masamang tingin sa kapatid at inilipat niya ang atensyon sa'kin. Nanlambot ang mga mata niya nang tingnan ako, mabilis niyang inalis ang kamay na nakahawak kay Blare nang makita niya na ayaw ko sa ginagawa niya.

Blake pulled me closer to him, pinalandas niya ang kamay sa bewang ko at mas inilapit ako sa kanya, he then looked at his brother again,

"Tangina, Blare. You can have everything that I have but leave Margaux alone." Nanginginig ang kamay ni Blake, halata na gusto pa niyang suntukin muli si Blare pero nagtitimpi na lang siya.

"Really? Gago, sabi mo 'yan ah." Sabay kaming napakunot ang noo dahil sa sinabi nito. Bigla kasing nagbago ang ekspresyon niya, mula sa seryosong mukha ay bigla siyang tumawa ng malakas.

"What do you fucking mean?" Naiinis na tanong ni Blake, his arm is still wrapped around my waist. Hinarap kami ni Blare at pinilit na huminto sa pagtawa.

"Gago, that was supposed to be my prank to Marg. Umepal ka naman!" Saad niya at hawak ang tiyan na tumatawa pa rin habang tinuturo ang kapatid, sabay kaming nagbuga ng hangin ni Blake dahil pareho kaming nakahinga nang maluwag. What a relief!

Kung totoo man kasi na gusto ako ni Blare ay talagang hindi ko siya papansin at baka mawala lang ang friendship namin, I will still choose Blake over anyone.

"Tangina mo." Umamba pa si Blake na susugurin niya si Blare pero nagtago ito sa gilid ko.

"Margaux, oh. Nananakit na naman si Blake." He teasingly said, nakanguso pa siya na parang inapi, "kung ako sa'yo, basted agad 'yan." Bulong pa niya sa'kin na alam ko naman na rinig pa rin ni Blake.

"Stay fucking away, Blare!" Hinila akong muli ni Blake para malayo ako sa kambal niya. "Don't you fucking dare say that you like my girl." Napangiwi ako dahil sa higpit ng hawak sa'kin ni Blake, hindi naman masakit ang pagkakahawak niya kaya lang ay halos mahiya na ang hangin na dumaan sa pagitan namin.

"What I really want to say is, I like Margaux to be my sister-in-law. Hindi pa kasi ako tapos, nanununtok ka agad!" Nagkamot na lang ng batok si Blare at pinalis ang dugo sa gilid ng labi gamit ang hinlalaki niya.

"Tarantado ka kasi! What's mine is only fucking mine, Blare Yvan." He gritted his teeth as he says those words.

"Possessive asshole." Blare murmurs under his breath. Napangiwi ako nang may dugo na tumulo mula sa may sugat niyang labi.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon