Chapter 20

273K 6.9K 2.7K
                                    

Be my girl

Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Donna. We will take a jog together before we go to Tagaytay.

I glanced at the mirror one more time after I tied my long hair. Patakbo kong tinungo ang kusina upang kuhanin ang tumbler na dadalhin ko.

"Where are you going?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Fourth.

Nakamasid siya sa 'kin gamit ang nagtatanong na mga mata.

"I'll go jogging." I responded, nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"With Blake?" Pinaningkitan n'ya ako ng mga mata kaya napanguso ako.

"With Donna," I said clearly, tumango lang siya nang sabihin ko 'yon.

"kanina ka pa?" I asked him simply.

Nakaupo siya sa harapan ng dining table katapat ng laptop n'ya at iba pang papeles.

"Just woke up," he started yawning.

"I thought so, what's that?" Sinipat ko kung ano'ng ginagawa n'ya sa harapan ng laptop.

Nakapasok siya sa zoom meeting pero mukhang hindi pa ito nagsisimula.

"Mamila has a meeting, I don't want her to wake up early that's why I volunteered to attend."

Fourth explained it casually, napangiti na lang ako sa sinabi n'ya. My twin is a responsible man, he took all of the responsibilities in his hands.

"That explains the get up," I chuckled humorously, maging siya ay natawa sa sinabi ko.

Nakasuot kasi siya ng long sleeves polo pero boxer short lang ang suot n'ya pang-ibaba.

"Kumain ka na?" Mabilis siyang umiling sa tanong ko kaya naman tinungo ko ang ref upang ipaghanda siya ng breakfast.

I prepared egg sandwich for him and I made him a black coffee, hindi naman kasi kumakain ng heavy meal si Mago kapag umaga at hindi rin siya mahilig sa cream kapag umiinom ng kape.

Mukhang nagsimula na ang meeting dahil isinuot na n'ya ang AirPods sa tainga.

Ibinaba ko ang sandwich at kape sa harapan n'ya kaya naman nginitian n'ya ako ng matamis, he mouthed 'thank you' afterwards.

"I'm going!" Paalam ko sa kanya. He just waved his hand.

Palabas na sana ako ng bahay nang maalala ko ang phone ko, I almost forgot it.

Muli akong umakyat sa kwarto ko at kinuha 'yon. I opened it and my face light up when I saw Blake's name on my notifications.

3 new messages from Blakey.

'Good morning, beautiful.'

'Joji asked me to check his new car, Can I go?'

'I miss you, let's date please?'

Hindi ko mapigilan ang ngiti dahil lang sa simpleng text na natanggap ko galing sa kanya.

Blake became sweeter and he's also making sure that I am always updated to his whereabouts.

Hindi ko na nga kailangan magtanong, kusa n'yang sinasabi sa 'kin kung nasaan siya, sino ang kasama n'ya at ano ang ginagawa n'ya.

I typed a simple reply to answer all of his messages.

To: Blakey

'Good morning! You can go, you don't need to ask me. I can't have a date, I have plans with Donna."

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon