Chapter 34

217K 6.3K 3K
                                    

Yes, ma'am.

THIS CHAPTER IS RATED SPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

Pinagpawisan ako ng malapot nang tumapak ang mga paa ko sa LAX Airport. Halos madurog ko na ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang address ni Blake.

Masakit ang likuran ko dahil sa mahigit kalahating araw na flight. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa kaba pero pinilit ko pa rin para sa baby ko.

This is it, ipapaalam ko na sa kanya na magiging daddy na siya. Sumakay agad ako sa taxi nang makalabas ako sa Airport. 

"Where to, ma'am?"

"Please bring me to Renaissance Tower, Olympic boulevard."

Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga tanawin sa labas, madilim na rin ang paligid, nagmistulang christmas lights ang mga ilaw na nanggagaling sa mga matataas na buildings.

Binuksan ko ang bintana upang damahin ang malamig na hangin na tumatama sa akin.

Mahigit kalahating oras din ang naging biyahe bago ako nakarating sa harapan ng mataas na apartment building na tinutuluyan ni Blake.

Nang pumasok ako sa lobby ay sinabi ko lang ang pangalan ko, nakapagtataka na mabilis pinaalam sa akin ng receptionist ang floor at room number ni Blake.

Hindi man lang ako tinanong kung ano ang relasyon ko sa tenant nila. Wari ba ay may heads up na sila.

Buhat ang maliit kong maleta ay nanginginig ang mga tuhod ko nang pumasok ako sa loob ng elevator.

Tila ba nagliliparan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Lalong kumabog ang dibdib ko nang bumukas bumukas ang pintuan ng elevator at niluwa ako nito sa fifth floor.

Konting lakad lang ay nasa tapat na ako ng room 169, hinawakan ko ang sariling puson. Baby, kinakabahan si mommy.

I was about to press the doorbell when I suddenly heard loud moans coming inside the apartment.

Natutop ko ang sariling bibig. Para akong nanghina. Napasandal ako sa pader, tinatagan ko ang loob, huminga ako ng malalim at hinakawan ang doorknob.

I don't want to jump in conclusions, I need to confirm it using my own eyes.

Nang itulak ko ang pintuan ay saktong hindi ito naka-lock kaya madali akong nakapasok sa loob, lalong lumakas ang mga ungol.

Bagsak ang mga luha ko lalo na nang matapunan ko ng tingin ang nagkalat na mga damit sa sahig.

Dahan-dahan akong naglakad papasok, hindi ko kinaya ang nakita ko. Nakahiga ang lalaki sa sofa at nasa ibabaw niya ang blonde na babae.

Kapwa sila walang saplot, they are both naked and they are fucking!

Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakaharang ang likod ng katalik niya. Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa isipin na si Blake iyon.

Hindi ko na kinaya, nagtatakbo na ako palabas, hilam na hilam na ng luha ang mga mata ko.

Ang sakit-sakit, nahihirapan ako sa Pilipinas, tinitiis ko lahat ang pangungulila sa kanya tapos siya naman ay nagpapakasaya lang sa kandungan ng ibang babae?

Napaupo ako sa sahig nang mabunggo ko ang matigas na dibdib. Sa sobrang hilam ng mata ko sa luha ay hindi ko na nakita na may kasalubong pala ako.

"Lovey?"

Napatigil ako sa paghagulhol nang marinig ang boses ni Blake. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tumingala sa lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Blake?" Nanlaki ang mga mata ko, maging siya ay gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon